14 ~ His Confession

332 2 0
                                    

Halllooooo!!!! Salamat sa reads/. Eto na ulit ang update ko. Pero warning, nakakalungkot tong chap na to.





Basta basahin nyo nalang.


===================================================================



DANIEL's POV

Hayy, 3 linggo na... 3 weeks nya na akong iniiwasan. Nasasaktan na talaga ako. Kapag lumalapit ako sa kanya, lumalayo siya. Pakiramdam ko para akong may sakit na kailangang iwasan para hindi mahawa. Ang pinagkaiba nga lang, hindi ko alam kung bakit niya ako iniiwasan. :\

Hindi niya ba alam na kaya ako pumapasok ay dahil sa kanya?? Hindi niya ba alam na gusto ko talaga siya?? Puta naman oh. Nakakabakla na talaga!

Kaya nga hindi ko magawang umamin sa kanya kasi natatakot akong masaktan ulit. Tama ang nabasa nyo, nasaktan na ako, ng nanay ko. Iniwan niya kaming magkakapatid at nagtrabaho siya sa abroad. Okay lang sana eh. Kaso naghanap pa siya ng bagong pamilya. Naiwan tuloy kami sa tita ko.

Alam ko na yung pakiramdam na pinangako sayo ang isang bagay tapos iiwan ka rin naman niya. Masakit yun. Masakit na masakit. Kaya nga ako naging palyboy eh. Dahil ayaw kong magmahal. Dahil alam ko ang kapalit nun ay masasaktan ka rin. Pero ngayon, alam ko na di ko na to kayang takasan eh. Nahulog na ako.

Kaya kahit nagsasawa na si Kath sa kakalapit ko sa kanya, hindi parin ako titigil. Kailangan kong subukan, kahit masaktan man ako sa huli, at least napaligaya ko ang puso ko.

Hayy, ayan na si Kath, pumasok na siya sa classroom, as usual, hindi niya nanaman ako binigyan ng sulyap o kahit konting silip lang. Ang sakit eh. Akala mo magkaibigan na kayo tapos isang araw bigla-bigla ka nalang niya hindi papansinin, masakit. :(

Sorry Kath, kahit ayaw mo na sakin, kailangan ko paring ipaalam to. Kailangan mong malaman ang tunay kog nararamdaman. Kahit hindi pa ako handa at sigurado sa magiging sagot mo.

Lumapit ako sa kanya at hinila siya papunta sa labas. "DJ ano ba! Nasasaktan ako!"  binitiwan ko na siya.

Typical But Unexpected Lovestory ❤ KaTHNiELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon