Chapter 2: The new Transfer Student (SAMPLE CHAPTER)

5.4K 75 23
                                    

Chapter 2: Love at First Sight

HINATID ni Xander si Ingrid sa class room. Dahil doon ay nagkakanda-haba ang leeg ng mga kaklase niya sa class room na para bang may artistang dumating. Nakangiti na kumaway lang sa kanya si Xander nang umalis na ito. Nginitian lang niya ang kaibigan.

"Sosyal ka talaga girl ha! Ikaw lang ang nakita kong panget na palaging may kabuntot na prince charming!" Kinikilig na pagsalubong sa kanya ng kaibigan na si Rico.

"Ano naman ngayon? Alam mo na naman na mula pa sa umpisa na kaya lang naman kami palaging magkasama ni Xander ay dahil sa magkababata kami. 'Yan na namang imahinasyon mo, naku ang layo na naman ng nirating! Napaka-malisyosa mong bakla ka," pagtataray niya sa kaibigan.

"Wooshoo! Kaibi-kaibigan! If I know, matagal ka nang nagnanasa kay Fafa Xander! Wala namang babae rito ang hindi nagkakagusto sa kanya eh!"

"Sila 'yun! Hindi ako. Ibahin mo ako dahil para na kaming magkapatid ni Xander 'no. Sawang-sawa na nga ako sa pagmumukha niya! Hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya okey?" Mariing pagtanggi niya. Hangga't kaya niyang itago sa lahat ay gagawin niya, wala lang maka-alam ng feelings niya para kay Xander. "Baka naman kaya ka nagkakaganyan ay dahil ikaw ang may gusto sa kanya. Naiinggit ka lang sa akin dahil kami ang palaging magkasama."

"Sis ang galing mo. Paano mo nalaman? Lakad mo naman ako kay Fafa Xander. Sa totoo lang, matagal ko na talaga siyang pinagnanasaan!" Nagningning ang mga mata nito na para pang gigil na gigil sa kilig.

Mahaderang bakla, aagawan pa ako, aniya sa isip.

"Hindi pumapatol sa bakla si Xander. Baka sapakin ka pa n'on. Kahit bayaran mo siya ng bilyones hinding-hindi ka niya tatapunan ng tingin."

"Hmp! Ang sakit mo namang magsalita! Kung ako bakla, ikaw naman panget! Kaya kahit na matagal na kayong magkaibigan ni Xander eh waley pa rin siyang pagnanasa sa 'yo! Bakit ba kasi hindi ka na lang mag-ayos! May pagka-negra ka nga pero sa tingin ko maganda ka naman kapag naayusan!"

"Bakit, nag-aayos naman ako ah? Palagi ngang maayos ang buhok ko," inosenteng pangangatwiran niya.

"Nag-aayos ka na ng lagay na 'yan? May salamin ba kayo sa bahay? Ang baduy-baduy mo kaya! Palagi kang may dalang maraming libro, palaging nakatali ang buhok at ang kapal pa ng salamin mo! Bukod d'on wala ka pang self-confidence! Palagi kang nakayuko at hindi makatingin ng tuwid sa iba. At 'yang katarayan mong 'yan? Nailalabas mo lang kapag kami ni Fafa Xander ang kaharap mo! Bakit kaya hindi mo subukang pakitaan ng taray mo 'yang sina Jack na madalas mang-api sa 'yo?" Saka nito tinapunan ng tingin ang babaeng nasa likod nila.

Napatingin din siya roon. Masama ang titig sa kanya ni Jack. Kanina pa pala itong nakatingin sa direksyon nila. Mukha itong boyish manamit pero alam niya na may gusto ito kay Xander at hindi naman ito pinapansin ng lalaki kahit panay na ang pagpapa-pansin nito. Nakita siguro nito na inihatid siya ni Xander sa class room kaya nakasimangot na naman ito ngayon.

"Sira ka ba! Hindi naman kasi basta-bastang babae lang si Jack! Alam mo naman na leader ng gang 'yan! Gusto mo ba akong mamatay?!" Eksaherada pero mahinang sabi niya dahil baka marinig sila nito.

Tinawanan lang siya ni Rico hanggang sa dumating na ang teacher nila sa unang klase.

History ang tinuturo nito kaya hindi niya maiwasang hindi maantok kahit masipag naman talaga siyang mag-aral. Ewan ba niya, sa lahat ng subjects ay ang history ang pinaka-ayaw niya.

Lumipad lang ang isip niya habang may nagtuturo sa harap. Naisip niya, sino kaya ang magiging unang boyfriend niya?

Siguro kung talagang hihintayin niya si Xander ay baka lumagpas na siya sa kalendaryo ay hindi pa rin siya nito liligawan. Bakit kasi naging babae pa siya e. Ang sarap sigurong maging lalaki kasi pwede kang manligaw. Kung siya siguro ang lalaki, kahit papaano hindi na siya mag-aalangan, liligawan niya si Xander!

9. Forever In My ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon