Sometimes you will never know the value of the story until it becomes a memory.
●●●Kinusot niya yung mata niya at tinignan ulit yung babae.
"Uhm hi? Nakikita mo ba ako?" pagtatanong niya ulit sa babaeng nakatitig pa din sa kanya.
Sus! Niloloko ko lang sarili ko! Imposible namang may makakita sa akin. Patay na ako eh!
"Duh. Siyempre nakikita kita. Di naman ako bulag. Tsk." napatingin ulit siya sa babae at nanlaki ang mga mata. Nakikita siya nito!
"Talaga? Nakikita mo ako?" pagtatanong niya ulit dito.
"Oo nga. Kulit naman ng lahi nito."
"Sungit naman nito." bulong ni Kate pero narinig siya ng babae kaya sinamaan siya ng tingin nito.
"Peace hehe." sabi ni Kate sabay peace sign.
"Teka nga lang. Patay na ako. Paano mo ako nakikita?"
"Di mo na yun kailangang malaman."
Tatalon na sana ulit yung babae sa tulay pero pinigilan ulit siya ni Kate.
"Huwag kang tatalon!" napatingin ang babae kay Kate.
"At bakit naman?"
"Masakit yan. Mababalian ka ng buto or worse baka mamatay ka."
"At paano mo naman nalamang masakit pag tumalon ako diyan? Natry mo na ba?" panghahamon naman sa kanya ng babae.
"Aba't ang kulit mo din eh noh!"
"Aba! Sa ating dalawa ikaw ang makulit dito. Nangingialam ka sa buhay ng may buhay."
"Ay basta! Wag kang tata--" naputol ang sasabihin ni Kate nang bigla siyang hatakin ng babae at sabay silang nahulog sa tulay.
Sumigaw si Kate na parang wala ng bukas. Pero nagtataka siya kasi patuloy pa rin siyang bumabagsak pero di niya pa rin nararamdaman yung pagbabagsakan niya. Sa pagkakaalala niya, hindi naman ganoon kataas ang tulay kung saan siya nahulog.
Napatingin siya sa babaeng kasama niya nang mapansin niyang tumatawa ito.
"Anong nakakatawa ha?"
"Oh, dear. Chill ka lang diyan. Enjoy the fall."
Kung anu-anong bagay ang tumatakbo sa utak ni Kate. Ito na ba? Ito na ba ang hangganan? Kapag narating niya na ba ang hangganan nito, hindi na niya muling makikita pa ang mga mahal niya sa buhay?
"Ano namang ineemote-emote mo diyan?" tanong sa kanya ng babae.
Sinamaan niya ito ng tingin kaya't tinawanan lamang siya ng babae.
"Wag ka ngang epal diyan! Kasalanan mo 'to kung ba't ako nahuhulog ngayon!"
"Hmm. Malapit na tayo." sabi ng babae na hindi manlang pinapansin ang sinabi niya.
Unti-unting naging maputi ang paligid. Nababalot ang lugar ng mga ulap and the next thing she knew nakatayo na siya at hindi niya manlang naramdaman na bumagsak siya.
"Nasaan na tayo? Saan mo ko dinala?!" pagtatanong niya sa babaeng na sa harap niya.
"Huwag mo ng alamin kung anong pangalan ng lugar na 'to. Kasi kahit ako di ko rin alam anong tawag sa lugar na 'to."
"Saglit nga! Bakit ka ba andito? I mean, like, you know."
"Ano ba talaga? Nalilito ako sa tanong mo. Tsk. Stress mo ko." sabi ng babae sabay lagay ng foundation sa mukha.
BINABASA MO ANG
Living Once Again
FantasyWhat are you going to do if you were given a chance to live once again? Are you going to accept it even if doing so means sacrificing all the memories you had before? "In my heart is a memory, and there you'll always be." "Living Once Again" is a...