Alas 7:00 palang ng umaga ay umalis na ako ng bahay kahit 10:00 am pa yung first class ko. Mahirap na baka magka sabay pa kami ni Patrick papasok ng eskwelahan. Hindi ata ako naka tulog kagabi kakaisip sa nangyaring agawan ng remote namin ni Pat-pat. Kainis naman kasi ang lalaking yun eh. Kung binigay niya lang sana yung remote eh di hindi ko sana nahawakan ang matipuno niyang six pack abs. oops!! Utak delete that scene please baka hindi naman ako makatulog mamayang gabi at ma sira na ang beauty ko.
"Ui Riri!!
Hayan na naman ang pangalan na ayaw kong marinig.
"Riri pa selfie naman. Smile! Sabay pindot na camera button sa cp niya. Sino pa ba ang taong to? Eh di ang mahilig mag selfie na si Kate halos ata ng nangyayari sa buhay niya ay dinedetalye niya sa social media. Ewan ko lang kung may natitira pang privacy sa buhay niya.
" wait lang Riri post ko muna to sa ig (instagram) ko. Ano kayang magandang caption? ah! Alam ko na! Sabay tapat ng hintuturo niya sa kanyang ulo. Yung caption is early morning with my nbsb besty Aria ayan nah Aria na post ko na.
"Wait lang kate ha sinabi mo bang nbsb ako sa post mo?
"Oo bakit? Diba NBSB kanaman talaga? No Boyfriend Since Birth?"
"Oo pero kailangan pa bang ipangalandakan mo sa buong universe na NBSB ako? Delete mo yan dali."
"Hindi na pwedeng e delete Aria maraming nakakita oh 50 likes na agad. Sorry besty alam mo namang kapag na post ko nah eh wala nang bawiang nangyayari kahiya naman dun sa mga followers ko. Una na ako besty Aria malapit na kasi mag start yung first class ko. " lumakad na siya papalayo pero na gawa pa niyang mag peace sign kahit naka talikod nah.
Kahit kailan talaga si Kate oh. Tama ba namang ipagsabi sa whole world na NBSB ako? Tanggap ko naman sa sarili ko yun pero ang ipaalam sa lahat ay wala sa plano ko.
Naglalakad na ako ngayon sa hallway nag may narinig akong nag tatawanan at may sinasabi na kung ano. Huminto ako at pasempleng nakinig sa usapan ng mga babae.
"Ui girl tignan mo oh may bagong post si ms Kate sa IG (instagram) niya. And look at the caption early morning with my nbsb besty aria." Girl 1 with pink false eyelashes.
"Ah diba siya yung palaging kasama ni Kyle? Akala ko nga girl friend niya yan. Buti nalang hindi para may pag-asa pa ako kay baby Kyle ko! Girl 2 with matching beautiful eyes pa.
Ui! Hindi ka kaya type ni Kyle sa itsura mong yan? Sasabog na ata pisngi mo sa kapal ng blush on mo!. Syempre sa utak ko lang yun noh. Hindi naman ako ganun ka walang hiya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad papunang cafeteria. Nagugutom na kasi ako dahil maaga akong umalis dahilan upang hindi na ako makakain ng agahan.
Nandito na ako ngayon sa loob ng cafeteria at medyo kaunti palang ang mga kumakain dito. Dumeretso na agad ako sa counter at nag order nang pagkain. Kumuha ako ng hotdog,kanin, itlog at gatas. Pagkatapos kong magbayad ay naghanap na ako ng bakanteng mesa na mauupuan. Sa medyo dulo na ako ng cafeteria umupo kasi gusto kong mapagisa habang kumakain. Pero parang mas mali ata na dito ko piniling maupo kasi katabi ng mesa ay may mga lalaking estudyanteng kumakain.
"Pare diba siya yung nbsb girl? Guy 1 Sabay turo sa akin.
"Oo pare siya nga, teka lang hindi naman siya panget bakit kaya hindi pa siya nagkaka bot friend? Siguro ako nalang yung hinihintay niya. Guy 2 sabay tawa at high five sa mga kasama niya.
Muntik na akong masamid un sa sinabi niya ah. Buti nalang at may gatas akong na inorder. Kainis talaga itong si Kate nagulo tuloy ang tahimik kong buhay.
Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay dumating si Kyle.
"My Labs! Nandito ka na din pala sa school eh ang aga-aga pa.
"Bakit? Hindi ba pwedeng maaga akong pumasok? Pabalang sa sagot ko sa kanya. Alangan naman na sabihin ko sa kanya ang nangyayari sa amin ni Patrick kahapon. Nakakahiya kaya.
"My labs naman nagtatanong lang"
Maaga talagang pumapasok si Kyle kasi may practice game ang team nila kada umaga. At yung team naman ni Patrick sa hapon sila naglalaro after class. Mabuti nga para hindi kami magkasabay sa pag-uwi ng impaktong yun.
"Uy My labs! NBSB ka pala? Nabasa ko kasi sa IG (instagram) ni Kate. Alam kong study first ka muna pero as in wala ka talagang naging boy friend kahit nung high school ka palang?
"NBSB nga diba? No boy friend since birth mahirap bang intindihin yun?
"My Labs naman eh. Kung sana sinagot mo na ako eh di may boyfriend kana ngayon diba? Sabay kindat pa.
"Hahahaha. . Kahit kailan talaga nakakatawa ka. Bakit nanligaw kaba? Diba wala? At tsaka best friend kita hoi! diba your my guy bestfriend dito sa school."
"Hanggang guy bestfriend lang naman tingin mo sa akin eh." Pabulong kong sabi.
"Ano? May sinabi ka?
"Wala. Sabi ko you are also my girl bestfriend here in school." Take note emphasize ko talaga ang girl bestfriend. Kailan pakaya ako mapapansin ng babaeng ito?
"Pero My Labs may naging crush ka rin ba sa tanang buhay mo?
"Oo naman noh. Tao rin kaya ako."
" Sino My Labs?"
"Secret. Hindi mo kilala at hindi ko sasabihin sa iyo."
"My Labs naman hindi ko naman pala kilala kaya e share mo na."
Para pag na share mo na alam ko na gagawin ko para mapansin mo hahaha. Syempre sa Isip ko lang yun noh.
" Ang kulit mo talaga. Ayaw ko nga. Sige my pupuntahan muna ako bye!" Sabay takbo para hindi na ako masunod ni Kyle.
Alam niyo kung bakit hindi ako nag mahal? Kasi may hinihintay akong tao. Na kahit alam ko nang impossible eh nandito parin ako parang tanga sa kahihintay.
Kumuha kasi siya nang propisyon na hindi pwedeng magkaroon ng asawa. Ewan ko ba kung bakit yun ang gusto niya. Sayang gwapo pa naman siya at matalino pa. Move-on na nga dun sa crush ko kasi nasasakatan na ang puso ko char! Hahaha. . . Makapunta na nga sa tambayan ko sa likod ng school.
Nandito na ako ngayon sa tambayan number 2 ko. Number 2 kasi no. 1 yung library. Maganda dito kasi maraming puno. I love nature kasi kaya narerelax ako kapag kulay green yung paligid ko. Yung feeling mo na nawawala lahag ng problema mo. Ang sarap lang sa pakiramdam.
"Ahas!" Sabay hagis ng isang baging sa harapan ko.
Napasigaw ako bigla at sa pagka taranta ko eh tatakbo sana ako kaso wrong move nabangga ako sa kung anong bagay napapikit ako bigla. Malaki siya malapad at medyo matigas unti-unti kung binuksan ang aking mga mata. MAs lalo pa ata akong matataranta sa kung ano or sino ang nasa harapan ko.
Ano ba naman to! Ginawa ko na nga ang lahat para lang hindi makita ang mokong na ito tapos heto siya ngayon sa harapan ko. Oo si Patrick yung naghagis nang baging sa harapan ko.
Hindi ako naka pagsalita sa sobrang gulat pero nanaig parin yung pagka inis ko. Agad ko siyang tinulak para magkaroon ng space sa pagitan naming dalawa mahirap na baka masanay ako sa abs niya at hanap- hanapin ko na. Whahaha
"Hoy ikaw na lalaki ka sinong nagsabing pwede mo akong gulatin ng ganun ha? Eh pano kung may mangyari sa aking masama ha?" Pasigaw ko na sabi sa kanya.
"Ui Aria OA lang? Walang magagawang masama ang baging sayo" pang aasar niyang sabi.
"MAiba tayo Aria. NBSB ka pala?
"Grabe ang bilis talaga nang balita. Oo na NBSB na ako. Sige na asarin mo na ako. Diba dun din naman yan papunta kaya sige na habang nakahanda pa ako."
"Grabe ka naman ganyan na ba talaga tingin mo sa akin? Yung mga usapang puso hindi dapat ginagawang biro. Dapat diyan sineseryoso dahil masakit pag nasaktan ang puso. Siguro you have your reasons kung bakit hanggang ngayon NBSB ka parin and I respect that. It is your choice and i know you know what are you doing. Pero sana huwag kang maging sarado sa pagmamahal kasi masarap ma inlove." SAbay tap sa ulo ko. " sige na mauuna na ako."
Naglakad na siya palayo. At ako heto nakatulala at inaabsorb lahag ng sinabi niya. Anong nangyari dun?
BINABASA MO ANG
Bestfriends 143
Randomyung feeling nah gusto mo siya pero hindi pwede? na alam mo na hindi tama pero ginagawa mo parin? umaasa ka na sana he feels the same way too? hanggang sana na lang ba? o may pag-asa pa?