Three

5 0 0
                                    

"Bat di pa patulan. Ang pagsuyong nagkulang. Tayong umaasang, hilaga't kanluran.."


Lumipas ang mga araw. Mas nakilala kita at madalas na tayong magkita. Hindi ko maitatanggi pero masaya ako twing makikita ka, hindi ko lang pinapahalata. Nalaman ko ang mga maraming bagay sayo at ang ugali mo. Sa totoo lang hindi ko iwasang lalo kang hangaan.


Napaisip tuloy ako, bakit di nya makita yan? Bakit hindi nya makita ang ikaw at nagagawa ka nyang saktan? Hindi mo na sya nababanggit pero minsan habang kausap kita mapapansin ko na nalulutang ka. Siguro ay iniisip mo sya. Kunwari hindi ko nalang napansin kaya tumatawa ako.


Bakit kasi sya pa? Di pa pwedeng ako nalang? Pupunan ko lahat ng hindi nya kayang ibigay sayo. Napabuntong hininga ako sa iniisip ko. Napafacepalm ako. Kung anu ano kasing naiisip ko. Mabuti pa maging mabuting kaibigan nalang ako sayo, diba?


Isang araw wala tayong klase pareho, napagisipan nating magkita. Sabi mo kasi magpapaturo ka dun sa subject na nakuha ko na last sem. Medyo masaya ako nun kasi may rason para makita kita. Nakakahiya naman kasi na ako yung maunang lumapit.


Hindi naman ako matagal nagantay sa sala ng dorm natin. Oo, akalain mo yon same dorms tayo. Hindi ko din naman alam neto ko lang nalaman nung nabanggit mo. Kaya pala pareho tayo ng sinasakyan pauwi. Bakit kaya hindi kita nakikita dati?


Tinuruan na kita, hindi ka naman hirap matuto. Fast learner ka nga eh. Minsan nga parang mas alam mo pa yung tinuturo ko kasi ikaw pa mismo ang nagtatama sakin. Yung totoo? Nagtatawanan tayo sa pagitan ng pagtuturo, ang lakas mo kasi talaga mag joke ang sarap mo itapon sa ilog pasig. De biro lang. Pero magaan talaga sa loob pag naririnig kitang tumatawa, parang ang mahal kasi ng bayad sa bawat halakhak mo.


Ayoko tuloy matapos ang mga oras na yon. Hinihiling ko na sana may itanong ka pa, na sana may di ka pa maintindihan. Pero bigo ako. Kasi mabilis mong ngang nagets. Sinarili ko nalang ang disappointed at naging kuntento nalang sa paglibre mo ng isaw sakin dyan sa kanto.


Inaasar pa ga tayo ni Manong Isaw na boyfriend daw kita at bagay daw tayo. Dinalangin ko na sana nga tayo nalang, asang asa ako. Kaso binubura ko yun twing nakikita ko yang tingin mo na nagpaparamdam sakin na hindi pwede, kasi sinasalamin nito yung lungkot mo nanaman. Madalas pag ganon nagiiwas ako ng tingin at umaasang sana ako nalang.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon