chapter 4 (drag and kiss)

23 3 0
                                    

Daito's pov

"Ahhhhh uhhhhhmmmm" oh yan na naman kayo iniisip nyo ah nagunat lang ako ng katawan. Di ko inakalang dito na ako nakatulog sa may balcony.

Hinagkan na ang aking mukha ng sinag ng araw. Ngayon ko lang napagtanto ang ganda ng tanawin dito sa may balcony. dahil mataas ang unang palapag ng bahay ay di natatabunan ng punong kahoy ang tanawin mula dito at kitang kita ko ang unti unting pagsikat ni haring araw. Napangiti ako at ninanamnam ang pag.aagaw ng temperatura. Mainam na hinahaplos ng lamig ng hangin ang aking mukha habang nararamdaman ko ang init ng sinag ng araw na tumatama dito. Napakapayapa ng umaga, napakamaaliwalas. Ito ang tanging nagbibigay sa akin ng lakas ngayon para bumangon.

Nang aktong tatayo na sa aking upuan ay bigla akong napahawak sa aking labi. Ang panaginip na yun kung saan ko nahalikan si rica tila totoong nangyari.

Napangiti nalang ako, yun na ata ang pinakamasarap na halik sa tanang buhay ko.

Ayun tamang imagine lang tapos deretso na sa normal routine ko. Hmm ngayun harap sa salamin. "Oh good lord, bat ang gwapoh ko ngayon? Tsk tsk araw araw nalang talaga ako gumagwapo." Sabi ko sa sarili ko sabay ayos ng konte sa buhok at praktis ng ngiti. "Tong ngiting toh ang magpapalaglag ng panty mo rica tandaan mo yan." Kausap ko na naman sarili ko sa salamin sabay kindat.

Matapoa magpapogi ay gumayak na ako. Nang akmang ilalock ko na yung pinto ay tila may naramdaman akong nakamasid sa akin.

Lingon sa kaliwa..... Lingon sa kanan... Hmmm lah namang tao ahh baka feeling ko lang yun. Feelingero ako eh hehehe.

Ayun punta ako ulit sa ilog as usual pero bago ako dumeretso dun eh dumaan muna ako sa may AC university. Tingin tingin ng mga chicks pero tila di nila ako napapansin. Hai baka tumaas na standards ng mga girls dito kaya di na ako nililingon. Pero ok lang dapat yung hinahanap ko yung lilingon sa akin hihi.

"Asan na kaya yun?" Sambit ko sa sarili ko dahil naiinip narin akong naghihintay pero di ko parin sya nakikitang pumasok eh. "Hmmm baka late sya." Ang nasabi ko nalang.

Nang biglang. "Hayyyyy ayun na sya ang ganda talaga niya lalo na pag nakangiti. At mukhang maganda rin yung kausap niya ah. Hmm sabagay kga ibon na pareho ang pakpak iisa ang lipad (tagalog ng birds of the same feather flocks together, pero gawagawa ko lang yan di ko talaga alam yung tagalog nun :) )" sambit ko sa sarili ko ng nakangiti. Tila masaya na akong pinagmamasdan siya sa malayo.

Nang makapasok na ng AC si rica ay tumalikod narin ako at pumunta na sa lugar kung san ako araw araw na dinaadala ng paa ko.

Tweeet tweeet.... Mataas na ang sikat ng araw pero malamig parin dito sa lugar na kinatatayuan ko malapit sa ilog. It's been a month since I first stood here. Things have been familiar already. The sound of the birds chippin on the tree tops, the slow flow of the river, the ray of sunlight that lit the place. Everything became familiar as days go by. It seem that this familiarity has been part of me for who knows when, how or why.

I was in the middle of recolection of my memories when...

"Ahm hi datdat." Ahhh that sound it never startle me but gives me a different warmth inside. Lumingon ako para harapin sya ng nakangiti. Napakagandang nilalang. Isang anghel na tila pinadala sa lupa upang tunawin ang aking puso.

"Hi rica! Hindi ko napansin ang paglapit mo." Nakangiti kong tugon sa kanya na may kasamang ngiti. Ngiting tunay na nagpapakita ng aking galak dahil nandito siya ngaun.

"Pasenxa ka na ah kung naistorbo kita sa pagmumuni.muni mo." Ang tila nahihiyang sambit naman niya sa akin habang nakatingin sa ibaba ko..... No sa lupa pala siya nakatingin (^.^)

Memories of the Heart: a concrete loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon