chapter 3 : star player

32 0 0
                                    

"Uhmm. .. Yum-yum! ang sarap talaga ng gawa mong buger mang sato! "

"Kain lang ng kain Aria pero huwag pabayaan ang figure. Asset ng isang babae yan! " sabi ni mang sato sabay kindat.

" kayo talaga mang sato ang hilig niyong mag biro" sabay kagat ng burger ko.

"At dahil regular na kitang suki dito mayroon kang libreng  samalamig."

" yan talaga ang gusto ko sa iyo mang sato eh pinahahalagahan mo yung mga loyal customers mo"

Break ko po ngayon kaya nandito ako sa kioks ni mang sato. Paborito ko kasi ang burger kaya ganyan ako ka takaw pag dating dito. Kaya mang sato ang tawag ko kay kuya kasi may dugong hapon siya. Na anakan ng hapon ang lola niya kaya naging sato siya. Ewan ko nga ba kay mang sato kung ano ang nilalagay nito sa burger niya at ang sarap nito. At hindi lang ako ang may gusto dito kundi ang mga iba ring estudyante. Magkano kaya ang kinikita ni mang sato dito? Maging mag partner kaya kami sa negosyo? Hahahaha. .

Ako lang ngayong mag isang kumakain  kasi sinadya ko talagang lumabas agad sa room pagkatapos ng klase kasi ayaw kong makasabay si Pat-Pat man o si Kyle.

Oo isa akong dakilang loner. Hindi ako sanay maki halobilo sa ibang estudyante at parati ang libro ko lang ang kasama ko. Minsan nga puro tungkol sa binabasa kong libro ang mga pantasya ko. I am a book adik! Atleast sa libro diba hindi sa ibang bagay.

Minsan nga iniisip ko kung my nakakapansin pa sa akin dito sa school maliban kay Kyle. Mahilig akong tumambay sa library kapag vacant hour ko. Minsan nandoon ako sa garden sa likod ng school kasi tahimik mga huni lang ng ibon ang maririnig mo.

If you want me to choose between sa city or sa bundok mas gusto ko pang pumunta sa bundok. Sa bundok parang ang haba ng oras and I really love nature subalit sa siyudad napaka bilis ma ubos ang oras kasi ang mga tao parating busy.

"Sige mang Sato! Salamat sa VIP treatment"

"Basta ikaw Aria walang problema."

Naglalakad ako papuntang library nang may mapansin akong kakaiba. Bakit kaya halos lahay ng estudyante ay papunta sa gymnasium? May game ba ngayong araw? Hindi ako updated ah. Isa talaga akong basketball fan. Parati akong nanunuod kapag may laro. Kaya nagtataka ako kung bakit marami ang pumupunta ngayon sa gym. Makiki tsismis din nga hahaha.

Nandito na ngayon ako sa gym at dito ako naka upo sa paborito kung pwesto sa tuktok ng bleachers.
Hindi pa naman ata nagsisimula. Sino kaya ang may laro ngayon?
Mag isa lang ako dito na naka upo kasi gusto ng mga estudyante dito ay parati silang malapit sa mga players para maka paglandi. At ako? Gusto ko lang talaga na manuod ng basketball at wala akong panahon na maki paglandi sa mga players.

"My Labs! Sabi ko na nga ba na nandito ka." Pasigaw ni Kyle

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. "Ui besty paano mo ako nahanap?" Oo minsan besty tawag ko kay Kyle kapag good mood ako. "Paano ba kita nahanap?" At nag isip pa talaga ng sasagot na ang dali namang sagutin yung tanong ko. "Ah alam ko na!" Sabay pa taas ng hintuturo niya parang bata lang ang cute hehehe. . " paano ba naman may labs noong naglalakad ako sa hallway walang pumapansin sa kagwapuhan ko at lahat sila ay papunta dito sa gym. Kaya pumunta na rin ako dito kasi alam ko na nandito kasi basketball addict ka. Dito nga tayo nag kakilala diba?"

" ang dali lang naman sagutin nong tanong ko diba? Kailangan ba talagang halu.an nang pagka hambog mo? Pataray ko na sabi

"Ikaw naman my labs oh parang hindi ka pa sanay sa akin" sabay kurot sa pisngi ko.

"Aray! "

"Sorry" nag peace sign pa talaga " ang cute mo kasi my labs".

Hindi ko alam kung matutuwa ako o makilig sa sinabi ni Kyle. At tama po ang narinig niyo dito kami nagkakilala sa gym ni Kyle noong practice game nila. Papasok ako noon sa gym ng may nag landing na isang bilog na bagay sa mukha ko. Oo natama.an ako ng bola sa hindi inaasahan. Natumba ako sa sahig sa sobrang lakas ng impact at hindi agad ako nka tayo sa sobrang sakit. May lumapit sa akin na isang lalaki na naka jersey at tinulungan akong tumayo. Akala ko nga nasa langit na ako kasi mukhang anghel ang lalaking nasa harapan ko ngayon. At ako naman nah na shock sa pangyayari ai hindi agad naka pagsalita. Kaya yung anghel ay nataranta at binuhat ako papuntang clinic. At doon ko napagtanto na hindi pa ako na sa langit at si Kyle ang inakala kong anghel. Ganyan ko nakilala si Kyle na besty ko.

Bestfriends 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon