Intro

196 9 11
                                    

CHAPTER FOUR: INTRODUCTION

*PAK*

Nakaramdam ako na may nanampal sa akin. Napahawak kaagad ako sa aking pisngi.

Ouch! Ang sakit noon! The pain actually stings in my cheeks.

“Alam kong ganyan ako kaganda para matulala ka pero hindi ko kailangan iyan ngayon. Nerd, Tinatanong kita. Close daw kayo ng kuya noong late transferee?”

Awtomatikong nagsitaasan ang goosebumps ko nang marinig ang boses ng nanampal sa akin. Kilalang-kilala ko na talaga kung sino ‘to. Patay na! She’s here.

The Queen Bee is now standing in front of me and my doom starts now.

“S-sino p-po? S-si K-kuya R-rafe?” nauutal kong sagot. Swear to god! Kanina pa namamawis ang mga palad ko.

“So, Rafe is the dude’s name. I admit na gwapo talaga siya. Imposibleng hindi ka rin nagka-crush dun.” Panunudyo niya.

Bigla na lang namula ang pisngi ko. Ay lesheng pisngi! Huwag muna ngayon. Nandito pa sa harapan ko ang demonya! Yari tayo kapag makita niya ang pamumula.

Bigla siyang natawa. “Sinasabi ko na nga ba’t malandi ka rin. Patago nga lang.”

Tinapon niya lahat ng gamit ko sa table. Parang wala siyang pakialam kung may nasira siyang gamit. Doon siya tsaka umupo.

Ang mga reports ko! Ang hirap ba naman ‘yan gawin. Kainis! Bakit pa kasi sa maraming araw na pwede niya akong pagtripan, ngayon pa?

Gusto ko sanang kunin kasi baka mapagtripan pa ‘yon ni Quinn. Naku! Ayaw ko nang umulit pa! Maliban sa nakakatamad na, tiyak na uulitin ko naman ang pag-interviewkay Kuya Rafe. Shemay! Ayaw ko nang mapahiya.

Tinaasan niya ako ng kilay. “Siguro naman, pwede mo siyang i-share sa akin?”

Alam ko talaga na ito ang sasabihin niya eh. Malalaman pa siyang sharing? Sa pagkakaalam ko, mahilig siyang mang-agaw. Tulad ng ginawa niya dati.

Tsaka, ano’ng akala niya kay Kuya? Gamit?

Mukhang napikon siya dahil hindi ko pa siya sinasagot. Kaya pumunta siya ng gamit sa bag niya…

Doon kaagad nanlamig ang buong katawan ko. Hindi sa takot kundi sa tubig na dahan-dahan niyang binubuhos sa mukha ko.

“Yan ang napapala ng mga nerd na tulad mo kapag hindi ako sinasagot.”

Yumuko na lang ako.

Duwag man kung iisipin ng iba pero mas mabuti pa ‘to kaysa patulan ko siya. Ayaw ko na ng gulo. Oo nga. Kapag nanlaban ako, pwede kang manalo pero sadlit lang din iyon.

Siguradong sa susunod na araw, pagtutulungan na ako ng mga barkada niya. See? Mas lalong lumala.

“Quinn, that’s enough” may biglang kumabig kay Quinn kaya natigil ito sa ginagawang pagbuhos sa mukha ko.

I know that voice. She’s Caia Chantale Barrameda; the campus princess and also a member of CHROME. Alam ko naman ang dahilan kung bakit niya ‘yan ginawa. Kailangan niya itong gampanin ang role bilang School Council Vice President. Nothing more, nothing less.

“Oh! Here’s Chantale! Our dear VP! So, you’re going to protect this trash?” pangiinsulto niya kay Caia. Tinuro niya kaagad ako.

Then, she faked laugh. “Akalain mo ‘yun, nerd? Someone is buying your drama!”

Tingnan niya kaagad si Chantale. Her eyes is threatening.

The Other Girl in AnubisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon