Chapter 4: Cheaters?? Eh di wow!!

43 2 0
                                    

"Manong bayad po." sabay abot ko ng bayad kay manong.

Nakasakay na ko sa jeep para umuwi galing school syempre. Hanggang ngayon nilalantakan ko pa din tong mga chocolate na bigay sakin ni kumag na ang kapalit eh ihatid sya hanggang gate. Tsk. Takot dun sa inakala kong gf nya eh. Kalalaking tao, hindi kaya yung sarili. Hay nakooo.

Mabait din pala si Fyro eh. Dahil binigyan nya ko ng chocolate. Yun lang. May kapalit nga pala tsk.

Hala ka!! Si Veron nga pala!! Maitext ko nga. Nakalimutan ko sya dahil sa chocolates!!

To: Veron

Uy best!! Sorry !! Di kita nabalikan!! Dont worry may isang balot ng chocolates ka sakin bukas. Hehe peace :DD Ingat ka best labyuuu <33

Message sent!

--

**Veron**

Ok lang. Uy walang bawian ha. Hehehe.

Nga pala. Enjoy nyo date nyo ni Fyro bebe mo. Hahaha. Yiiii. ^__^

--

Date?! Naku naman. Napagisipan pa kami.

To: Veron

Anong date?? Hindi kami nagdate noh. Tsaka pauwi na ko. Basta explain ko sayo bukas.

Message sent!!

--

**Veron**

Wag ka na magdeny. Hahaha. Sige babay na. Gagawin ko na mga assignments. Ingat ka

--

Hay nako. Ang kulet.

Nung malapit na ko, pumara na ko at bumaba na ng jeep.

Ang daming tao ah. Marami pa rin palang customers kahit maggagabi na. Karamihan galing school. Sa sarap ba namang magluto ni mama't papa eh. Talagang dadami ang kakain samin.

Meron kasi kaming karinderya, kaya HRM kinuha ko. Para matuto din ako magluto ng masarap at para na din makatulong kay mama't papa.

Bakit hindi culinary?? Kasi masyadong mahal eh. Ayoko namang matambakan kami ng gastos, wala rin naman nagawa sila mama nung HRM na lang kinuha ko. Pero nangako sila na pag-aaralin nila ko sa isang culinary school. Pero sabi ko tungkol sa Baking at Pastries na lang hehe. Ang sarap kasi ng cake, cupcakes at mga cookies eh. Anu ba yan. Nagugutom na tuloy ako.

"Ma, magbibihis lang po ako ha. Tapos ako na muna papalit sa inyo." sabi ko kay mama nung makita ko syang naghahain ng mga inorder nung customer.

"Wala ka bang gagawin anak?? Baka may assignment ka. Naku unahin mo muna yun."

"Eh madali lang naman po yun. Ako na po muna dyan. Kumain po muna kayo ni papa. Nasan po ba si kuya??"

"Ay si kuya mo?? Andun kumakain na. Mamaya papalit sa amin ng papa mo."

"Oh sige po ma. Akyat na ko. Wag ka po masyadong magpagod ah. Mas mahalaga po ang kalusugan kaysa kumita."

"Opo anak. Sige na't magbihis at kumain ka na dun." natatawang sabi ni mama.

Bago ako umakyat, nakita ko yung aso kong si Doraemon. Hehehe. Pinakain ko muna sya bago tuluyang umakyat at magbihis. Nilabas ko yung mga assignment na gagawin ko mamaya sa desk ko. Mahirap na. Baka makalimutan ko pa.

Humiga muna ako saglit sa malambot kong kama. At niyakap ko yung malaking stuff toy na si doraemon. Ang sarap sarap talagang yakapin!! Ganito rin kaya kasarap yakapin si Fyro?? Eh?? Ano ba yan!! Bat ko ba naisip yun?? Hmmm.

The Man Who Stole My Heart : Fyro (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon