Chapter 2(Engagement)

1.3K 37 4
                                    

Althea's POV
"Oi! Diba ngayon yung engagement party ni David? Di ka ba pupunta dun? Tanong sa akin ni Chynna. Si Chynna ay isang proud na butch. Yung tipo ng lesbian na lalaki talagang pumorma. Bata pa lang kami closefriend na kami ni Chynna. Si David naman siya yung ikakasal sa barkada namin. David is a goodman. Mabait siya. Sila lang naman ang may-ari ng kumpanyang pinapasukan namin. Palakaibigan si David sa mga empleyado niya kaya nga naging kaibigan namin siya. Di ko nga alam kung bakit gusto niya talagang maging kaibigan ako.
"Tssk. Kung di ko lang talaga kaibigan tong si David di naman ako pupunta dun ei. Samahan mo ako mamaya ha." Sabi ko kay Chynna.
"Ei! Basta ba huwag mo lang ako pasuotin ng mga casual.casual na yan. Di kasi ako katulad mo." Umoo na lang ako. Wala naman rin akong magagawa. Para samahan ako ni Chynna dun sa event mamaya.
"Oo na, di rin naman talaga ako katulad mo. Tanggap ko pa rin na babae ako inside and out at babae rin ang gusto ko." Sabi ko sa kanya.
"Bakit pa kasi. Nagtatago ka pa diyan sa suot mo? Ba't di ka na lang tumulad sa akin POGI! Hahaha!!!" Kumaripas na siya tumakbo bago ko pa siya mabatukan. Pinush pa niya talaga yung salitang POGI ah.

*phone rings*
"Hello, David?"
"Oi, susunduin ko kayo mamaya ha. Mga 6 o clock mamaya."
"Ok." Tapos sabay pindot ko sa end call button.


Jade's POV
"You're really beautiful Jade. Excited na talaga kami ng papa mo sa engagement party nyo ni David." Sabi ni mama habang inaayos ang buhok ko.
"Halata nga ma.Mas excited nga kayo kesa sa akim ni papa." Sagot ko kay mama. Sa bagay only daughter rin ako ng family namin kaya ganun na lang ka engrande ang engagement party nila para sa amin di katulad nina kuya Gab.
"Maam, nasa baba na po si sir David. Hinihintay niya na po kayo." Sabi ng katulong namin.
"Ok, papunta na ako. Ma, mauuna na ako. Sumunod na lang kayo." Sabay labas ko sa room.


Althea's POV
Andito na kami ngayon kung saan pinagdausan ang engagement party ni David tsaka girlfriend niya.
"Grabe, ang yayaman talaga nila." Manghang sabi ni Chynna.
"Ayan na pala si Jade" sabi ni David sabay lapit sa gf niya.
"Ahhm. Guys, this is my future wife,Jade. Jade sila yung kinukwento ko sayo na mga kaibigan ko. Si Althea and Chynna." Pakilala ni David sa amin.
"Teka, David pwede bang kumuha ng pagkain? Gutom na ako ei." Sabi ni Chynna. Tumango naman si David at sinamahan si Chynna para kumuha ng pagkain at maiinom.
"So, you are David's bestfriend. Im her girlfriend" pakilala niya sa sarili niya sabay abot ng kamay niya pra makipag shakehands sa akin.
"Yes. Im Althea,but you can call me Aya." Sabay kong tinanggap yung kamay niya. When our hands meet parang nakuryente ako at biglang timibok ng mabilis ang puso ko. Bigla ko naman binawi ang kamay ko sa kanya.
"Grabe, Aya! Ang sasarap ng pagkain dito." Biglang sabi ni Chynna habang kumakain. I just smiled at them sabay umalis muna ako para mag C.R.

(late update sorry. Guys! Watch kayo ng I CANT THINK STRAIGHT! Nice movie.)

She's Mine (RasTro Jathea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon