"Saan nga ba patungo? Nakayapak at nahihiwagaan. Ang bagyo ng tadhana ay dinadala ako sa init ng bisig mo."
Hindi natin kailangan ipilit ang pagmomove on. Naniniwala ako na kusa yan. Actually, lahat ng bagay bagay pakiramdam ko kusa. May right time.
Kaya hindi ako nagmadali sa pagmomove on ko sayo. Naniniwala kasi ako na one day gigising nalang ako na pagod na kong masaktan at malilimutan ko nalang lahat ng pinagsamahan natin. Kaya habang andito pa ko sa stage na to, dinadamdam ko pa.
Oo, ako na masokista. Ako na yung ngingiti pa twing kasama mo sya, kumakain o kahit na kausap lang sa may hallway. Minsan din magkahawak kamay pa nga at masaya. Minamanhid ko ang sarili ko. Baka kasi wala na ko maramdaman sa susunod. Baka kasi mas makaya ko pag sobra na.
Pero minsan naiinis ako. May mga pagkakataong hindi ko kinakaya, pero kung minamalas ka nga naman mas nakikita pa kita lalo. Alam mo yon? Sinasadya na mapadpad ako kung nasan ka, nasan kayo. Bastusan lang? Parang tinutulak ako ng hangin kung nasan ka or kayong dalawa.
Ako naman minsan umiiwas pero hindi nagtatagumpay kasi nakikita mo ko. Nakakahiya naman kung hindi kita lapitan twing tatawagin mo ako. Kaya kahit msakit lalapit ako. Kakausapin ka. Kakausapin yang girlfriend mo.
Minsan pa nga kahit ayoko makarinig ng kahit anong balita sayo eh mas nakakasangap pa ako. Katulad noong nabalita na napaaway ka daw at suspended. Hinanap kita noon sa buong campus pero hindi kita makita, yun pala asa dorm ka lang. Pawis na pawis ako, alalang alala sayo tapos andon ka lang pala nakaupo nagpapagamot sa girlfriend mo. Hiniling ko sa langit na sana ako tinawagan mo. Na sana ako ang gumagamot sa mga galos mo.
Oo kaya ko naman eh. Kaya ko nga kasi yong sakit sakit na yan. Masasanay naman ako ih. Kaso ang hindi ko kinakaya yung parati at lagian. Na para bang kahit san ako tumigin, magpunta o kahit wala lang akong gawin, parating ikaw yung nakikita ko. Bakit ba ganito?
May isang beses din, nasa may gate ka may dalang payong. Makulimlim kasi noon eh. Nahinuha ko na inaantay mo sya, kaswerte nga naman nya. Binati kita, nagkamustahan tayo, nagbiruan at nagkakwentuhan ng bahagya. Biglang bumuhos yong ulan, pareho tayong natawa kasi hindi tayo handa. Ngayon ko nalang ulit narinig yang halakhak mong walang tutumbas kaya tumaba ang puso ko at abot abot ang ngiti ko nun.
Imbes na buksan mo ang payong na dala mo, eh naligo nalang tayo sa ulan. Tutal naman basa na rin naman tayo. Tinago mo yong payong sa bag mo, tinanong kita na bakit nagdala ka pa kung magpakabasa ka lang din. Ngumiti ka tapos ay sinabi mong para sakanya sana iyon kasi alam mong di sya nagpapayong, handa ka kamo mabasa para sakanya. Nasaktan ako at aalis na sana pero hinila mo ako.
We ran and played under the rain. Ayoko matapos nanaman ang mga oras na yon. Ang saya saya talaga nating dalawa, para tayong mga bata na walang problema na ang iniintindi lang ay ang masayang oras na yon sa ilalim ng ulan na magkasama. Binuhat mo pa ako at inikot ikot sa gitna ng ulan, ako naman tawa ng tawa na may tiling kasama. Ang saya talaga. Walang paglagyan ang kaligayahan ko ng mga sandaling iyon.
Bumilis ang tibok ng puso ko nung nagtama ang mata natin nun pagtapos mo ko iikot. Malapit ang mukha nating dalawa. Ramdam ko ang hinga mo at ang pagtaas baba ng dibdib mo. Ramdam ko din ang higpit ng yakap mo sa bewang ko kasi buhat mo padin ako. Nanghihina ako. Nakukuryente, nakikiliti, lahat na! Halu halong pakiramdam. Unti unting lumapit ang mukha mo, kinabahan ako. Pumikit ako at inantay ang dampi ng labi mo sa labi ko pero bigo ako. Hinalikan mo lang kasi ang tungki ng ilong ko.
Nakagat labi ako at napaisip habang nasa terminal tayo nagaantay ng jeep. Tinignan kita habang ikaw ay nakatingin sa malayo, nakapamulsa. Ano ba talagang gusto mo? May gusto kang iba hindi ba? Pero may naramdaman ako na alam kong naramdaman mo rin. O baka ako lang yon? Sabagay sa simula palang naman, ako lang tong umaasa kung san tayo patungo. Na may posibilidad na maging tayo. Hindi ba?
BINABASA MO ANG
Tadhana
General FictionHer and His side. Her love. His admiration. Her struggles. His sacrifices. One destiny. Their "Tadhana."