Chapter 5 - Sources

27 1 0
                                    

A/N: Salamat po sa mga patuloy na nagbabasa nito. I really appreciate you guys. Pinapalakas niyo ang loob ko (^_^). You don't know how much it means to me. Sana pagtyagaan niyo hanggang sa huli. Thank you soooo much!!! God bless you!

To my ever supportive special someone, Thank you! I know wattpad is not your thing Langga but you made an account to support me. That means a lot to me hon. You never failed to amaze me in your own ways all the time. I'm truly blessed to have you.

Trivia: The Romanov family along with their servants, were murdered in a cellar in their prison home in Yekaterinburg by 12 executioners.

____________________________________________________________________________________


"Now, tell me your name sweetheart." He commanded. Umalis na sya sa tabi ko at bumalik sa may bandang harapan ko. Hindi maalis sa kanyang mukha ang bahagyang pag angat ng kanyang labi. Ang sarap nyang bigwasan. Authority is also all over his aura na para bang sanay s'yang sinusunod lahat ng utos nya. Natatakot ako sa hindi malamang dahilan. Ewan ko ba pero na e-engganyo akong sabihin nalang sa kanya ang buong pangalan ko. Pero takot ako. Takot akong pasukin ang mundo nya.

Alam kong sa asta at porma nya palang ay kabilang sya sa mga elite. Mga taong mayayaman. Ayaw ko ng gulo at ayaw ko sa spotlight. Kapag binigay ko ang pangalan ko, alam kong matutunton nya ako. Kahit pa sabihin nating pakikipagkaibigan lang ang gusto nya, ayaw kong mahusgahan. I don't belong in his world and I will never be. Pero naalala kong may utang pala ako sa kanya. Kailangan kong bayaran ang damit nya para matapos na ito. Gustuhin ko man o hindi wala rin akong pagpipilian. Sabihin ko man sa kanya ang buong pangalan ko o hindi matutunton nya parin ako. Halata naman na kaya n'ya akong ipahanap at ipa imbistiga.

"Aria." I said. "My name is Aria."

Sumilay muli ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. I don't know pero sa bawat pagngiti nya ay may nabubuhay na kakaibang damdamin sa akin. Masama ito. Hindi ko na dapat makita pang muli ang lalaking ito. Dahil alam ko sa sarili ko, gulo lamang ang magiging dala ng isa't isa sa amin. Aminin ko man o hindi, alam kong may nabubuhay na atraksyon ang pagkatao ko sa kanya. Kung ano man ito, ayaw ko nang mas lumalim pa. Habang mas maaga, dapat tapusin na.

"Aria?" He asked and I sighed. "Aria Alexis. My name is Aria Alexis Corpuz. Happy?" I said sarcastically as I gave him my full name. Wala na akong balak pang magtanong kung ano ang pangalan nya dahil sisiguraduhin kong pagkatapos nito ay hindi na kami muli pang magkikita.

"Now mister, can I ask you how much is your shirt para mabayaran na kita?" Tanong kung muli at pilit na ngumiti. My heart is still beating so fast and it wouldn't calm down a bit.

"Saan ka nakatira?" he asked once again na nagpabalik sa akin mula sa pagmumuni muni. Nang lingunin ko ang paligid ay natatanaw ko na sa harapan ang gate 1 ng Fort Bonifacio. Bigla akong nataranta. "Just drop me here." I said nang nasa tapat na kami ng mismong gate. Alam kong hindi ako makakapasok dito dahil immediate family lamang ng mga sundalong nakatira dito ang maaaring makapasok sa gate na ito. Bahala na, magpapasundo nalang ako kay nanay. He sighed. para syang natalo sa kung saang laban. "I really should not have followed you." sabi nyang parang nahihirapan. 

Hindi ko alam pero bakit parang nadismaya ako sa sinabi n'ya. Why? Itinikom ko na lang ang bibig ko imbes na magsalita. Lumampas na kami ng bahagya at napag alaman kong nasa gate 2 na kami. "Now tell me, saan ka nakatira." he asked again. Ang kulit naman ng lahi nito. " Pakibaba nalang ako sa tapat ng Gym please." I plead. "Okay." He said.

Umusog sya ng kaunti at napansin kong may pinindot syang button malapit sa kanya. "Collins! alam mo ba kung nasaan ang gate ng Fort Bonifacio gym?" Tanong nito sa Collins na binanggit nya. Hindi ko narinig kung ano man ang sagot nito sa kanya. "Please mister, ibaba mo nalang ako sa tapat ng gym kahit hindi na sa mismong gate." pakiusap kong muli sa kanya ngunit napagtanto kong huli na ang lahat dahil lumiko na ang sasakyan. I sighed. I looked at him pero hindi na sya nakatingin sa akin.

"Uhm, sorry talaga sa damit mo ha." i said again pero tiningnan nya lang ako. And he looks frustrated? Ano na namang bang ginawa ko.

Ilang sandali pa ay napansin kong biglang huminto ang sasakyan ng mahigit kumulang dalawang minuto bago umusad ng kaunti at tumigil ulit. Lumingon ako sa bintana pero naramdaman ko ang paggalaw nya kaya ng lumingon ako ay nagulat ako sa sobrang lapit nya sa akin. Mahagyang namilog ang aking mga mata ng napagtanto kong halos dalawang pulgada nalang ang layo nya sa mukha ko. Nahigit ko ang aking hininga at naaamoy ko na ang bango nya. Wala sa sariling kinagat ko ang aking pang ibabang labi at parang gusto ko na lamang ipikit ang aking mga mata. Bumaba ang kanyang tingin sa aking labi at hinawakan ito gamit ang kayang hinlalaki. "Breath." utos n'ya. napapikit ako ng tuluyan ng maamoy ko ang kanyang mabangong hininga. "Kailangan mong imulat ang 'yong mga mata kung ayaw mong halikan kita ng tuluyan" Nanayo ang balahibo ko sa banta nya. Nanuyo ang lalamunan ko at para bang nauhaw akong bigla.

Idinilat ko ang aking mata at mas lalo akong nawindang ng napagtanto kong gahibla nalang ang layo namin sa isa't -isa. Naitulak ko syang bigla ng matauhan ako. Halos habulin ko ang hininga ko dahil parang naiwala ko ito sa kung saan. Mabilis rin ang pintig ng puso ko. Bakit ganito ang epekto ng lalaking ito sa akin? Isa lang ang napagtanto ko at napatunayan. Isang malaking panganib ang dala ng lalaking ito. Hindi ko na sya dapat makita pang muli. I am determined to end this foolishness. If not now, when? I have to end this now! Hindi mabuti ang magiging dulot nya sa akin. He's a danger and he'll be my downfall.

Lumapit syang muli at hinawakan ang pisngi ko at inilapit ang labi nya sa tainga ko. "I'll find you, I'll have sources." bulong nya at biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan.

DECEPTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon