A/N: Sorry for late update guys and sorry kasi wala muna akong trivia ngayon. I a-update ko nalang siguro next time or gagawin kong alternate. I am really very busy these past few days. But still, i hope basahin niyo pa rin. I will really try hard to update ng mas mabilis. Thank you!
Iris (^_^)
____________________________________________________________________________________
Days have passed since I heard about the news. I am now more determined to keep my distance from him. Hindi na dapat mag cross muli ang mga landas namin. I don't want to be involved in his world because that would mean chaos. I love how I live. I love my peace.
To avoid any encounter with any unexpected persons, I stayed in the house for days, determined to avoid any complications.
Although it has been days, people seem to be curious about the girl he's hugging. Our picture circulated the internet with the caption "Does our prince finally found the girl to love or is it just another fling?"
Sa totoo lang kumukulo talaga ang dugo ko sa caption. Hindi ko alam kung bakit. Parang apektadong apektako ako na hindi naman dapat. Para akong nadismaya sa hindi ko malamang dahilan. Siguro nga dahil sa salitang fling na hindi ko matanggap. I never had a boyfriend and to be tagged as one of his flings irritates the hell out of me. I just couldn't accept it. Who cares anyway? Wala namang nakakakilala kung sino ang babaeng 'yon maliban sa aming dalawa at sa mga bodyguards niya.
Alas cuatro na ng hapon at ilang oras nalang ay papalubog na ang araw. Nagpaalam ako kay nanay na mag-iikot lang pansamantala sa loob ng kampo gamit ang bisekleta ni Izzy. Noong bata pa ako ay hindi ko naranasan ang ganitong bagay sapagkat mahigpit na ipinagbabawal ng aking ama. Ayaw na ayaw n'yang nagagasgasan ako. I was pampered all my life that I don't know how to live in the outside world. Nitong mga nakaraang araw lamang ako natutong gumamit ng bisekleta dahil sa tiyaga ni Izzy sa pagtuturo. Learning it is never easy. I'm now 22 and it's as if it's the first time I learned to live, to breathe, and to laugh freely without limitations.
Nang marating ko ang simbahan at matanaw ang gate 6 ng campo, naiinganyo akong lumabas at sumakay sa nagdaraang mga jeep. Dinala ako ni Izzy isang beses sa MOA upang magliwaliw bago pa mag-cross ang landas namin ng prinsepe. Nakaabot kami hanggang sa may dagat na parte ng mall. Nalungkot ako ng hindi ko napanuod ang papalubog na araw nang sinundo kami ni Izzy ng kanyang mga magulang.
Kaya ngayong nakahanap ako ng pagkakataon, gusto kong lumabas at bumalik ng MOA. Tamang-tama mamayang pagdating ko dahil sigurado akong papalubog na ito. Ang mapanuod ang papalubog na araw at bilog na buwan ay nakakapagpakalma sa akin. Parang pakiramdam ko ay mas lalo akong napapalapit sa aking ina. Na kahit malayo siya, mapanuod ko lang ang papalubog na araw at bilog na buwan ay parang malapit lamang siya.
Asking nanay for permission is troublesome. Ayaw niyang umaalis ako ng mag-isa at baka mabaliw na naman daw siya kakahanap. Pagkatapos nang mahabang pakiusap ko ay napapayag ko rin siya. Inihatid ako nila Nanay at Tita sa mall. Ang dami pa nilang bilin. Ipinagpilitan nilang hintayin ko dapat si Izzy para may kasama ako ngunit ang sunset ang habol ko. Alas syete pa nang gabi ang dating niya mula sa group work nila ng mga kaklase niya kayat ipinagpilitan kong umalis mag-isa.
With eyes closed, I am currently sitting in the cemented pavement feeling the breeze of the ocean when I felt someone is watching me. Iminulat ko ang aking mga mata at marahang iniikot ang aking paningin. Weird dahil wala namang kakaiba sa mga kilos ng ng mga tao.
Ibinalik ko ang aking paningin sa dagat upang mapagmasdan ang magandang tanawin. Napakaaliwalas nang aking pakiramdam. Itinaas ko ng bahagya ang aking mukha upang salubungin ang natitirang sinag ng araw ng may ngiti sa labi.
Napalingon ako ng marahas nang makarinig ako ng isang click ng camera. Namimilog ang mga mata ko nang mapagsino ko ito. Tinanggal na niya ng tuluyan ang kanyang salamin at nakumpirma nito ang hinala ko. I was gaping at him in disbelief. "I told you, I'll find you." He said with a wide grin. "I'll have sources." Dugtong pa niya.
Napakurap-kurap ako ng ilang beses bago ako makabawi sa pagkakagulat. Patayo na sana ako nang magsalita siyang muli. "Don't." He said with authority. "I have been waiting for you to come out of your house for days and you'll leave soon?" he added with amusement. "Aren't you enjoying the sunset, sweetheart?" I can't seem to find my voice. Hindi ako makapaniwalang hinihintay niya ang paglabas ko. "I'm enjoying my view here, ganda!" lilingunin ko sana siya upang sundan ang tingin niya ngunit nabigla akong muli nang magtama ang aming mga mata.
BINABASA MO ANG
DECEPTION
RomanceWhere will it lead you when you thought you deceived the world when in reality it's "your world" who deceived you? Maria Alexandra Romanov – a name no one could possibly not recognize. A woman on her young age aspired for freedom. She’s the beloved...