"Tunggalian" Part 4

5.5K 131 6
                                    

Chapter 4

                Lubos ang nararamdaman kong saya noong makita ko siya. Tulad ng sinabi ni Daddy, baka muli kong makikita ang kaibigan ko kung kailan ay hindi ko inaasahan. Unang araw ng pasukan ngunit kaagad na akong hindi maka-focus sa mga sinasabi ng aming mga guro. Lagi ko siyang tinitignan ngunit malas lang dahil nasa likod ako samantalang siya ay nasa harapan. Tanging likod lang niya ang nakikita ko at ang kaniyang pisngi. Alam kong batid niyang naroon ako sa likod. Bakit hindi man lang ako lingunin? Bakit ni hindi niya magawang tapunan ako ng kahit man lang isang mabilis na sulyap?

                Nang recess na ay mabilis siyang lumabas ng aming classroom. Ako naman ay nagmadali ding kinuha ang  backpack dahil may mga dala ako doong chocolate drinks, sandwich, chocolates at wafer. Sinundan ko siya. Hindi siya pumunta sa aming canteen. Dumiretso siya sa poso. Kinargahan niya ng tubig ang dala niyang lumang bote ng mineral water at tumuloy sa silong ng punong sampalok. Nagtago muna ako. Nang binuksan niya ang kaniyang bag at inilabas niya ang kaniyang baon na nilagang kamote ay noon na ako nagpakita sa kaniya.

                "Dude! Kumusta!" masaya kong bati at itinaas ko ang kamay ko para makipag-apir.

                Ngunit hindi siya nakipag-apir sa akin. Walang ngiti akong nakita sa kaniyang mukha. Nagsalubong ang kaniyang kilay. Tahimik akong tumabi. Muli niyang ibinalik sa bag ang miryenda niya. Tumayo. Nataranta ako.
"Dude, sa'n ka pupunta?
Di siya sumagot.
                "Bakit ba ganyan ka sa akin?" pinigilan ko siya.

                "Ano ba kasi ang ginagawa mo dito?"

                "Dito ako mag-aaral? Anong masama do'n?"

                "Bakit dito? Bakit hindi sa mga paaralang nababagay sa mga katulad ninyong mayayaman?"

                "Dito ako gustong mag-aral ni Daddy, saka okey naman dito ah. Ayaw mo nun, lagi na tayong magkikita at magkasama!"

                "Ayaw ko. Saka malinaw ang usapan natin noon. Hindi kita gustong kaibigan. Kung gusto mong mag-aral dito, wala akong magagawa pa doon pero kung gusto mo akong kaibiganin, hindi iyon mangyayari." Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Tumalikod at lumayo ngunit sumunod pa din ako. Hinabol ko siya.

                "May chocolate drinks ako dito at sandwich. Madami naman ito, saluhan mo ako." pangungulit ko.

                "Putang-ina naman!" Inaambaan ako ng suntok. "Tigilan mo ako, okey! Layuan mo ako! Hindi kita gustong kaibigan! Hindi tayo puwedeng maging magkaibigan!" naninigaw na siya. Nakita kong nakatingin ang mga ibang istudiyanteng malapit lang sa amin. Nanginginig ang kaniyang kamao at alam kong handa niyang isuntok iyon sa aking mukha.

                "Okey. Pasensiya na." Maalumanay kong sagot. Nakayuko akong pumunta sa canteen. Masakit ang loob ko sa ginawa niya sa akin. Nawala ang sayang naramdaman ko kanina. Halos hindi ko din makain ang baon ko.

                Pagkatapos ng insidenteng iyon, kahit masakit ay tinanggap kong hindi niya ako gusto bilang kaibigan. Ngunit kahit ganoon siya sa akin ay hindi ko parin mapigilan ang sarili kong pagmasdan siya ng panakaw. Nandiyan lang siya, abot ng aking mga mata ngunit ni hindi ko malapitan at makausap. Dumaan ang dalawang Linggo at nagkaroon ng botohan para sa classroom officers. Nakita ko kung paano siya kagusto ng halos lahat ng kaklase ko. Siya ang nanalong President. Ako? Prince Charming. Syempre. Pinakagwapo e. At dahil hindi niya ako kinakausap o pinapansin, hindi ko na siya pinilit pang kaibiganin, maraming nagkakandarapang makaibigan ako, bukod sa madaming pagkain na puwede kong ibahagi, sisikat pa sila sa buong campus dahil artistahin ang kasa-kasama nilang naglilibot. Ngunit kahit may iba akong mga bagong tropa, iba pa din si Zanjo. Siya parin ang lagi kong pinagmamasdan. Siya parin ang laman ng aking isip bago matulog sa gabi at inaabangan na dumating sa aming classroom kinabukasan.

Mahal Kita, Hanggang Sa Huling LabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon