"Ssshhh. . .huwag kayong maingay paano to magiging sorpresa kung maingay kayo."
Ang mga kaibigan ko talaga kahit saan dalhin wlang preno ang bibig sana kahit ngayon lang makisama sila.
"Kate nasaan na si Lia?
Si Kate ang kaibigan kong mahilig mag selfie. At si Lia? siya lang naman ang nangakong magdadala nang cake.
Naguguluhan kayo siguro kung bakit my sorpresa at may cake. Dadating kasi ang pinaka iisang lalaki sa aming barkada galing state. Ewan ko nga ba sa kanila kung bakit may Pa cake pang nalalaman eh hindi naman birthday.
Parang my humintong motor sa tapat nang bahay siguro si Lia na iyon. Huwag kayong magtaka kung bakit ang babaeng tao pero naka motor. Sabi nya pa nga dalawa silang lalaki sa barkada.
"Hoy Lia saan kaba kumuha ng cake at ang tagal tagal mo? "
" Sorry talaga Aria kung medyo na late aq kasi si mama ang dami pang iniutos sa akin kanina kaya hindi ako makaalis".
"O sya sige ilagay mo na doon sa mesa at baka mamaya dadating na siya."
Hindi nyo natatanong kung bakit ako talaga ang bisi-bisihan dito? Ang mga magagaling ko kasing kaibigan ay ginawang bato-bato pick ang basehan kung sino ang mag hahanda sa surprise party. Madaya silang lahat kasi mahina akp pagdating sa bato-bato pick kaya heto ako ngayon no choice kundi ipag handa ng surprise ang mokong.
Sana nga hindi nalang siya bumalik doon nalang siya sa states nang matahimik ang buhay ko. Tama yung iniisip kayo ang gulo-gulo ng buhay ko pag nandito siya at malalaman niyo iyon kung bakit.
Ayan na ata siya kasi may huminto nang isang porsche sa harap ng bahay. At bakit dito siya sa bahay dumiretso? kasi nman po mag best friend yung mga magulang namin mula pa noong bata sila.
Oo hanggang ngayon bestfriend parin sila kahit may kanya kanya na silang mga anak kaya nga naging kaibigan namin yang mokong na yan dahil sa mga parents namin.
"Oi pwesto nah kayo yung confeti ok na ba? Hoy anna yung banner hawakan mo nang maigi dapat makita niy iyan agad."
Dapat maging perfect to kung hindi pagtatawanan ako nang mokong na to pag nalaman niyang ako ang nag organized ng surprise party niya.
Paghinto ng sasakyan ko napansin ko agad ang address ng bahay na sinabi sa akin ni tita.
"Tama bato? Kasi parang hindi eh. Bakit ang dilim?
Nakakatakot naman dito parang hunted house. Nandito na ako ngayon sa tapat ng pinto. Tutoloy kaya ako?? Sige na nga matapang ako sabi ng daddy ko! Hahahaha yan tuloy na sali pa si daddy sa kabaliwan ko. Pagbukas ko ng pinto.
Pokpokpok! (Yan po ang tunog ng confeti wala akong maisip na sound effects kaya pagpasensyahan nah)
"Welcome back Patrick!
Sabay-sabay na sabi naming lahat. Syempre ako ang na sa unahan ako kaya ang nag organize nito hehehe.
Lahat tahimik habang hinihintay kung ano ang magiging reaksyon ni Patrick.
"Patrick welcome back!" Sabi ko at yun na nga natauhan ang mokong. Ayaw ko ngang masayang ang pinaghirapan ko noh.
" mga berkz!" Pasigaw niyang sabi. Buti sana kung ang layo ko pero hindi eh nandyan kaya ako sa gilid niya edi bingi to da max si aria.
"Kate wala ka paring kupas sa pagkuha sa pag litrato ng sarili mo."
" Lia bro! Fist bump. . ." Kaya naniniwala c Lia na dalawa silang lalaki sa grupo eh kinukunsinti ni Patrick.
"Ehemmm. . .kumusta na ang bestfriend kong c Aria baby??.
"Ewww. . . . stop it Patrick I am not a baby anymore." Kaya ayaw ko itong mokong na ito eh parati akong inaasar.
Akalain mo yun pag bukas ko ng pinto my sumigaw na welcome back patrick ano pa ba ang magiging reaksyon ko eh di nabigla. Pero hindi agad ako naka pag salita. Kasi una takot yung naramdaman ko tapos ngayon naman sobrang tuwa ko noong makita ko ang mga kaibigan ko.
Isa-isa ko silang kinumusta sobrang tagal ko na kaya silang hindi nakikita five years na ata. thirteen yrs. Old ako noong umalis kami dito sa Pilipinas dahil sa negosyong ipinatayo ni daddy sa US. Kaya kami lumipat doon para matutukan ni daddy ang negosyo namin.
"Halika ka Patrick kain na tayo sigurado akong nagutom ka sa biyahe." Sabi ni Lia
" ang sabihin mo Lia ikaw tong nagugutom kasi kanina ko pang naririnig ang mga bulate mo sa tiyan na nanghihingi na ng saklolo!" Sabi nman ni Kate.
At yun na nga tumawa nalang kaming apat habang naglalakad papunta sa kusina.
Ayun kumain na kaming apat at heto namang si Lia walang patawad sa Lechon ewan ko nga kung bakit hindi tumataba at ang sexy parin ... ikinuwento namin kay Patrick ang mga pangyayari noong wala siya dito sa Pilipinas.
Sa kalagitnaan ng aming pagkain ay dumating na sina mama at papa galing trabaho. Agad silang dumiretso sa amin at yumakap ky Patrick.
" welcome back anak!" Pangiting sabi ni mama gayon din si papa.
" you are welcome here in our house hijo dont be shy and feel at home kahit ilang araw ka lang ditong mananatili." Sabi ng mahal kong mama.
Tama po ang narinig nyo dito sya mananatili ng dalawang linggo habang hindi pa dumadating sina tito at tita ang mga magulang ni Patrick.
OMG!!! dalawang linggo ko makakasama ang mokong na ito sa iisang bahay no way! Pero my choice ba ako? Wla naman eh . Kahit mag kaibigan kami nitong ni Pat-pat naiinis parin ako sa kanya kasi parati niya akong inaasar.
Pat - pat ang tawag ko sa kanya noong mga bata palang kami kasi ang payat-payat niya pero ngayon parang sumapi si adonis sa kanyang katawan.
Hoy tumigil ka nga Aria kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan muh.
"At Patrick anak huwag kang mag alinlagang mag sabi ng mga kailangan mo nandiyan naman si Aria para alalayan ka! Sabi ng aking mama.
" Ma! hindi po ako katulong para pagsilbihan tong si Pat -pat" padabog kong sabi.
" anak dalawang linggo lang naman si Pat-pat dito at nangako ako sa tito at tita mo na aalagaan natin si Pat-pat."
Si mama naman eh dinamay pa ako siya lang naman ang nangako kay tita at tito eh.
" Sige mga berkz akyat na muna kami ni tito nyo alam nyo na."
" Ma!" saway ko sakanya at ayun tumawa lang habang umaakyat sa hagdanan. At yung tatlo tumawa lang sa dalawa.
Si mama talaga kahit kailan oh. Nakikiberkz narin sa amin. Ayun pinagpatuloy namin ang pagkain at kuwentuhan. Hindi na kumain si mama at papa kasi naka pag dinner na daw sila sa labas at ayaw na nilang maka istorbo sa aming mga bata.
Mga alas 11:00 pm na ata noong ma pag pasyahan nila ni Kate at Lia na umiwi. Hinatid na namin sila ni Patrick sa labas ng bahay at nagpaalam. Kaya heto naiwan kaming dalawa ni Patrick. Ayan na lumabas na ang evil grin niya. Kaya bago pa siyang may magawang masama hinatid ko na siya sa magiging silid niya at umalis. Bahala na siya sa sarili niya miss ko na kaya ang bed ko. Good night earth! Be nice to me tomorrow!. . . .
Anote : bakit kaya asar na asar si Aria ky Patrick? Ano kaya ang mangyayari sa dalawang linggo nilang pagsasama sa iisang bahay? Hehehehe. Abangan! :)
VOTE AND COMMENT PO! THANK YOU!!
BINABASA MO ANG
Bestfriends 143
Aléatoireyung feeling nah gusto mo siya pero hindi pwede? na alam mo na hindi tama pero ginagawa mo parin? umaasa ka na sana he feels the same way too? hanggang sana na lang ba? o may pag-asa pa?