CHAPTER I

72 2 0
                                    

Anna, a hopelessly-romantic writer, was planning to bound to Ilocos to save herself from stress. At para narin makamove on. May pagka-depress at pagka-emotional minsan si Anna kaya super protective ang bestfriend nitong si Mico. Mico and Anna were high school friends. Same school sila hanggang college. Close narin sila sa family ng isa't isa. Hindi naman maiwan iwan ni Mico si Anna dahil wala siyang trust kay Anna na aalagaan niya ang sarili niya kaya napag-isip isip ni Mico na sasamahan niya si Anna sa Ilocos. What?!  At first, hindi pumayag si Anna. She didn't know that Mico wanted to accompany her.

"Kaya ko namang alagaan ang sarili ko Mico! Gusto kong mapag-isa. Please, kahit ngayon lang." Pagpipilit ni Anna.

"Anna, the last time na sinabi mong kaya mong alagaan ang sarili mo, binigay ko ang full trust ko sayo pero anong ginawa mo?! Muntikan ka ng nag-agaw buhay dahil sa tarantadong ex mo! Bestfriend mo ako! Ayoko namang sapian ka na naman jan ng depresyon at gawin mo ulit yun!"

Nadulas ang bibig ni Mico at nasabi niya yung tungkol sa ex ni Anna. Ang ex-boyfriend ng mundo!

(4 years na sina Dale at Anna at nasa kalagitnaan na sila ng pagpaplano ng tungkol sa kasal nila. Tatlong buwan bago sila ikasal, biglang naglaho si Dale. Ni isang text o kaya tawag walang natanggap si Anna. Pagkatapos ng mahigit sa dalawang linggong hindi pagpaparamdam ni Dale, bigla siyang nagpakita. Nagulat nalang silang lahat ng umuwi si Dale na may dalang babae. Hindi inexpect ni Anna na buntis yung babae at si Dale ang ama! Ang sakit diba?! Gulat na gulat ang pamilya ni Dale at hiyang hiya sa pamilya ni Anna dahil sa ginawa ng tarantado nilang anak. Ay! Ex-boyfriend na pala! Pagkatapos ng isang taon, heto na naman si Dale! Nagparamdam kay Anna! At ang pinakamasakit dun, gusto niyang kunin si Anna na maging ninang! Ang kapal ng mukha diba?!)

Hindi kumibo si Anna at nagulat nalang siya sa sinabi ni Mico. Hindi niya inexpect na mababanggit yun ni Mico at ganun nalang katindi ang pag-aalala nito sa kanya.

"Nakabili na ako ng ticket para sa flight tomorrow. Sasamahan kita."

"Do I have a choice Mico?" At iniwan ni Anna si Mico sa coffeeshop kahit hindi pa sinerve ang order nila.

Kagabihan, hindi parin mawala sa isip ni Anna yung nangyari sakanila ni Mico sa coffeeshop. Natauhan at nakokonsensya siya sa ginawa niya. Hindi din naman niya inexpect na kasama niya bukas si Mico sa flight dahil alam niyang punong puno ang kalendaryo nito ng mga schedules niya for Photoshoots. Ano ba naman to! Bakit pa kasi siya sasama yan tuloy nasumbatan ko siya! Sh-t! Wala na ata akong mukhang maihaharap bukas sa bestfriend ko lalo na't baka magkatabi kami bukas. Paano na to?! Sinubukan niyang huwag na munang isipin ang mga nangyari kanina kaya inayos nalang niya ang mga gagamitin niya sa 2-week vacation niya.

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Anna kinabukasan? Magkakasundo ba sila ng bestfriend niya sa mga plano nito sa kanyang bakasyon? Makakahanap nadin kaya si Anna ng pag-ibig sa pagbabakasyon niya sa Ilocos? Hmm. Abangan natin!

My Vacation Sweetheart (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon