Chapter 1 : Doraemon Girl

145 3 0
                                    

<--- Anndrew Reyal on top

**Bravehart University Cafeteria

Nasa cafeteria si Anndrew habang ineenjoy ang masarap na carbonara.

Hmm!! Mukhang mapapaorder uli ako ng isa pa ah. Ang sarap sarap kasi eh. Nakakagutom kasi kanina sa room. Ang daming pinagawa ni Ma'am Vital. Napagod ang kagandahan ko!! Pero okay lang!! Para sa grades yun eh. Syempre aral aral at gawa gawa din di ba. Bakit pa naging studyante kung nakanganga lang.

Habang inuubos ko yung chocolate cake na dessert ko palagi kapag kumakain ako sa cafeteria, bigla na lang nagtilian halos lahat ng babae sa cafeteria. Walangye ang ingay!!

Eh? Anong meron? Akala mong mga nakawala sa hawla. Tsk.


"Oh my gosh si Fyro!!" oa ah.

"Grabe ang hot nya talaga!! Pangalan pa lang napapaso na ko!!" talaga? Buti yung cake ko hindi natunaw.

"Oh my god hihimatayin yata ako." gawin mo na. Ang tagal naman.


Grabe makasigaw naman sila!! Akala mong nakakita ng artista. Bahala sila, basta ako kakain lang ng masarap na carbonara. Yummy!!

Inubos ko na yung juice at tumayo na para umorder uli ng carbonara sa counter.


"Ate isang carbonara nga po."


Kinuha ko na yung inorder ko at yung sukli na lang ang hinihintay ko nang makita ko syang nakatulala lang sakin. Ano nang nangyari?? Naistatwa na??

Napataas na ang isang kilay ko nang mapansing nakatulala pa rin sya.

Anong nangyari dito?? Nagandahan ba to sakin masyado?? Haha well deep well. Hihihi. Grabe si ate masyadong pahalata. Pwede naming sabihin. O kaya ibulong na lang.


"Ate, yung sukli??" tanong ko sa kanya.

"Ha?? Ah eh e-eto pala." nauutal pa nitong sabi habang inaabot sa kanya yung sukli. Kala ko naistatwa na talaga eh. Ang weirdo ah. May pautal-utal pa. Baby lang ang peg.


Aalis na sana ko nang biglang may tumabi sakin at naglapag ng 500 peso bill sa counter. Hindi uso maghintay?? Masyadong excited bumili?? Gutom na gutom na ata.

Napalingon naman ako sa kung sino yung kabuteng sumulpot.


"One lasagna and soda miss pretty." sabi nito sabay kindat kay ateng nasa counter.


Napatitig ako sa mukha ng kabute. . . .

Oh my sinabawang gulay!! Ang gwapo naman ng kabuteng to!!

Yung mukha nya sobrang kinis, nakakainsecure naman to!! Mas makinis pa yata sakin!! Yung mga mata, ang sarap titigan parang nanghihypnotize, yung ilong nito ang tangos, yung lips haaay, heaven!! Lalo itong gumwapo sa black leather jacket nito. Yung pabango naman nito bagay na bagay dito. Napasinghot singhot pa ko.

DUGG DUGG DUGG DUGG

Anong nangyayari sa kin?? Ang puso kong pula!!


"Hey, do you know its rude to stare at me like that?? I know im too handsome." he said while smirking.


The Man Who Stole My Heart : Fyro (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon