Shuts Her

181 7 9
                                    

CHAPTER FIVE: SHUTS HER

“Hinay-hinay ka lang sa pananalita mo! Magbigay ka nga ng respeto sa nakakatanda sayo.” She snarl.

“Respeto? Meron ako noon.” tumingin siya kay Miss Kate mula ulo hanggang paa. “Kaso limited edition. Kaya nga binibigay ko lang ‘yon sa taong karapat-dapat.”

“So, you’re telling me now that I don’t deserve your respect?”

“Oo. Kasi hindi ka tao.” Simpleng sagot nito.

“That’s it, lady! Detention within 2 months! How do you like that?” sigaw ni Miss.

Nabigla kami sa sinabi nito. Wow! Bago palang siya dito, detention kaagad?

Sa lahat sa amin dito, si Margaux talaga ang pinakanagulat. Tila hindi siya napaniwala sa binitiwang salita ni Miss.

Sabi ko na nga ba! Kahit ano pa katigasin ang isang estudyante, pagdating ng detention, natataob.

“HAHAHA!”

Naguluhan kami ng biglang nag-iba ang reaksyon si Margaux. Imbes na nagmamakaawa siya, tumawa pa ito na parang nagpalabas lang si Miss ng isang punch line.

Ano na? Tatawag na ba kami dito ng mental hospital?

“You find this amusing? For that, SUSPENDED FOR A MONTH.”

Mas lalo pang tumawa si Margaux.

“Hindi porque ikaw ang future heiress ng Eureka Imports, ganyan ka na kabastos. Umayos ka kung ayaw mong mapahiya ang mga magulang mo ng dahil sayo!” Patuloy pa rin na panunumbat ni Miss.

Parang wala pa rin itong narinig at walang tigil pa rin si Margaux sa kakatawa.Talaga bang hindi siya natatakot sa pinaggagawa niya?

Tatayo na sana si Chantale pero pinigilan siya ni Rain. His stare was like telling her not to interrupt those two hotheads in front of us.

Sa wakas, tumigil na rin ito sa kakatawa.

“Tanga…”

Napataas ang kilay ni Miss.

“Isu-suspend mo ang isang estudyante dahil sumusunod lang siya sa patakaran ng school? Tsk! Anong klaseng teacher ka?” mataray na tanong ni Margaux.

“Kailan pa naging patakaran ng school ang pag-insulto sa mga guro?” ganting tanong nito.

“Ilang taon ka na bang nagtatrabaho dito?”

“3 years. Why?” pagmamalaking sagot ni Miss.

“Ang tagal mo nang nagtatatrabaho sa paaralang ‘to pero hindi mo pa rin alam ang mga pasikot-pasikot dito? NAKAKAHIYA.” Nilagyan ni Margaux ng diin ang huli niyang sinabi.

“I don’t under—“

Umiling si Margaux. “Slow. According to this school, a student is considered to be excused once he or she gives an acknowledgement to his or her teachers about the reason of his or her delay or absence.”

“So?”

“SO, the letter, which you are holding right now, tells my explanation. I bet you didn’t know that.” Then she smirked.

Now it makes sense! Talagang pahiya siya!

Ang laki kasi ng expectation niya na confirmation letter ang kanyang natanggap. Only to found out, it was just an excuse letter. Whoa! Ang lakas pa ng loob niyang ipagmalaki ‘yun sa harapan namin?

The Other Girl in AnubisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon