Chapter 28! :))))))))
Na-eexcite na koooooo. Hahaha.
Nga palaaaaa. Tinanong ko si Elaine kung pwede nya ituloy to.
Sabi nyaaaaaaa.
*Bloogsh* "Ano ba naman?! Sabi ko wag mo ko kausapin tungkol jan eh. Ikaw na bahala jan. Alam mo naman na gagawin jan eh." Sunget noh? Hahaha. Pero joke lang yung sapok. Haha.
So, ready your tissues ;)))
~°~°~°~°~°~°~°~
Angela's POV
Paggising ko, 8:00 palang. Wala kasi kaming pasok ngayon. Since, Monday ngayon, Wala si mommy at si Daddy naman, nasa work.
Bumangon na ko para magbreakfast. Nasa kusina si Yaya Bey, as always. Nagpaready ako ng Pancake saka waffle tapos nagtimpla na ko ng gatas ko. Oyyy. Naggagatas parin ako noh! Healthy kaya yun. Hahaha.
After eating breakfast, bumalik na ko sa kwarto ko at nanuod nalang.
*bzzt*
Nagvibrate yung phone ko.
From: Sonny <3
I'll see you in an hour? Kita tayo sa bench na lagi natin inuupuan.
Oo nga pala! Magkikita kami sa park. Bigla nanaman akong kinabahan. Saka, usually kasi, pag nagtetext si sonny, may smiley. May problema kaya? :(
Nagpunta na ko sa banyo para maligo. After kong maligo, sinuot ko na'y damit ko. Naka cardigan ako, violet leggings, saka vans. Tapos nag light make up lang ako. Then, nagblower ako ng buhok tapos kinulot ko'y dulo.
Pagkatapos kong gumayak, medyo, natagalan kasi ako gumayak eh, Nagpahatid na ko sa park.
Mga ilang minuto lang siguro ang papunta dun.
Pagkababa ko, sinabi ko kay Mang Berting na magpapahatid nalang ako kay sonny.
Naglakad lakad ako nang may nakita akong hindi ko inaasahang makikita ko.....
"I love you Sonny." Si.... si..
"SAM?!" Dala ng emosyon, napasigaw ako. Nasa likod na kasi ako nung bench, Bench namin ni sonny..
"Angela..." B-ba't parang kalmado lang si sonny?!
"K-kaya mo ba ko pinapunta dito? Para.. Para makita kong nakikipaglandian ka sa babaeng to?!" Ako.
"Angela. Let me explain.." Sonny.
Bumubuhos na ang mga luha ko. Hindi ko na kayang pigilan pa ang pagbuhos nila.
"Explain? Ano ie-explain mo sonny?" Ako.
Magwawalk out na ko pero pinigilan nya ko. Dala ng sobrang galit, at sobrang sakit, Sasampalin ko sya nang Pinigilan ako ni Sam.
"Don't you dare slap him!" Sigaw nya.
"Bitiwan nyo 'ko! Ginamit mo lang ako sonny! Sana noon palang sinabi mo nang ayaw mo sakin! Na si samantha ang gusto mo! Ang sakit sakit eh!" Sigaw ko. Habang patuloy ang pagbuhos ng mga luha ko.
"K-kaya mo ba ko pinapunta dito, para makipaghiwalay sakin?" I continued.
"Angel ko.-" I cut him off.
"Don't you dare call me 'Angel ko', Sonny!"
"Angela naman. Oo, oo makikipagbreak ako sayo. Pero yung mga pinagsamahan natin, lahat ng sinasabi ko sayo, Yung pagmamahal ko, Lahat yun TOTOO." Sonny.
"Then why are you breaking up with me?" I asked in between sobs.
"BECAUSE HE DOESN'T LOVE YOU ANYMORE!" Singit ni Sam.