Chapter 3: The Unexpected Kiss (SAMPLE CHAPTER)

5.3K 68 20
                                    

Chapter 3: The Unexpected Kiss

"IKAW?"

"Ikaw?"

Sabay na nagsalita sina Phoebe at Xander. Nako-confused tuloy si Ingrid. Si Phoebe ba ang tinutukoy ni Xander na babaeng minahal nito sa unang pagkikita?

"Magkakilala kayo?" Nagtatakang nagpalipat-lipat ang tingin na tanong niya sa dalawa.

"Nakakahiyang aminin Ate Ingrid pero muntikan na kasi akong malaglag sa hagdanan kanina. Ang taas kasi ng takong ng shoes ko tapos nasira. Mabuti na lang sinalo niya ako kaya hindi ako nalaglag." Pagke-kwento ni Phoebe.

Doon niya napagtanto na tama nga ang hinala niya. Ang babaeng gusto niyang maging kaibigan ang aagaw pala sa pagmamahal ng lalaking pinakamamahal niya.

"Hindi ko natanong ang pangalan mo. Ako nga pala si Xander. And you are?" Bigla nang nilapitan ni Xander si Phoebe at inilahad ang palad dito. Mukhang gumagawa na ito ng hakbang para mapalapit sa babae. Bigla siyang nagsisi na sinabihan niya itong torpe kanina. Iyan tuloy, umandar na naman ngayon ang pagiging matinik nito sa mga chicks.

"Phoebe ang pangalan ko. Salamat sa pagsalo mo sa akin kanina Xander. Pasensya ka na at hindi ako nakapag-thank you man lang kanina. Nagmamadali na kasi akong pumasok dahil late na ako sa klase," paliwanag ng namumulang si Phoebe.

"Walang anuman 'yun." Namumula rin si Xander atsaka nagtitigan ang mga ito na parang sila lang ang tao sa mundo. Na para bang wala sila roon ni Rico.

Sumasakit ang puso niya habang tinitingnan na nagpapalitan ng titigan ang dalawa. Ang sakit-sakit lalo pa at hindi niya maitanggi sa sarili na bagay ang dalawa sa isa't-isa. Parehas na maganda at gwapo. Hindi katulad niya na mapagkakamalang katulong kapag itinabi kay Xander.

SUMAMA sa kanila sa videoke si Xander. Kumakanta si Rico habang siya ay nakamasid lang kina Xander at Phoebe habang nagku-kwentuhan ang dalawa. Para siyang tanga. Para siyang invisible na walang pumapansin sa kanya. Para bang sa isang iglap ay nakalimutan na ni Xander na nandoon siya dahil masyado nang okupado ni Phoebe ang atensyon nito.

Gusto niyang umiyak. Gusto niyang magwala. Pero alam niyang wala siyang karapatan...

Hindi naman niya masisisi si Xander kung bakit nito nagustuhan si Phoebe. Cute, mukhang sossy, at halata na may kaya sa buhay ang babae. Samantalang siya ay ang talino lang niya ang maipagmamalaki niya. Bukod doon ay wala na. Mahirap lang siyang babae na hindi pa makakapag-aral sa Phoenix University kung hindi siya scholar. Hindi rin siya maganda at nakapa-baduy pa niya. Malayo siya kung ikukumpara kay Phoebe na parang human doll sa ganda.

Maya-maya ay inaya siya ni Xander sa labas. Nagalak ang puso niya nang inakala niya na gusto na nitong umuwi kasama siya pero iba pala ang intensyon nito.

"Ingrid sorry pero pwede bang mauna na kami ni Phoebe sa inyo ni Rico? Gusto na kasi niyang umuwi kanina pa pero nahihiya lang daw siyang magsabi sa inyo. Ihahatid ko lang siya. Pasensya na kung wala kang makakasabay," paumanhin nito.

"Eh 'di ihatid na lang natin siya. Gusto ko na rin namang umuwi, si Rico lang naman ang halos nagko-concert do'n sa loob e," sabi niya. Alam niyang masyado na siyang halata na ayaw niyang magpa-iwan pero wala siyang pakialam. Ayaw niyang maiwan si Xander kay Phoebe. Ayaw niya na masolo ng mga ito ang isa't-isa.

"Ingrid, please? Pagkakataon ko na ito na makasama si Phoebe. To tell you honestly, sinabi niya kanina na crush niya ako. Ayaw kong bigyan pa siya ng pagkakataon para magbago pa ang isip niya. Kailangang maging girlfriend ko na siya bago pa may makauna sa akin. Sa ganda niyang iyon ay sigurado na kapag nagtagal na siya sa Phoenix University ay mas lalo lang dadami ang mga manliligaw sa kanya. Gusto ko na maging girlfriend na siya agad-agad. Please, Ingrid?" Halos maglumuhod na sa harapan niya si Xander. Kulang na lang ay ipamukha nito sa harapan niya na patay na patay ito kay Phoebe.

9. Forever In My ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon