Chapter 4: Ang paglitaw ni Gregor (SAMPLE CHAPTER)

4.8K 67 25
                                    

Chapter 4:

GAYA ng inaasahan ay naging mag-nobyo nga sina Xander at Phoebe matapos ang ilang linggo.

Gustuhin man ni Ingrid na pigilan ang kababata ay wala naman siyang nagawa dahil nakita niya sa mga mata nito na talagang masaya ito sa babae.

Sa totoo lang ay gusto niyang umiyak. Kahit na matagal siyang nasa tabi ni Xander ay hindi siya nito nakita bilang babae kahit na kailan. Kahit kailan ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataon para rito. Ni hindi niya nasabi ang pag-ibig niya para rito.

Gusto rin niyang magalit kay Phoebe. Gusto niyang mainis dito para magkaroon siya ng dahilan para ipagtanggol ang nararamdaman niya para kay Xander pero wala siyang makitang butas nito.

Sobrang bait ni Phoebe. Madalas ay nakakalimutan na siya ni Xander dahil masyado na itong nababaliw sa pagmamahal nito para kay Phoebe pero si Phoebe ay palagi pa ring iniisip ang kapakanan niya.

Alam niya na alam nito na may feelings siya para kaya Xander kaya kinausap pa siya nito noon bago nito sagutin si Xander.

"Mahal ko si Xander pero alam ko na mahal mo siya Ate Ingrid. Kaya iiwasan ko na lang siya. Alam ko na matagal na kayong magkaibigan at ikaw ang mas nauna kaysa sa akin. Hindi ko hahayaan na magkasira kayo at ang friendship natin nang dahil lang sa love."

Iyon ang naaalala niyang sinabi sa kanya noon ni Phoebe nang kausapin siya nito sa likod ng classroom.

Talagang napakabait nito. Handa itong magpaubaya alang-ala sa pagkakaibigan nila pero hindi siya makasarili. Alam niyang siya ang talo. Ito ang mahal ni Xander at hindi siya kaya dapat lang na dumistansya siya.

"Mahal ko nga siya kaya ingatan mo siya Phoebe. Maganda ka pero hindi ako mangingiming kalbuhin ka kapag sinaktan mo ang bestfriend ko." Pinipigilan niya ang luha noong mga sandaling iyon.

"Anong-?"

"Payag na ako. Binibigay ko na ang basbas ko para sagutin mo si Xander, Phoebe. Alam ko na magiging masaya siya kapag sinagot mo siya. Ngayon ko lang nakita na naging ganoon siya ka-seryoso sa isang babae. Kahit papaano nag-aaral na siya dahil ayaw niyang mapahiya sa 'yo. Hindi ganoon si Xander pero napagbabago mo siya. Hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa..." Tuluyan na siyang napaiyak noon.

"Ate Ingrid..." Akmang lalapitan siya ni Phoebe pero tumakbo na siya palayo rito.

SIMULA nang araw na iyon ay palaging na niyang ipinapakita sa dalawa na masaya siya kahit magkasintahan na ang mga ito. Ayaw niyang mag-alala ang dalawa lalong-lalo na si Xander. Hangga't kaya niyang magpanggap na ayos lang siya ay gagawin niya.

Lahat gagawin niya. Para kay Xander... Kahit pa na paulit-ulit pa siyang masaktan...

"Hay naku! Mabuti na lang hindi napunta si Prince Xander sa chaka doll na si Ingrid! Hindi ko talaga matatanggap kung maging girlfriend niya ang panget na iyon!" Bigla niyang narinig ang boses ng isang babaeng papasok sa Comfort Room. Bigla siyang pumasok ulit pabalik sa cubicle para magtago.

"Oo nga! Mas matatanggap ko pa na si Phoebe ang maging jowa niya kaysa 'yung panget na Ingrid na iyon! At least si Phoebe ay maganda, matalino at sikat ding katulad ni Fafa Xander! Hindi katulad ng Ingrid na iyon na mukhang katulong! Naiirita talaga ako kapag umaaligid siya kay Prince Xander!" sabi ng pangalawang babae.

"Tama! Mas lumulutang ang kapangitan niya!" sabi naman ng pangatlong babae saka tumawa ng malakas. Para namang nahawa ang dalawa pang babae at nagsitawanan na ang mga ito.

Narinig ni Ingrid ang lahat ng panlalait na iyon tungkol sa kanya. Hindi niya mapigilan ang luha. Alam niyang kahit siya ay nilalait din niya ang sarili pero mas masakit pala kapag galing iyon sa ibang tao.

9. Forever In My ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon