Chapter 15: So he's a Dancer?

137 13 2
                                    

===Ched's POV===

natapos na din yung klase sa araw na to..

nakakapagod.. buti't wala ng maingay sa room.

tinatamad na kinuha ko yung tumbler sa may ilalim ng upuan ko

"tara field tayo"aya ni Bian sa akin

sumunod na lang ako habang bitbit yung tumbler sa kanang kamay ko..wala na ngang laman eh naubos ko na..

mamaya pag nakita ko siya ibabalik ko tumbler niya

pagkarating namin Field ay maraming tao...merong nag sa-soccer sa may gitna..merong nag kukumpolang mga babae sa may tabi na naka-upo sa may blanket at masayang nag ku-kwentuhan...meron pa ngang nag pa practice ng sayaw..

"uy may sumasayaw! tara lapit tayo gusto ko makita!"hinila na ako ni Bian palapit doon sa grupo ng mga lalaking sumasayaw..

alam kong gustong-gusto ni Bian ang sumayaw kaya nag pahila na lang ako..

medyo nagkakamali pa sila sa kanilang mga steps...

parang nag-uumpisa pa lang nga silang mag isip ng mga steps eh kasi nag tuturuan sila kung ano yung magandang sayawin...mga anim silang lahat na lalaki yung sumasayaw at naka civilian lang sila..

at nabigla ako ng makita ko si Davin sa mga nagsasayaw...

sumasayaw siya?

naka polong pula na maong at naka pantalon...habang yung ibang kasama niya naka simpleng t'shirts at jogging pants

at napatingin sila sa amin kasi nasa harap na nila kami

si Isiah..andito din pala..napatingin ako kay Davin na gulat na nakatingin sa akin

nilipat ko sa ibang direksyon yung tingin ko

"oh Chi?"narining kong ni Davin kay Bian at napasulyap sa akin..kahit di ako nakatingin sa kanya..ramdam ko tinitignan niya ako

"Hi"tipid naman na bati Bian kay Isiah sabay ngiti

"hello hehehe musta kayo?"tanong ni Bian sa lahat pero nakatingin lang kay Isiah

yung apat na lalaki maliban kay Davin at Isiah nag sesenyasan sila at nagbubulongan tapos titingin sa akin..ang weird nila

"ah eto pagod..kayo? ba't kayo andito?"tanong naman ni Isiah ulit kay Bian

"hehehe nakita ko kasing may sumasayaw kaya lumapit kami...para saan yung sinasayaw niyo?"nakangiting sagot ni Bian

"ah para sa inermission number namin sa seminar ng school press"nakangiting sabi niya kay Bian

ah kaya pala..

kasi si Isiah photojournalist ng high school division at si Davin nman siya yata yung EIC ng college publication

so lahat sila ay mga press ng school?di halatang magaling sila sa larangan ng pag susulat kasi sa mga porma nila..parang napadaan lang sila dito para magpasikat

tapos napadako yung tingin niya sa may kamay ko

naiilang na inangat ko naman yung tumbler at nilahad sa kanya

kinuha niya naman tapos nag smirk..

"uy ikaw ba si Ched? astig! by the way I'm Zap"sabi nung isa na nasa may likuran ni Davin at kumaway sa akin tinanguan ko lang siya

"nabalitaan namin yung pag bugbug mo kay Saphire..yung? maarteng muse ng division niyo?ah my name pala is Greg"natatawang sabi naman ng isa na nasa may tabi ni Isiah

Call Me Ched [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon