Umupo na sya kaagad after nyang mag-introduce. Tapos binuksan nya na libro nya. Nakatitig pa rin ako sa kanya. HINDI TALAGA AKO MAKAPANIWALA. Si Danica ba talaga 'to? Yung mortal enemy ko? Okay, ang exag. Pero grabe lang talaga e. SYA NA BA 'TO?
Sa pagkakakilala ko kasi kay Danica, ganito: Sa looks, hindi gaanong maganda. Cute but, that's all. Kumbaga yung ganda niya, hindi kapansin pansin. Simple lang siya. Easily overlooked. Short hair, crooked teeth, eyeglasses. Nerdy. Tapos sa ugali naman, warfreak, masungit, mataray at palamura.
Hindi mo talaga aakalaing magbabago pa siya.
Pero ngayon, IBANG IBA NA SYA. Seryoso. Mahaba na buhok nya, wala na syang glasses, tapos nakabraces na sya. Gumanda sya kahit papaano. PAANO NANGYARI YON? POSIBLE BA YON? Imba naman.
Humarap na naman sya sa 'kin. Nakakunot yung noo nya.
"Ano ba talaga problema mo, ha? Kanina ka pa ha."
Psh, masungit pa rin talaga 'to hanggang ngayon.
I smiled na lang, "Wala nga. Imba 'to, di ka nagpapakilala ah."
She scoffed, "Psh, bakit naman ako magpapakilala sayo? Diba, kilala mo na 'ko. AND HINDI TAYO BATI, REMEMBER?"
Isip bata pa rin. Haha, cutie.
I grinned, "Di kita namukhaan e. Gumanda ka ah. Bakit hindi ka na nagglasses?"
"Kasi, may naimbentong contact lenses." sagot nya.
"Ah." medyo napahiya ako dun ah.
I asked her na lang, "Galit ka pa rin ba sa 'kin? Hindi pa ba tayo bati? Ang tagal na nun ah."
lalong kumunot yung noo nya.
"Yes, no, I don't care." she said blankly.
I gave up. UGHHH. ANG SUNGIT NYA. Hindi ko na siya kinausap. Naiirita lang ako. BAKIT KO BA SIYA NAGING KATABI?
Mukhang ang laki ng galit namin sa isa't isa, 'no? May past nga kasi kami. Hindi past lovers, ah. Baka kung ano isipin mo e. Dati kasi, nung freshmen year namin, inaaway nya yung mga friends ko dati, lalo na yung mga babae sa di malamang rason. Ang weird nya. Palamura, pala-away, palasigaw, akala mo laging galit, kaya wala syang friends. e, ayun, we confronted her, not we pala, I confronted her. Medyo nainsulto ko sya, sinapak nya 'ko. Hindi na kami nagpansinan, ever since. Ako, hindi ako nagtanim ng galit sa kanya. I simply ignored her. Pero, iba yung sa kanya. Halatang may galit pa rin sya ngayon. Tss, bahala sya.
End of homeroom time. Nag-announce teacher ko.
"Class, I hope you like your seat today because that will be your seating arrangement for the whole year."
ANAK NG?! HINDI PWEDE. AYOKO SIYANG KATABI. SHE'S TOO MEAN.
First day of school, ang malas ko na. Badtrip.
Break na. Sumabay na lang ako kela Jc.
Kumain na sila, ako, wala pa akong gana.
"Pare, yang itsura mong yan, para kang namatayan ah." sabi ni Jc.
Nginitian nila ako, mukhang nang-aasar lang sila.
"Wala e, badtrip ako sa katabi ko." sabi ko na lang sa kanila.
"Ah, si Danica. Napansin ko lang ha. Ang laki ng pinagbago ng itsura nya, pare. Gumanda siya. Tapos medyo sexy din pala sya. Chix pala yun." tuloy ni Jc.
Hay nako, nakatulong ka Jc, salamat.
"Tumigil ka na nga dyan. Seryoso na kasi." sabi ni Adrian kay Jc.
BINABASA MO ANG
Not the Other Way Around
JugendliteraturSometimes the last person on earth you want to be with is the one person you can't be without.