CHAPTER III-A

20 0 0
                                    

6:00PM 

Anna Tweeted, "We've landed here at Laoag. Wala palang flight papuntang Pagudpud. Hanggang Laoag lang. We'll grab our early dinner first then off to the nearest bus stop. Good evening, friends! Last tweet for now. Bye~" 

Habang hinihintay ni Anna at Mico ang tinake-out nilang early nosh sa Chicken Ati-atihan, biglang bumuhos ang sobrang lakas na ulan. UNEXPECTED WEATHER.

"Ate, may bagyo po ba?" - Tanong ni Mico sa kalapit ng table nila.

"Awan ading. Normal la kanyami dagita. Haan met a nagtudo idi kalman ken naminsan a aldaw. Tatta man lang." -Sagot ng matandang babae sa kabilang table. 

Speechless si Anna at Mico. Akala nila nakikiusap sila sa Alien kaya dinaan nalang nila ito sa tawa dahil hindi nila naintindihan yung sinabi ng matandang babae.

"Sabi ng kasama ko, normal lang na umulan ng ganito sa amin. Hindi naman umuulan kahapon. Ngayon lang. Akala namin nakakaintindi kayo ng Iloco. Dayo lang ba kayo dito?" -Pagsisingit na tanong ng isang babae.

"Salamat po trinanslate mo. Yup, magbabakasyon lang saglit. Sige mauna na kami! Salamat po ulit!" -Anna

Okay naman kanina and the past days. Hindi pa naman daw umuulan. Ngayon lang daw. Mukhang ayaw ng panahon na dumayo sila A and M dito ah. After a few minutes, nagtricycle na silang pumunta sa Bus Stop at eksaktong aalis na yung Bus papuntang Cagayan. 

"Kuya! May extra seats pa po ba?" -Tanong ni Mico.

"Meron pa kaso pang dalawahan nalang!" -Konduktor.

"Manong sasakay po kami! Sa Pagudpud po kami bababa. Sa may Villa Basconcillo!" -Mabilis na sagot ni Mico at tumakbo pabalik para kunin ang bagahe nila ni Anna na medyo basa na dahil sa malakas na ulan. Medyo basa narin sina Anna pero hindi nila ito pinansin dahil nag-aapura ang dalawa na sumakay na sa Bus para makarating narin sa wakas. 

"Dalian niyo! Malayo pa ang byahe natin, pagabi na at delikado ang daan!" -Konduktor. 

Biglang lumuwag ang pakiramdam ng dalawa nang makasakay na sila. Sila'y agad na kumain sa loob ng bus. Kahit na buwis buhay itong mag-preno.

"Grabe naman si manong driver. Nakita na nga niyang kumakain tayo e. Wala pang Aircon! Kainis!" -Mico

"Ang dami mong reklamo Mico! Hindi naman kasi tayo VIP dito sa bus, eh? Mini bus lang to. Nagbabayad din yung iba and duh?! Gabi na, siyempre magaapura si Kuya. Lumamon ka na nga lang diyan." -Anna *raiseseyebrow*

[Grabe ka naman Anna. Sungit sungitan ang peg? Hahahaha! Okay, back to the story.]

Habang kumakain si Mico, napansin niya na may tattoo si Anna sa batok niya. Nang napansin ni Anna na tinitingnan yun ni Mico, agad nitong tinakpan. 

"Bes, kelan pa yan? Aware ba si Tita? Baka mamaya palihim na naman yan! Ang duming tignan, promise. Babae ka pa naman."  -Mico

"Nung other day lang. Henna lang to, don't worry." -Anna

"I knew it! Hindi mo kaya kasi takot ka!" -Patawang sagot ni Mico

Tumawa nalang silang dalawa at nagkwentuhan ng mga past memories nila biglang magbestfriend habang kumakain. Napag-usapan nila na nung araw, na-lock si Mico sa kwarto ni Anna at eksaktong naka-on yung eBarbie ni Anna na naglalakad lakad. Akala ni Mico, minumulto siya kaya nagtago ito sa dressing room ni Anna at iyak ng iyak. Nang pumasok si Anna sa loob ng kwarto niya, nakita niya si  Mico na nanginginig at umiiyak at nagkalat na sa sahig ang kanyang mga laruan. Marahil ay, binato ni Mico ang ibang laruan ni Anna dun sa eBarbie nito sa sobrang takot. Napakamatakutin pala si Mico noong araw no? 

"Bes, para palang Baguio ang daan dito. Pa-zigzag at ang daming liko liko. Nagfa-fog pa." -Mico

"Oo nga e. Nakakaexcite tuloy mamasyal bukas! Maganda din ata ang place na to for Photoshoots, Mico. What if, dito mo nalang isuggest na ishoot ang next projects mo. For sure magugustuhan nila!" -Anna

"That's a nice idea, bes! Thank God nadala ko yung camera ko for proposals! I'm so excited na talaga!" -Mico

"I can see. Hahaha pahinga muna tayo bes. Kahit papano may naitutulong ka sakin sa bakasyon ko. Tagabuhat ng bag! Hahahaha gigisingin nalang daw tayo nung konduktor pag nasa Villa na tayo. Idlip muna tayo saglit!" -Anna

[I almost forgot, hindi ko pa pala naikwento yung personal background ni Anna and Mico. So okay, eto na:

MICO'S IDENTITY:

Si Miz Jericho Orton ay ang panganay na anak nila Mrs. Eve Farrelli-Orton at Mr. Miguel Batista Orton. May dugong Filipino, American, Irishman at Canadian. Interesting diba? May little sister siya kaso hindi sila close. Isa siguro sa mga factors kung bakit ayaw niya yung sister niya na si Kaitlyn Fellona eh dahil sa Barbie dolls and spoiled brat. Elusive-type si Mico. Bihira lang mag-circulate. Mayaman nga sila pero hindi niya ito pinapakita. Kuripot siya. Oo, as in KURIPOT. May mga past relationships siya but it didn’t last that long. You want to know why? He is such a busy person. Napaka-hopeless romantic. Mico and Anna were kinder and gradeschool classmates. Anna was his first crush pero hanggang dun lang yun dahil nung mid-highschool, nagkagirlfriend na ito. Their friendship bloomed when they were in highschool. Halos magkasabay sila araw-araw sa kotse and sa iisang bahay. They studied in Valdez-Orton Private High. Pag-aari ng mga parents nila. Nung bata kasi si Anna, nakidnap siya. Almost two weeks siyang  nawawala. Since mayaman sila, maraming nagtangkang magsinungaling na nakita nila si Anna ara lamang sa nakapatong na reward. Nung nabawi naman na siya sa kamay ng kidnapper, pinagpyestahan siya ng mga journalist and media. Pagkatapos nun, napagisip isip ng mga parents nila na magpatayo nalang ng school for their children’s safe. Private school yun at piling pili talaga ang mga estudyanteng nakakapasok dun. I mean, puros magagaling! Life standpoints were set aside. Binibigyan nila ng scholarship ang mga hindi nakakaafford. Dun kasi, dapat mameet mo yung standards nila na GWA must not be lower than 90. Yup, tama nga yang nabasa niyo. 90! After highschool, Mico and Anna studied in Oxford University. It was their parent's decision na pagsamahin sila para in the future, maganda ang collaboration nila as the future owner of the Valdez-Orton Company. Right now, Mico is in his search for his own dream. Sinusulit niya ang pagiging photographer bago maisabak sa business. Real Business. 

ANNA'S IDENTITY:

Si Zianna Kaye Valdez ang nag-iisang anak ni Mrs. Amanda Mcmahon Valdez and Mr. Steve Austin Johnsons Valdez. Shy-type si Anna. Filipino-American. Laging nakakulong sa bahay o kaya pag lumalabas, laging may guards. Anna is a victim of the corruption of the real realm. A horrible reality. She was kidnapped when she was young and the dreadful part was, the media almost took all his rights and freedom. Laging nakabuntot sakanya in her early age. Ni hindi pa niya natra-try makihalobilo sa mga crowded area. Pag magbabakasyon man, exclusive for their family lang. Ang Whimsical Café na pag-aari ng pinsan niya at Orton-Valdez Resort ang naging safe haven ni Anna. Dun lang siya nakikita. To tell you, she never went inn into Malls. Never in her life. It wasn’t her parent’s choice, it was her own decision. She had past relationships too, like normal people does. All her 2 ex-boyfriends were business-related. One is a restaurant owner while the other one is a son of one of the biggest companies in the Philippines. Well, si Dale? Anak siya ng ka-collab. ng company ni Anna. That’s why when Dale made the dumbest move, nag-back out na ang Orton-Valdez Company and they watch the downfall of the Midas Company, ang company nila Dale. How is Anna’s relationship status by this time? Well, I guess single and ready to mingle sounds better and best suits to her than alone and ready to bone. LOL.

So ayun! Finally! Tapos ko na tong part na to. Let’s go back to the story!]

My Vacation Sweetheart (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon