chapter 2: OMG!!

37 0 0
                                    

Nandito ako ngayon naka upo, sa  ilalim ng isang malaking puno sa tapat ng lumang bahay dito sa loob ng subdibisyon.

Ang ipinagtataka ko lang bakit puro kulay itim at puti lang ang aking nakikita? Hindi na uso ang black and white ngayon ha. May colored na kaya hindi siguro sila updated hehehe.

Biglang umihip ng malakas at para akong hinihigop pa punta sa loob ng lumang bahay. Mabuti nalang ata nahagip ng kamay ko ang ugat ng punong kahoy. Sobrang lakas talaga ang ihip ng hangin napabitaw ako sa ugat ng punong kahoy. Akala ko katapusan ko na napapikit nalang ako at akmang magpapadala sa ihip ng hangin. Subalit mayroong kumapit sa aking mga kamay hindi ko sya masyadong nakikita dahil sa lakas ng pag ihip ng hangin.

Nagsalita siya "kumapit ka lang hindi kita bibitiwan" at yun lang sigurado ako isa siyang lalaki.

Boooogssshh. .. ." Aray! Anak ng kamote naman oh! ang aga - aga  eh magkakabukol na ako." Pabulyaw kong sabi.

Tinignan ko ang orasan na na naka sabit sa dingding alas 4:30 palang ng umaga. Ang aga pa naman alas 5:00 talaga ako gumigising pag may pasok. Kung hindi lang dahil sa pagkahulog ko sa kama siguro tulog prinsesa parin ako hanggang ngayon.

At yun na nga bigla ko namang na alala yung weird kong panaginip. Ano kaya ang ibig sabihin nun? Maganda kaya o masama? Bahala na nga maka paghanda na nga ng pagpasok sa school.

Pumunta ako ng veranda at sumigaw "Good morning earth be good to me today!" Sabi ko sabay taas nang kamay ko sa ere.
Gawain ko na talaga to araw-araw para maging maganda ang buong araw ko.

"Good morning din sabi ng earth! Pero hindi daw siya sure kung magiging good siya sayo ngayong araw" pang aasar na sabi ni pat-pat.

Haixt! Nakalimutan ko nga pala na nandito yang si Pat-pat at magkatabi pa kami ng room na pareho ring my veranda tanaw ang aming beautiful garden.

" Good morning Pat-pat" sarcastic kong sabi sabay pasok sa silid ko. Ayaw ko ngang pumatol sa sirang ulong yan ng ganito ka aga baka ma bad vibes pa ang magandang si Aria. Pero infairness medyo uminit dugo ko dun ha. Makakabawi din ako Pat-pat tandaan mo yan.

Hahahaha. Kahit kailan talaga ang sarap asarin nitong si Aria. Ewan ko nga ba kung bakit gustong - gusto ko siyang asarin basta ang alam ko masaya ako kapag inaasar ko siya. Alam kong may pagka weird talaga na tao yang si Aria pero hindi ko alam na umpisa talaga sa umaga ang pagiging weird niya.

Nauna talaga akong lumabas sa veranda kaysa kay Aria. Medyo maaga akong nagising siguro kasi nag adjust pa ang katawan ko dito sa Pilipinas. Makapaghanda na nga para ngayong araw.

" be good to me Philippines!" Sabi ko sa sarili ko. Ayan tuloy parang virus ata si Aria ah ang aga makapang hawa (sabay tawa ng mahina).

"Bye ma!" Paalam ko sa mama ko.

Naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep ngayon papuntang school. Nag jejeep lang ako pa puntang school kasi sila ni mama at papa ang gumagamit ng sasakyan papuntang work.

" Aria! Aria!"

Sino naman kaya itong maka sigaw ng pangalan ko eh abot hanggang kabilang kanto?

" ano kaba naman Aria bingi kaba? Kanina pa kaya kitang tinatawag."

"Ai Lia ikaw pala, pasensya kana may iniisip lang kasi ako habang naglalakad." Sabi ko ky Lia.

"Ano ba yang iniisip mo at wala kanang pakialam sa paligid mo ha? Medyo inis na sabi ni Lia.

"Wala iniisip ko lang kung ano naman kaya ang gagawin ko sa school." Walang gana kong sabi ky Aria.

" wow girl ang importante naman pala ng iniisip mo at nakalimutan mo na ang mga tao sa paligid mo. Syempre girl paaralan ang pupuntahan mo kaya mag aaral ka lang doon buong maghapon." pa sermong sabi ni Aria.

Bestfriends 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon