Chapter 1

37 4 0
                                    

Melissa's POV

"Hays. Another school year nanaman. Pero hindi pa din bumabalik si Nathlene." Walang ganang sabi ng isa sa mga bestfriends kong si Cristine.

"Oo nga eh. Grabe sya magpamiss. Hays." Sabi din ni Michelle.

Oo nga. It's been two years since she left us. She's in New York right now. Umalis sya para makamoveon.

"Alam nyo girls, nagpapalipas lang yun si Nath. Babalik din sya. Hindi tayo makakalimutan nun." Sabi naman ni Joergie.

Napatingin kami sa kanya.

"May nasasabi ka din naman palang matino no?" Sabi ko at nagtawanan kami, si Joergie naman nagpout lang. Hahahaha!

Samin kasing magkakaibigan si Joergie yung, isip bata, clumsy, at iyakin. Pero kahit ganyan yan mahal na mahal namin yang loka lokang yan.

"Pasukan na bukas. Fourth year na tayo. One year to go, hello college na tayo!" Sabi ko.

Yes, fourth year na kaming apat. Sana naman may mangyari sa school year ko, na challenging.

Napansin ko si Michelle na kanina pa pangiti ngiti habang nagtetext. Hmmm.

"Ikaw nga, Mich. Umamin ka, sino yang katext mo?" Tanong ko.

Natigilan naman sya at ngumiti pa lalo.

"Kami na kasi ni Cjay ko. Hihihi." Sabi nya at kilig na kilig pa.

Nanlaki pa mga mata naming tatlo.

"MAY BOYFRIEND KA NA?!" Sabay sabay naming sabi sa kanya kaya napatakip naman sya ng tenga nga at sinamaan kami ng tingin.

"Malamang. Why? Masama na ba magboyfriend?!" Sabi samin ni Mich.

"Oo nga naman. Masama ba magboyfriend? Kayo talaga." Sabat naman netong si Joergie.

"Shut up." Sabi ko sa kanya at nagpout nanaman sya. Jusko.

"It's not that bad. Pero, bakit hindi namin alam na may nanliligaw pala sayo?" Sabi netong si Cristine. Tumango tango pa ko.

"Tsaka malay mo manyakis, magnanakaw, killer--" Hindi na ko pinatapos ni Mich sa pagsasalita. Okay, ang O.A pala nung reaction ko. Hahahaha!

"Over ka Melissa. Look, i just forget to tell you guys about him. Niligawan nya ko for almost two months. Alam din ng parents ko to'. Pano ko sasabihin sa inyo, eh kakauwi nyo lang galing ng ibang bansa?" Explain naman ni Mich.

"San mo naman nakilala yan?" Tanong ko.

"Childhood friend ko sya. Btw. Magtatransfer sila ng mga kaibigan nya sa school natin. He wants to be with me daw kase." Sabi ni Mich at ngumiti.

"Okay. We get it. But, we should know him." Sabi ni Cristine at tumango naman sya.

Protective kase kami sa isa't isa. Simula kase ng mangyari yung kila Nathlene at sa ex nya, natrauma na kame sa boys. But, hindi naman kami man hater no.

Hays. Kelan kaya babalik si Nathlene? Nung mga bata pa kame, we promised each other na sabay sabay kaming gagraduate mula elementary hanggang college. Sana bumalik na si Nathlene. We badly, miss her.

To be continue ...

Down to EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon