"Pagkatalo" Part 5

5.5K 122 6
                                    

.

CHAPTER 5

Ito na po ang last update natin dito sa page ang kuwentong ito dahil nabili na ng Dream.com ang copyright ng nobelang ito. Kung gusto po ninyong basahin please search my username Pinagpala in dream.com. sigurado pong mababasa na ninyo ang buong nobela dito.


Nang matapos ang second year namin, siya na naman ang first honor at hindi man lang ako umabot sa top 5. Ang dahilan, huli na nang nagpakitang gilas ako. Pero hindi pa tapos ang laban. May susunod pang taon. Dahil sa bakasyon ay minabuti ni Daddy na sunduin ako at doon sa bahay gugulin ang aking bakasyon.

"Dad, pahanap nga po ako ng tutor para sa 3rd year subjects ko." pakiusap ko kay daddy.

Nagkatingin sila ni Mommy at nagkangitian. Hindi ko alam kung natutuwa sila sa hiling ko o nang-iinis lang.

"Sige. Basta ba magiging first honor ka."

"Promise Dad."

"Okey, ah. May maganda naman palang naidulot sa'yo ang pagtransfer mo sa Diadi.

"Maalala mo si Zanjo na kaibigan ko Dad? Kaklase ko siya ngayon. Sobrang yabang dahil siya ang pinakamatalino sa klase. Gusto kong ungusan siya para mabawasan ang kayabangan niya."

"Akala ko ba kaibigan mo? Bakit nakikikompetensiya ka sa kaniya." Si Mommy.

"Di naman na niya ako tinuturing na kaibigan. Kaya baka matauhan kung matatalo ko na siya sa school next school year."

Lumapit si Daddy. Inakbayan ako. "Basta anak, kahit pa anong ipaglalaban mo, huwag mong kalimutang lumaban ng patas. Hindi lang sa pag-aaral, pati sa iyong buhay, doon ka lagi sa kung ano ang sinasabi ng batas at tama sa mata ng tao at Diyos. Maliwanag?"

"Oo dad. Hindi ko ho makakalimutan 'yan."

Kinabukasan dumating ang tutor ko. Aaralin palang namin sa susunod na pasukan pero pinapag-aralan ko na. Nagpakabihasa din ako sa paglalaro ng basketball kasama ng mga kapit-bahay ko at ang paglalaro ng chess.

Pasukan. Magulo ang lahat. Kumustahan. Karamihan ay umitim ako lang yang yata ang natatanging pumuti. Sa isang taon kasi na pagtira ko sa Diadi, nangitim din ako ng bahagya. Hinanap ko siya ngunit hindi pa yata siya dumadating. Flag ceremony na ngunit wala pa din siya. Hanggang first period na namin ay hindi pa siya dumadating. Kinabahan ako. Paano kung hindi na siya magpapatuloy sa pag-aaral o kaya ay lumipat sa ibang paaralan? Nanlumo ako. Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa nang dumating ang recess namin. Hindi na nga siya pumasok maghapon.

Pangalawang araw. Wala pa din siya. Ibig bang sabihin no'n ay hindi na nga talaga siya mag-aaral pa? Pagkatapos ng aming klase ay nilapitan ko ang advicer namin.

"Sir, bakit ho hindi na pumasok si Zanjo Corpuz?"

"Hindi siya nag-enroll this year. Nagtataka nga kami. Sayang nga, siya pa naman ang pambato sana natin sa Quiz Bee , saka sa mga Press conference natin at Sports."

Nanghinayang din ako. Sumikip ang dibdib ko. Nagtataka lang ako kung bakit siya tumigil.

"Ano kaya ang dahilan kumbakit siya huminto sir?" tanong ko.

"Siguro financial. Karamihan kasi sa mga tumitigil ay walang perang pang-enroll o pambili ng gamit sa school."

"Sir, ipatawag kaya natin siya. Ako na lang ang bahala sa mga gamit niya sa school, enrollment fee niya at hati na lang kami sa allowance ko."

Mahal Kita, Hanggang Sa Huling LabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon