Pagkatapos noon, bumalik na si Ciel sa upuan niya at bumalik siya sa paglalaro niya sa kanyang laptop.
Lumapit kaagad si Chantale sa akin.
“Sorry talaga kung hindi kita natulungan kanina.” Sabi niya habang tinutulungan akong ayusin ang mga nakakalat kong gamit. “Baka kasi lumala pa kung makisawsaw pa ako. Buti na lang at tinulungan ka Ciel.”
Teka? Paano niya nalaman? Tsk! Nevermind na nga lang.
Actually, sa lahat ng babae dito sa CHROME, si Chantale ang masasabi mong pinakamabait at madaling pakisamahan. But despite of that fact, I decided not to be friends with her.
Alam niyo kung bakit?
Masyadong magulo ang buhay niya. Hindi iyong marami siyang natatanggap na negative feedbacks. Instead, it’s the other way around. Sa sobrang ganda ng kanyang backgrounds, dapat malampasan pa niya ang expectation ng mga tao. Pati mga kaibigan niya, kailangan din umabot sa standards niya.
Ayaw ko naman ng ganoong set-up. Tipong kailangang maging pareha kayo para matawag mo siyang kaibigan. Susmaryosep! Ka-stress kaya noon!
Nang matapos na kami sa pag-aayos, may binigay si Chantale na bag sa akin.
Kumunot ang aking noo. “Para saan po ‘to?”
Ngumti siya. “May dala ka bang extra clothes ngayon?”
Nakaramdam kaagad ako ng panlalamig. Nabuhusan nga pala ako! Naku! Pahiya ka naman ulit, Jewel!
“Ay! Huwag na po!” pagtanggi ko.
Kailangan ko talaga ng bagong damit. Puro gamit na ang mga damit na natira sa dorm kasi Friday ngayon. Kaso, nakakahiya eh!
Umiling si Chantale. “No! Take it. Ok lang kung hindi mo na ibalik. Marami na akong ganyan sa bahay.”
“P-pero…”
“Huwag mo nang tanggihan. Ito na nga lang ang matutulong ko. Please?” pakikiusap niya.
Wala ata siyang kaidi-ideya kung gaano na kalaki ang tinulong niya sa akin. Dahil makulit din ang lahi niya, pumayag na rin ako.
“T-thanks p-po” pagpapasalamat ko sabay kuha noong bag.
“Ano ka ba!” tinapik niya ako sa balikat. “Scratch the po. Ginagawa mo akong matanda niyan” himagikhik siya ng mahina.
“Oh? Pumunta ka na ng CR.” Utos niya.
BINABASA MO ANG
The Other Girl in Anubis
Teen Fiction*HIATUS* For boys, she’s such a tease. Her presence makes the girls unease. She doesn’t aim to please. Can somebody make her domination cease?