Si Crush Part 3

4.2K 116 3
                                    

Everything I Have


Nangako si Nanang sa akin na tulungan niya akong kumita ng pera para sa pasukan sa High School. Malayo ang paaralan ng sekundarya sa amin kasi kailangan pang lakarin ng higit isang oras dahil malapit na iyon sa bayan. Ngunit sa tulad kong may pangarap ay pilit kong kakayanin ang lahat. Alam kong sa tulong ni Nanang ay matatapos ko ang High School.

Pasukan. First Year na ako noon, muli kong naramdaman ang kaibahan ko sa ilang mga nakakaangat kong mga kaklase. Isa lang ang itim na pantalon kong pampasok. Mumurahin ang sapatos ko at dalawa lang ang puting uniform ko na kailangan kong labhan araw-araw para may maisuot ako kinabukasan. Ngunit naiintindihan ko ang kahirapang iyon. Batid kong iyon ang magiging buhay ko ngunit ang hindi ko lang talaga maintindihan ay ang pagiging alanganin ko. Bakit walang subject na magtuturo sa amin sa tamang pagkatao alinsunod sa kasariang ibinigay sa atin. Kung sana katulad lang ng formula sa Algebra o physics o kaya ay kung sana meron lang mga elements sa Chemistry na kailangan pagsasama-samahin para tuluyang mapag-aralan ang pagiging tunay na lalaki ng isang bakla ay doon na ako tumutok ng husto. Wala ba talagang subject na tuluyang bubura sa tunay na pakiramdam ng isang tao?

Kaya nga kahit anong laban ang gawin ko ay hindi ko parin kayang labanan ang umusbong na pagkacrush ko kay Richie. Inaagahan kong pumasok sa school para kapag dumaan ang sinasakyan niyang motor ay makita ko siyang daanan ako at binibilisan ko naman ang paglakad para maabutan ko siyang nagbibida sa mga barkada niya bago mag-Flag ceremony. Dahil mas matangkad ako sa kaniya ay sa likod niya ako laging pumupuwesto at dahil magkatabi lang kami ng upuan dahil Bautista ang apelyido ko at Castro naman siya ay alam ko ang lahat ng kaniyang ginagawa. Nawawala ang konsentrasyon ko sa pakikinig sa tuwing naidadampi ang siko niya sa kamay ko. Sa twuing lilingon ako sa kaniya at mahuli niyang nakatingin ako sa kaniya ay namumula ako ng husto. Dahil wala akong pera, wala din akong ibang kuwentong pangmayaman tulad ng mga pinag-uusapan nila ng mga iba ko pang kaklase ay mahirap na mabarkada ko siya. Isa pa, natotorpe ako kapag siya na ang kausap ko. Nauunahan kasi ako ng hiya at hindi ko masalubong ang kaniyang mga mata. Kapag may tinatanong siya ay nawawala ako sa aking sarili. Natatameme ako samantalang kung iyong mga babae na nagkakagusto sa akin ang lumalapit at nakikipag-usap ay parang napakasarap lang silang biruin at sakyan ng sakyan. Guwapo din si Richie. Hindi nga lang matangkad na katulad ko ngunit sa pangin ko ay siya ang pinakaguwapo sa buong campus. Bilugin ang kaniyang mga mata na may makapal na kilay. Matangos ang ilong at may tamang umbok ang mga labi. Dahil sa bata pa kami noon ay wala pang laman ang dibdib niya pero mabalbon siya. Makinis ang balat at maputi sa karaniwan. Ako naman ay dahil bilad sa araw kaya medyo may pagkakayumanggi ako. Matangkad ako. Isa ako s amga pinakamatangkad sa buong campus namin. Makapal din ang kilay ko, matangos ang ilong at manipis ang pang-itaas na labi na binagayan ng medyo may kakapalan na bibig sa baba. Maganda ang tubo ng ngipin. Dahil sa banat ako ng trabaho kaya matigas ang katawan. Kung titignan akong mabuti, walang magsasabing pusong mammon ako.

Dahil sa may pangarap ako sa buhay kayak o pinag-igihan ang pag-aaral. Iyon na lamang kasi ang naiiwang pag-asa ko para umangat. Hindi ko akalain na iyon din ang napansin sa akin at nagustuhan ni Richie para kaibiganin niya ako. Noong una ay kinausap niya ako kung gusto ko daw magtry-out ng basketball kasi sayang daw naman ang tangkad ko kung hindi ko gagamitin. Kailangan daw kasi nila sa intrams ang kasama. Hindi ako nabigyan ng pagkakataong nakapaglaro ng ganoon dahil naging abala ko noon sa paghahanap-buhay para sa pag-aaral ko. Bago ang try-out ay sumama ako sa mga kapitbahay ko na maglaro. Nagpaturo ako sa kanila at dahilsa likas na lakas, liksi na binagayan ng aking tangkad, naging madali sa akin ang paglalaro. Sinamahan ko pa iyon ng pagbabasa sa tungkol sa larong ito sa aming maliit na library. Pagdating ng try-out, ginulat ko siya ang barkada niya sa pinamalas kong galing sa paglalaro.

Ilang araw bago ang try-out na iyon ay siya na ang lumalapit sa akin. Sabay na kaming pumasok noon dahil inaangkas na niya ako sa motor at idinadaan sa uwian. Nabanguhan ako sa kaniya sa tuwing umaga at sa hapon ay parang hindi parin iyon nawawala. Sa tuwing nakahubad siya at magpraktice kami ng basketball ay kitang-kita ko ang manipis na tubo ng buhok sa kaniyang dibdib hanggang sa tiyan. Tuwing naidadampi ang puwit ko sa kaniyang harapan kapag ginugwardiyahan niya ako ay nawawala ako sa aking katinuan. Napapayakap siya sa akin kapg pilit niyang inaagaw ang bola at dama ko ang basa sa pawis niyang katawan na nakadikit sa likod ko na minsan hindi ko mapigilang tigasan at tuluyang nawawala ang liksi ko sa paglalaro. At sa pagdaan ng araw ay dating pagka-crush sa kaniya ay nagiging totohanang pagmamahal na.

EVERYTHING I HAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon