Chapter 18: Stalker and Him

130 10 3
                                    

[Davin's POV]

pagkatapos kong hugasan yung ulo ko dahil inip*tan ako ng ibon eh pinaliguan ko na din ng pabango...

takte lang ang baho kanina! buti na lang natanggal!

nakakahiya kay Ched kanina...di ko ginamit yung panyo niya sayang kung madudumihan lang itatago ko to at di ko na ibabalik sa kanya..XD

kinuha ko muna yung panyo sa bulsa ko bago ako tuluyang lumabas ng CR.inamoy ko yung panyo niya...ang bango!

tapos biglang pumasok si Isiah

"Tol? day-dreaming?"pang iinis niya

binatukan ko nga!

"aray!"sabay himas sa ulo niya

"kung ano-ano kasing pinagsasabi mo!"tapos tinago ko na bulsa yung panyo

"eh bakit? di totoo? pch! titigil ako sa panunukso kung di totoong inaamoy mo yung panyo ni Ched...inlove ka? Bwahahahaahha!"

at binatukan ko pa ng isa!

"aray! nakakadalawa ka na ah!"sabi niya na susuntukin ako

"oh sige suntok ikaw nang-uunang manukso ah...bakit ka kasi andito!"naiinis na sabi ko

napakamot siya sa pisngi niya

"pinapakuha ni Ched yung panyo nagkamali siya ng bigay sayo kay Chi kasi yung panyo at may sentimental value daw yun kasi sa Daddy daw yun ni Chi"

WOW!

as in wow!

akala ko kay Ched na!

bakit puro maling akala ako pag dating kay Ched?

kanina akala ko nginitian niya ako,yun pala pinagtatawan lang!

ngayon naman akala ko sweet na kasi pinahiram niya panyo niya,tapos malalaman ko na lang kay Chi itong panyo?

wow ha! ang lakas mantrip ng araw ngayon!

"uy!" tinapik ni Isiah yung braso ko kaya natigil ako sa pag-iisip

"ano?!"inis na sagot ko

"yung panyo nga! inaaway ni Chi si Ched kasi yung panyo daw ng daddy niya yung naibigay sayo...ano nagamit mo na?"sabi niya

inis na kinuha ko yung panyo sa bulsa ko

"oh!iyo na"

nakakainis naman oh!

"yun oh! sabi ko na nga ba di mo gagamitin kasi itatago mo lang right?Tol ikaw na!"tapos tinapik-tapik niya ako sa braso

"tsk! wag ka nga! suntukin kita eh"tumalikod na ako at kinuha yung bag ko sa may sahig pero bago pa man ako makatayo sa pag yuko...

"oh...yan panyo ni Ched yan daw gamitin mo wag lang yung panyo ni Chi"

in just a second ay nagliwanag yung madilim na isipan ko

kinuha ko yun at tumayo na

"tara na! naghihintay na sila doon"sabay akbay sa akin

sinukbit ko sa kabilang balikat yung packbag ko

"I'll support you bro she's cool"sabi niya habang inaalog yung pagkakaakbay sa akin

at lumabas na kami ng CR

"yeah"yun lang yung nasabi ko kasi di ko mapigilan ang ngumiti

"but the two of them....so mysterious"dugtong pa niya

kahit si Isiah napansin din yun

"kaya ba liligawan mo si Chi dahil interesado ka sa kanya?"tanong ko

Call Me Ched [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon