Kahit Konting Awa Part 2

4.3K 126 1
                                    

Everything I Have


Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Huli sa akto na walang maisip na paliwanag. Iyon bang wala kang kawala kundi tumahimik at hintayin ang paghusga kundi man ang tuluyang hatulan. Parang nangangatal ako noon ng hiya. Hindi ko alam kung ano ang una kong gawin.

"Tang-ina! Anong ginagawa mong kababuyan!"

Lumapit si tatang sa akin. Tinaas ko ang short ko at agad kong dinampot ang magazine. Tinago ko iyon sa likuran ko na parang nahimasmasan sa mahabang pagkahimbing.

"Wala ho." pagsisinungaling ko kahit alam kong nakita niya. Alam ko namang nakita na niya ngunit nagtanong pa siya kaya iyon lang ang alam kong isagot.

"Tignan ko nga yang tinatago mo. Akin na 'yan! Huwag mong hintaying magalit pa ako sa iyo."

Tumingin ako sa kaniya noon. Gusto kong tantiyahin muna kung ano ang gagawin ni tatang mula pagkabata ko, ngayon ko lang siya nakita na ganoon ang tingin niya sa akin.

"Wala ho 'to. Hiniram ko lang po ito. Hindi po akin." Sa katulad kong kahit sukol na ay gumagawa parin ng paraan para maabsuwelto ngunit nang nagsimula na siyang magbilang ay alam kong kahit anong gawin kong pagtanggi ay titignan at titignan niya iyon. Yumuko ako. Inabot sa kaniya ang magasin na puno ng mga hubad na kalalakihan.

"Ano tong...Tang-ina, bakla ka? Ano? Sumagot ka hayop ka, anong ibig sabihin nito ha? Binabae kang animal ka!"

Kung may isang salitang kinaiinisan kong marinig noon ay ang sabihan akong bakla o binabae. Oo nga't alam kong ganoon ako at nararamdaman ko iyon ngunit iyon ang unang pagkakataong narinig kong tinanong ako at tinawag na bakla na para bang para sa akin ay isang nakapalaking kahihiyan at pagtapak sa aking pagkatao. Isa pa, bakit mula pagkabata ko naririnig ko ng tinatawag ako ng hayop ka... animal ka! Tapos ngayon kinabitan na ng buong binabae kang animal ka? Tumingin ako sa mukha ni tatang noon. Galit siya. Galit na galit at naghihintay siya ng isasagot ko.

"Lalaki po ako, tang." Mahina kong sagot tuluyan ng tumulo ang aking luha. Umiiyak ako sa takot. At sa isang iglap ay isang malakas na suntok sa panga ko ang pinatikim ni tatang sa akin.

"Sige, tarantado ka, lumaban ka. Ipakita mo sa akin na lalaki ka gago!" hinawakan niya ang leeg ko at hindi ako makahinga sa sakal niya sa akin. Pakiramadam ko ay napakatagal ng pagkakasakal niya sa akin na wala ng naiipon pang hangin sa aking baga. Nalulunod na ako at umiinit na ang buo kong mukha sa pamumula. Luha, sipon at laway na ang lumalabas sa akin at dahil kung hahayaan ko pang tatagal ang pagkakasakal sa akin ni tatang ay tuluyan na akong malagutan ng hininga. Tinutulak-tulak ko ang dibdib niya. Nagmakaawa ang luhaan kong mga mata at pinilit kong magsalita para magmakaawang tanggalin na niya ang kamay niya sa aking leeg ngunit tanging laway lang at ungol ang lumalabas sa akin. Pinilit kong tanggalin ang kamay niyang nakasakal sa akin ngunit malakas ang kaniyang mga daliri. At tanging malakas na tadyak sa kaniyang sikmura ang alam kong paraan para makahinga akong muli. At nang nabitiwan niya iyon ay parang napakahalaga sa akin ang bawat paghinga. Nahuli ng pang-amoy ko ang kaniyang amoy alak na hininga. Nakainom siya. Napaluhod ako sa pagkahina kasabay ng sunud-sunod ding pag-ubo. Ngunit hindi pa ako nakakabawi sa panghihina ay isang malakas na sipa naman ang pinakawalan ni tatang sa aking tadyang, isa pa bang sipa sa aking mukha na tinamaan ang aking bibig dahilan para dumugo at sumabog iyon. napasadsad ako sa gilid n gaming kubo at nakita ko ang pagtulo ng dugo mula sa aking bunganga pabagsak sa yari sa kawayan naming suwelo. Doon na ako natakot ng husto. Naisip ko ng lumayo doon at nang palapit muli si tatang sa akin ay sinikap kong tumayo at kumaripas ng takbo. Dinig na dinig ko ang kaniyang sigaw... "Tang ina kang bakla ka. Magpakalalaki ka kung ayaw mong patayin kita. Nag-iisa kang anak hayop ka tapos bakla ka pa. Kung hindi ka pa magpakalalaki tang ina mo, ako ang papatay sa iyo. Hindi ko pinangarap na magkaroon ako ng baklang anak gago ka!"

EVERYTHING I HAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon