One

14 0 0
                                    

"Sa hindi inaasahang, pagtatagpo ng mga mundo. Dahil minsan lang na nagdugtong damang dama na ang ugong nito."


           Sabi nila ang love wag mong hanapin dahil kusa itong dadating sa oras na hindi mo inaasahan, sa lugar na di mo akalaing mapupuntahan at sa taong hindi mo inaakala. Sabi din nila bawat isa sa atin ay may nakatakda. Sila ay nakatadhana para satin. Nakatadhana na tayo ay mahalin, alagaan at pasayahin. Nakatadhana na ati'y makilala. Minsan nga lang madaming liko, madaming bako at madaming hadlang para makita natin ito, pero sa huli masasabi mo pading worth it. Worth it na hinintay at pinaghirapan mo.


         Umuulan noon, bitbit ko ang mga aklat ko at naghihintay na tumila ang mga malalaking patak ng ulan na bumabagsak sa lupa. Bumuntong hininga ako, iniisip na gagabihin ako sa daan dahil sa pagaantay. Kaya kahit labag sa loob, sinugod ko ang ulan at pinrotektahan ang mahahalagang bagay na maaring mabasa gamit ang suot kong jacket. Pinilit kong sumilong hangga't maari at salamat sa mga mumunting bubong na nasa paligid.


          Nakahinga ako ng maluwag nang makarating sa terminal. Tinignan ko ang mga gamit ko, may mga ilang nabasa pero mayroon namang hindi. Nagantay ako ng jeep at luminga linga sa malaking espasyo na halos ako lang ang tao, pero nakita kitang papalapit. Nagmamadali kang simulong sa kinasisilungan ko. Napagtanto ko na pareho tayo ng paaralan dahil bukod sa soot mong uniporme ay minsan din kitang makita sa school.


          Binalot tayo ng katahimikan. Sumulap ka saglit at nakita ko yon sa gilid ng mata ko. Nilingon kita, ewan ko pero hindi ko mapigilan. Siguro dahil ay nabobother ako sa basang basa mong buhok na tumutulo sa balikat mo. O kaya nama'y sa mga mata mong bigo. Pwede ring sa pag-iling mo paminsan minsan na tila ba may iniisip kang di kanais nais. At dahil sa mga yon parang gusto kitang tulungan. Parang gusto kitang sagipin at lagyan ng ngiti sa mata.


         Pareho tayong nagulat sa pagtunog ng cellphone mo. Nakita kong nanlaki ang mata mo at lumiwanag ang iyong mukha. Hindi ko alam kung bakit, pero may sumakit sa dibdib ko. Umiling ako at nagiwas na ng tingin. Kalokahan! Ano ba itong iniisip ko? Ang weirdo para makaramdam ng ganito. Pinilit kong pakalmahin ang sarili, pinipigilan ko ang ugong ng dibdib.


          Napalingon nalang ako sayo nung may dumating na jeep, agad kang sumakay tila ba ayaw mong maiwan ng byahe. Samantalang ako, naiwan. Naiwan ako roon tulala. Nagatataka.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon