Keep Calm and Be a Bitch

1.5K 23 14
                                    

P R O L O G U E:

 

KEEP CALM AND BE A BITCH

 

♫“For those who don’t me

I can get a bit crazy

Have to get my way, yep

24 hours a day ‘cause

I’m hot like that”♫

 

 

♫”Every guy, everywhere

Just give me mad attention

Like I’m under inspection

I always get a ten

‘Cause I’m built like that”♫

 

 

 

Here I am, preparing my breakfast while singing my favorite anthem. Tsk! Ang boring ng araw na ‘to. Buong araw na naman akong magmumukmok dito. Maghahanap-hanap ng kahit anong magawa sa buhay.

Buti sana kung pwede akong magtrabaho para kumita pero hindi naman iyon pwede. Hindi naman ako nangangailangan ng pera. Ang PERA mismo ang NAGHAHABOL sa akin. Oo, alam ko. Ang laki talaga ng problem ko.

Nang matapos ko nang lutuin ang paborito kong omelette, pumunta na ako sa dining table. Alangan naman sa sofa ako kumain? Eh ‘di sana hindi ko na lang ‘pinagawa ang lugar na ‘to sa bahay ko kung wala naman ‘tong silbi.

Nagtataka siguro kayo ‘no kung bakit ako pa ang gumagawa ng mga ganyan na kung tutuusin, pwede ko naman utusin ang mga katulong dito para gawin ‘yan para sa akin. Guys, sa mundo ngayon, mahirap na ang magtiwala.

Aba! Baka mamaya, lagyan pa nila ito ng lason. Ayaw niyo naman siguro mabawasan ang mga magagandang lahi sa mundo, di ba?

 Pagkarating doon, hindi ko naiwasang hindi tumaas ang isa kung kilay.

Bakit hindi pa nakaayos iyong pagkakainan ko?

The fudge? Saan na iyong mga lintek na mga katulong dito? Iyon na lang nga ang magagawa nila sa pamamahay ko, ‘di pa nila magampanan ng maayos? Baka gusto nilang ihampas ko sa mga pagmumukha nila ang kanilang job description?

“Inday!” tawag ko sa kanila. After a minute, wala pa ring sumasagot.

Tinawag ko ulit sila. Wala paring sagot. Ganoon? Sinusubukan nila ang pasensya ko?

Isang tawag pa at wala paring sagot, makikita talaga nila ang gusto nilang makita.

“INDAY!!!” sumigaw na ako this time. Pero, wala pa rin akong naririnig. That’s it!

The Other Girl in AnubisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon