Chapter 9: Issues

197 15 1
                                    

===Bianchi's POV===

yuck! ba't ganito na ang mukha ni Ched? parang tanga kanina pa ngiti ng ngiti!

ewan ko ba pero nandidiri ako sa iniisip ko.

tama ba ako?

na..na love at first sight siya doon sa eww na matanda?

aish! ano ba Bian! kaibigan mo yan wag mo pag-isipan ng masama!

grrrr! nagsisitayuan mga balahibo ko >_<

"ah Ched punta tayo sa Student's Faculty pasukat tayo ng uniform" pag-aanyaya ko sa kanya habang nag lalakad pa din kami sa loob ng Academy High.

kanina pa kami lakad ng lakad na dalawa.

nakahawak lang ako sa braso niya tapos siya nasa tabi ko nakatingala sa ulap tapos maya't-maya ngumingiti.

"Did you feel that?" bigla niyang tanong out of the blue

tumigil kami sa paglalakad

at kinabahan ako sa sinabi niya kaya tinirikan ko siya ng mata.

"w-what? a-anong nararamdaman mo? m-may momo ba?Ched wag kang mag-umpisa ha tirik na tirik ang araw naku" nanginginig na tanong ko sa kanya habang humigpit ang yakap ko sa braso niya

>_<

nagtaka naman siya sa sinabi ko

"What momo? I'm saying that..Did you feel it? or can hear my heart beats ?" blangko niyang sabi

ha?

dinikit ko sa may dibdib niya yong taenga ko.

naku! ba't ang bilis ng tibok ng puso niya?

wag niyang sabihin na-

"You! like that...O-Old..m-maaan?!" hindi ko na napigilan ang sarili ko

ito na nga ba ang sinasabi ko eh!

mahirap talaga pag di pa nararanasan ang umiibig....

kasi basta-basta na lang nagkakagusto kahit na kanino!

"Hmmmm? Maybe? this is what they called love?" inosente niyang tanong sa akin.

gosh! masisiraan na ako!

"ahmm no Ched,You are just ahmmm.. just ano...kwan eh..maybe...he- he's reminding you your Father,Yeah! tama! oo tama! baka ganon nga hehehehe" nahihirapan kong pag bi-brainwash sa kanya para di na siya mag isip pa.

napa tingin na naman siya itaas at napa-isip

anak ng NBSB O-Oh!

"Hmmm? Maybe you're right,let's go to the faculty?" para akong nabunutan ng tinik ng sea urchins sa katawan

salamat naman!

"yeah tara na para makauwi na tayo,napagod ako sa araw na to" pagdadahilan kong pamamadali dahil natatakot akong baka magkita pa sila ulit ng matandang lalaki na yon, di pa naman namin kilala ng lubusan yon.

at baka mamaya isa lang yun sa mga naghahanap sa papa ni Ched

nakarating na kami ng School's Faculty.

pero pagdating sa Faculty.hindi na ito Faculty.

umiba na ang office.

at hindi ko maintindihan ang karatula sa itaas ng pinto.

"Discipulo Scriptor Secessitatibus Facultatem Et Auxilium" basa ng utak ko pero hindi ko siya mabigkas ngmaayos

Call Me Ched [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon