Chapter 17: Suspicious and a Smile

152 12 6
                                    

[Davin's POV]

"Zab nagawa mo na ba yung pinapagawa ko?"

napatigili ako sa pag ta-type ng mga pinapa incode niya sa aking mga files

andito kami sa opisina niya may ipinapagawa kasi siya sa akin..

dahil siya yung may ari ng school at ako yung major officer nitong academy ay ako yung napili niya para maging assistant niya kasi alam ko daw yung mga nangyayari sa school.

"yes sir"

napatingin naman ako sa papeles na tinitignan niya..

papeles nila Chi at Ched...mga record nila sa school..

"sir can I ask you?"

inangat niya yung ulo niya at tumingin sa akin..tinaas niya lang yung dalawang kilay niya para sabihing pwede

"ummm...kaano-ano niyo po sila?"pagkasabi ko nun ay tumingin ako sa papeles na hinahawakan niya

napatingin din siya doon at nag smirk

"family friend"tipid na sagot niya at nagpatuloy na sa pag scan ng hawak-hawak niyang folder

family friend? ang simple naman ng rason niya para sa pagbayad ng full tuition fee nung dalawa...

napaka misteryuso ni Sir Edward Lim ..pati yung pinsan niyang teacher dito na si Sir Roberto Lim..

di na ako nag salita pa kahit andaming tanong na gusto kong masagot tungkol sa kanila...kung bakit ganito na lang siya ka consistent na bantayan lahat ng galaw ni Ched... lagi kasi siyang humihingi ng mga narecord na video na nandun sila Chi at Ched na nakuhanan ng mga cctv cam na nagkalat sa school.....

"Next week wala ako...I have to attend something important...pag nag absent si Ched at Chi sa kanilang klase.." biglang salita niya tapos may kinuhang subreng maliit sa drawer ng mesa niya at inabot sa akin "ibigay mo yan mga teacher nila...yan ang magiging excuse letter nila"

ito na naman...

yung mga inuutos niya sa akin...halos lahat konektado sa dalawang babae...

"yes sir"sagot ko na lang...

inabot ko yun at nilagay sa bag..

ng matapos ko na yung pinapa-incode niya ay sinave ko na sa flashdrive ko at bingay sa kanya...

"you can go"seryusong sabi niya

nag bow ako bago lumabas ng office niya...

nagkasalubong naman kami ni Sir Roberto Lim...yung pinsan ni Sir Edward

"Good morning sir"bati ko sa kanya at nag bow

"likewise sayo iho"sabi niya at tinap ako sa balikat at pumasok siya sa office ni Sir Edward..

hindi ko talaga kayang di maiwasang mapaisip ng kung ano-ano....

simula nung bilhin ng magpinsan yan yung school ay naging palaisipan sa lahat ng mga teachers and staff dito kung saan sila nanggaling at kung bakit binenta ng may ari itong paaralan sa kanila...at ano ang profile backgroun nila...kasi minsan lang makikita dito si Sir Edward siguro 4 times a year lang siya napapabisita dito...kung di umattend ng meeting ay may ipapagawa sa akin...minsan naman tinatawag nalang niya yung ipapagawa sa akin...

sinu-swelduhan niya ako sa pagiging assistant ko sa kanya kaya okay lang din. kahit di ko na kailangan pa yung pera niya kasi kaya naman ng pamilya kong tustusan ako...at full scholar ako sa academy kasi since kindergarten ay dito na ako nag-aaral...libre na ako lahat dito kaya sa subrang walang ng alalahanin sa pera ay nagiging libanagan ko na lang din yung pagiging officer para may magawa naman ako pag nabo-bored...

Call Me Ched [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon