"POOT" Part 3

5.5K 124 6
                                    

Chapter 3

                Nang makita kami ni Daddy ay nakita ko ang saya sa kaniyang mukha kahit alam kong naroon ang kaniyang pag-aalala sa akin. Mabilis siyang lumapit at lumuhod sa harapan namin ni Zanjo na nakayakap pa din sa akin. Bigla akong humawak kay Daddy. Kahit papaano ay nabawasan ang nararamdaman kong takot.

                "Salamat sa pag-alalay mo sa kaniya balong ha. Mula kasi nang may nakita siyag tinamaan ng kidlat noong pitong taong gulang siya dito sa atin ay nagka-phobia na siya sa kidlat at kulog. Kaya ako nagmamadali kaninang hanapin kayo dahil alam kong maghihisterikal siya ng walang yayakap sa kaniya."

                Hinihintay kong sumagot si Zanjo kay Daddy ngunit hindi niya iyon ginawa. Nilingon ko siya. Titig na titig siya sa mukha ni Daddy na para bang may pilit siyang inaalala.

                "Ania nagan mu itayen, balong?" (Anong pangalan mo?") nag-ilokano si Daddy dahil siguro iniisip niyang hindi nakakapagsalita o nakakaintidi ng tagalog si Zanjo.

                "Zanjo." Matigas ang pagkakasabi no'n. May kakaibang bigat. Pilit.

                "Taga-anu ka ngay balong?" (Tiga saan ka)

                Mabigat na buntong-hininga ang isinagot niya.

                Dahil patila na din ang ulan at wala na din gaanong kulog at kidlat ay minabuti ni Daddy na mauna na kaming umuwi.

                "Ket kasanu ngarud ngayen Zanjo. Umuna kamin a nga agawiden, nakkung." (Paano din yan Zanjo, mauna na kaming umuwi sa'yo ha, anak?) Nakangiting paalam ni Daddy kay Zanjo. Nakangiti din akong tumingin sa kaniya ngunit wala akong nakitang expression sa mukha niya.

                "Dad, marunong ho siyang magsalita ng tagalog."

                "Ah ganun ba? Sinong mga magulang mo Zanjo at baka kilala ko sila?"

                Pagkatanong iyon ni Daddy ay namula ang mga mata nito ngunit naroon ang galit. Alam kong napansin din iyon ni Daddy.

                "May mali ba akong nasabi sa'yo anak?" si Daddy muli.

                Ngunit hindi na sumagot pa si Zanjo. Tumalikod na ito at mabilis na naglakad palayo sa amin.

                "Anong problema nu'n?" tanong ni Daddy.

                "Sandali lang Dad, kakausapin ko." hinabol ko siya.

                "Zanjo, Dude! Sandali lang!" patuloy parin sa mabilis niyang paghakbang.

                "Sandali lang!" pinigilan ko ang kaniyang braso.

                "Bitiwan mo ako!" may luha ang kaniyang mga mata ngunit mas nangingibabaw ang pagpupuyos.

                "Anong problema mo dude?"

"Wala." Hindi siya nakatingin sa akin.

"Galit ka ba kay Daddy o sa akin?"

Nagsalubong ang kaniyang kilay. Bumunot ng malalim na hininga ngunit nakita kong namuo ang kaniyang kamao na parang gusto niyang sumuntok.

                "Mula ngayon, kalimutan mo nang magkakilala tayo."

"Ano? Bakit?" Nagulat kong mga tanong.

"Bukas bago sumikat ang araw, pumunta ka doon sa malaking puno."

                "Ano bang problema mo, ha?" Naiinis na din ako.

                "Basta, pumunta ka doon bukas. Baka kasi hindi ako makapagtimpi ngayon!"

Mahal Kita, Hanggang Sa Huling LabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon