Chapter 3 - Who are you?

37 1 0
                                    

Trivia: When Russia secretly discovered the corpses of the last Imperial Family on 1976, it was kept as a secret. Their remains were finaly dug up on 1991 after the collapse of communism. Unfortunately, two of the children of the last Tsar were missing. It is clear that Prince Alexei's remains were missing but one of the daughters' remains was missing too. Russia believed that it was Princess Maria but according to the popular belief, it was Princess Anastasia. This is where the myth of Anastasia, the lost princess started.

____________________________________________________________________________________

"Collins!" tawag ng lalaking kasalukuyang nakayakap sa akin sa taong hindi ko rin naman kakilala nang biglang may naramdaman akong sumulpot na mga lalaki sa kung saan. Hindi ko sila makita dahil kasalukuyang nakabaon sa kanyang dibdib ang aking mukha. Feeling ko ay mga bodyguard sila ng lalaking ito. May iniabot ang isa sa kanila sa kanya. Pilit kong inilayo ang mukha ko para makita kung ano ito kahit sa gilid lang nang aking mata. A shade and a hat? Seriously? Ano ba tong napasukan kong gulo? Muli niya namang isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

"Wear these things now!" wika nya sa matigas na ingles. Agaran ko namang kinuha sa kanya ang kulay pink na summer hat na may kalakihan at salaming puti na medyo malaki rin at agad isinuot kahit nahihirapan ako sa aming posisyon.

"You have to pull down the hat a little lower baby." Bulong nya habang unti-unti nyang kinakalas ang pagkakayakap sa akin. Agad nya akong inakbayan at iginiya sa isang kakapark lang na limousine sa harap ng entrance nang mall. Binigyang daan kami ng mga lalaki kaninang ngayon ay kitang kita ko na. Nakaitim silang lahat at parepareho ang desenyo ng kanilang damit at sapatos. Hinahawi nila ang mga tao at mga paparazzi upang mabigyan nila kami ng sapat na espasyo upang hindi ito mahawakan. Pinapanatili ko namang nakayuko ang aking ulo upang matabunan ng husto ang aking buong mukha.

Nang makarating kami sa tapat ng limousine ay agad kaming pinagbuksan ng isa pang lalaking nakaitim din. Nang makapasok na kami ay isinara nya ito ang agad namang umandar ang sasakyan at umalis. Napabuntong hininga na lamang ako at inikot ang aking mga mata sa loob ng sasakyan. Magara ang loob nito at talagang mamamangha ang sinumang sasakay. Nang mapadako ang aking paningin sa kanya ay naabutan ko syang nakatitig sa akin. Tinagilid ko ang aking ulo upang umiwas sa kanya kahit na alam ko hindi nya kita ang aking mga mata. Gayunpaman, kahit na tinagilid ko ang aking ulo ay kitang kita ko pa rin sya sa gilid ng aking mga mata.

Pinag aaralan ko ang bawat detalye ng kanyang mukha. He had the most perfect jaw I've ever seen in my entire life. His almond shape pitch black eyes compliments the shape of his reddish lips. Mahahaba rin ang kanyang pilik mata. At ang kanyang ilong ay matangos din. He has the most captivating face I ever saw. Manly yet soft. Nakita kong umangat ang gilid ng kanyang labi. I never thought na makikita mo rin ang pagka-arogante nya sa simpleng pag-angat lamang ng kanyang labi.

"Done checking me out?" Tanong nya at wala akong maisagot. Nasaan na ba ng dila ko at bakit hindi na ako makapagsalita. Tumabi sya sa akin at inilapit ng husto ang sarili. "Breath Sweetheart." He whispered into my ears and I feel myself blushing profusely. Nakalimutan ko na palang huminga. I take away the shade and the hat para mas makita ko siya ng maayos. Nagkasalubong ang aming mga mata. Ako ang unang bumawi ng titig sapagkat kindi ko kayang tapatan ang lalim ng pagkakatitig nya. I know I'm blushing and my heartbeat is starting to rise. I feel so uneasy. This feeling, I can't understand. I've never felt it before. No, I'm not attracted to him. It's too early to conclude. This is not happening. This is dangerous. I don't even know him. I took a glance at his direction and I catch him smirking. Conceited! Nararamdaman kong mas lalong umiinit ang pisngi ko. Crap! Iniyuko ko ang aking ulo upang hindi niya mahalata ngunit mukhang nakita niya na.

"You're blushing!" he said with an amused grin. I looked away and cleared my throat. I know right! I need diversion. Wala na bang mas nakakahiya pa sa sitwasyon ko ngayon?

"Who are you?" I asked instead to hide my embarrassment. He just stared at me blankly. Hindi nya siguro akalaing may isang tao sa Pilipinas na hindi nakakakilala sa kanya. Well, you have to accept na may mga tao ring hindi ka kilala. I thought to myself.


DECEPTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon