Chapter 5: Girlfriend

44 4 3
                                    

Inaasahan ko na na pagpasok ko, paguusapan ako,  pagbubulong bulungan kahit rinig naman. At totoo nga. Sa corridor pa lang, pinagtitinginan na ko. Ang ganda ko kasi eh. HAHAHAHA. Syempre dahil sa nangyari kahapon.

Pagpasok ko ng room, lahat nakatingin sakin, lahat nanahimik pwera kay Veron. Tinawag nya agad ako sabay hatak sakin paupo sa pwesto namin.

"Oy yung chocolates??" nagtutwinkle pa yung mga mata nya.

Inabot ko sa kanya yung isang pakete ng hershey's. Oo may ganun sa cafeteria. Sosyal di ba.

Pabulong nyang sinabi sakin na kalat na yung mga photos namin ni Fyro. Sabi ko naman, hayaan nya na yon. Di naman ako mapapano. Subukan lang nila ako, matitikman nila ang "ganti" ng isang api. Ayoko ng  batas eh. HAHA

Nananahimik ako sa room nang biglang sumulpot si Rhea Pabebe i mean Fabeve at may mga kasama pang apat na babae.

"So, you are the one who stole my Fyro." nakataas pa yung isa nyang kilay sakin.

"Wow ah. Lakas mo maka"my" ah. Kayo ba??" pang-aasar ko sa kanya. Aba!! Papatalo ba ko??

"Matagal na syang akin!!"

"Anlayo ng sagot mo. Kasing layo ng pangarap mong maging kayo ni Fyro."

"How dare you!!"

"How dare you too!! Na ipost  yung mga pictures namin sabay caption ng cheaters??! Eh hindi nga kayo ni Fyro!!"

Ngumiti lang sya sakin. Creepy ha. Mukha syang baliw. Ang inaasahan ko eh susugurin ako't sasabunutan nya ko, at sya naman sasapakin ko kung sakali pero nginitian lang ako?? Normal ba tong taong to??

Nakangiti syang lumapit sakin, hanggang sa nasa tapat ko na sya. Tumayo ako paharap sa kanya. Saka ko sya tinitigan.

Maya maya, naningkit yung mga mata nya at tinaas nya yung kamay nya, sasampalin ako, tatabigin ko na sana nang biglang may humatak sakin. Sa sobrang lakas ng hatak nya, napasubsob ako sa dibdib ng kung sino mang lalaking to. In fairness, ang bango nya. Ang sarap yakapin!!

Hindi pa ko nakakarecover sa bango nya nang yakapin nya ko. Ewan ko pero ang sarap magpayakap kay kuya. Hehehe.

"What's wrong with you crazy??"

Nanlaki yung mata ko nang magsalita si kuya. Tumingala ako para kumpirmahin kung tama ang hinala kong si kumag tong nakayakap sakin.

SYA NGA!! Kaso parang mali yata ginawa ko. . . masyadong malapit yung mukha ko sa kanya!! Yung tipong nakakaduling!!

"Are you ok??"

Hindi ako makahinga. Hindi dahil sa hininga nya ah. Kasi . . . ano . . . aish basta!!!

"I know you're ok. Sumakay ka na lang sa gagawin ko." sabay kindat nya sakin.

Eh?? Sasakay?? Anong balak nya??

"Wil you stop bothering my girlfriend?? I know how much you like me but please .. please stop this already."

"Stop??! Hindi!! Akin ka lang Fyro!! Magiging akin ka din makikita mo!! At ikaw babae!!"

Syempre umalis na ko sa pagkakayakap sakin ni Fyro at humarap sa babaeng to.

"Kung totoong girlfriend ka man nya . . . sisirain ko ang relasyon nyong dalawa!! Gagantihan ko kayo!!"

"Eh di gawin mo!! Ikaw naman, sisirain ko ang mukha mo gamit ang kamao ko!!" sabay pakita ko sa kanya ng kamao ko.

Aba!! Baka akala nya nagbibiro ako!! Gagawin ko talagang punching bag yung mukha nya!!

Inirapan nya lang ako sabay walkout kasabay yung mga kasama nyang aswang. Tsk kaasar.

Napako ako sa kinatatayuan nang may yumakap sakin mula sa likuran at nilagay ang baba nya sa balikat ko. Kilala nyo na siguro kung sino yung mahilig manantsing.

"Ang galing talaga ng girlfriend ko."

Bulong nya sakin na nakapagpatayo lahat ng balahibo ko sa katawan. At matitinding hiyawan at tilian ang maririnig sa buong room.

Hinatak ko sya palabas, dinala ko sya sa lugar kung san malayo sa room.

"Anong pinagsasabi mo?? Nababaliw ka na ba??"

"Hindi. Niligtas na nga kita eh. Choosy mo ah. Tsaka ayaw mo nun?? Girlfriend kita?? Hahahaha. Ayiiiee kinikilig sya." siraulong to!! Ngiting ngiti pa!!

"Nasisiraan ka na!! Alam mo bang mapapahamak tayong dalawa sa pinaggagagawa mo!! Yung baliw na yon, lalong mababaliw!! Imaginin mo na lang kaya nun gawin!!"

"Sus. Kaya mo na yun. Di ka naman takot dun di ba?? Pwede nga kitang maging bodyguard eh. Hehehe."

"Lol!! Mukha mo!! Bodyguard ka dyan!!"

"Ayaw mo?? Ok."

Tinalikuran ko na sya. Didiretso na ko ng room nang magsalita uli sya.

"Chocolates pa naman ang sweldo. Hmmm."

Napatigil ako nang banggitin nya ang chocolates. Takte!! Bakit ba binanggit nya pa yun!! Parang gusto ko tuloy . . . aghh hinde!! Lumayas na ko ng tuluyan at baka kung ano pang magawa ko.

--

Sorry short update lang!! At ang tagal magupdate. Di kasi kayo nagpaparamdam eh. Wala tuloy inspirasyon. Haha :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Man Who Stole My Heart : Fyro (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon