Trisha's POV
"Good morning Ma'am Trisha!" bati ng aking sekretarya. Nginitian ko lang siya.
Nandito ako ngayon sa main branch ng boutique ko. Ayoko mag-stay magdamag sa condo ko kaya naisipan kong bumisita dito. Maraming customers ang bumibili ngayon ng mga damit na ako ang nagdesign. Chineck ko lahat ng mga damit dito kung may damage na ba o may stain ng kung ano or whatsoever.
"Ang cheap naman ng mga nilagay na beads sa dress na ito."
"Di ba ito yung minodel ng sikat na model? Eh ang pangit naman pala nito."
I heard murmurs. Lumingon ako kung saan ko sila narinig. Nakita kong hawak nila ang black dress na pinipintasan nila. Pinuntahan ko kung nasaan sila.
"Excuse me. Bibilhin nyo ba ang dress na iyan? Kung hindi, ibalik nyo na kung saan iyan nakalagay kanina kasi narurumihan lang yung damit sa mga kamay niyo." Pataray kong sabi sa dalawang customer.
"Ito ba?" Itinaas ng babae ang dress na hawak niya. "Eh ang pangit naman ng dress na ito."
"Look. Nandito ka ngayon sa boutique na very expensive ang mga binibenta which are MY OWN DESIGNED bags and dresses. Kung hindi mo naman bibilhin ang dress na iyan at kung lalaitin mo lang iyan, bitawan mo na iyan. Dahil kahit hindi mo aminin sa akin, halata naman hindi mo afford iyan."
Namula ang pagmumukha ng babaeng kausap ko habang ang kasama niya ay natameme lang.
"Ano bibilhin mo ba iyan? Kasi kung hindi, masasayang lang ang oras mo kung wala ka naman silbi sa boutique na ito. Kung ayaw mo ang dress na iyan, bumili ka ng iba dito. Unless nalang kung hindi mo afford ang mga nandito." Nangisi pa ako sa pagkakasabi ko. "I'm sorry ha? I am a business woman. Sales talk lang itong ginagawa ko sa mga kagaya niyong rude customers."
"Hindi ko bibilhin iyan! Meron pang mas maganda jan sa damit na iyan! Sorry ka nalang. Tara na nga Stacy!" Akmang aalis na ang dalawang babae pero nagbitaw pa ako ng salita sa kanila.
"Ok you may go. Who the hell cares? At hindi lang naman kayo ang customers ko dito. Hindi ko kailangan ng mga customer na hindi naman kayang bilhin ang mga nandito." Akala nila ah.
Nagtungo na ako sa opisina ko dito. Marami pa akong naiwan trabaho kaya tatapusin ko na ngayon. Sayang ang oras ko.
*phone ring*
Ang haba-haba ng oras, ngayon pa tumatawag ang aking ama, kung kailan marami akong ginagawa.
"Hello, I'm busy."
(Trisha, anak, lets join us to our dinner later with my business partners.)
"Oh bakit kasama pa ako? Business talks lang naman ang gagawin niyo mamaya, bakit kailangan kasama pa ako?"
(My partner Mr. De Venecia wants to meet you.)
"And then? So what?"
(Basta. Be there at 7:00pm. Aasahan kong dadating ka doon or else---)
"Ok! Fine my dearest dad! I'll be there."
(Good hija. So see you later. Don't be late.)
Call ended. Lagi akong binablack mail ng papa ko kapag hindi ako pumapayag sa gusto niya. Well, pagbigyan nalang. Tutal ngayon lang naman ulit ako pumayag sa gusto niya. The hell. Busy pa naman ako ngayon.