Chapter 3

51 3 0
                                    

Trisha's POV

As usual back to normal nanaman ang lahat. Maraming trabaho ang naghihintay sa akin, kaya ito nanaman ako sa pagiging workaholic.

It's almost 11:00 in the evening nang natapos ako sa ginagawa ko dito sa sarili kong designer studio sa condo ko. Gusto ko irefresh ang sarili ko through night outs. Ar gusto ko ngayon na and besides hindi pa ako inaantok kaya aayain ko si Bernice ngayon na mag-bar. Ang tagal ko na din hindi nakakadayo sa bar eh, free time ko naman ngayon kaya gusto ko naman magrefresh.

I texted her then she gave me her approval, means payag siya sa alok ko na magbar kami ngayon. Nag shower ako saglit at nagbihis ng black fitted dress with blazer. Manipis na make-up, lugay lang ang buhok, at lipgloss sa labi. It is good enough.

Paglabas ko ng condo, hinihintay na ako ni Bernice na nakasakay ngayon sa kotse niya. Nagpasundo talaga ako sa kanya dahil ayoko muna magdrive. Pagod nga ako di ba. Agad kong binuksan ang pinto ng kotse upang sumakay. Nang makasakay na ako, hindi ako kinibo ni Bernice.

"So what's the problem? Bakit ganyan awra mo?" tanong ko kay Bernice habang kinakabit ang seatbelt sa katawan ko.

"Nah! It's just a boy problem." Pambabalewalang sagot nito. Inistart na niya ang engine at pinatakbo na ang kotse.

"Teka. Pinapatakbo mo na yung kotse pero hindi mo pa alam kung saan tayo pupunta." Asar kong sabi sa kanya.

"What? Sa bar tayo pupunta di ba?" walang tingin na tanong sa akin ni Bernice dahil naka focus na siya sa kalsada.

"Yeah, Bar! Ni hindi mo naman alam kung saan bar." Iritable kong sagot.

"Ako na bahala. Kung ako sa iyo, manahimik ka muna."

"Ok." matipid kong sagot. Ano kayang nangyare dito? Bigla nalang magtataray. Tss.

Tumahimik nalang ako whole trip, hanggang sa makarating kami sa bar na paboritong puntahan ni Bernice. Sabi ko na nga ba, dito kami pupunta. Mas nauna pang pumasok si Bernice sa akin, excited ba siya mag bar? Grabe, iba talaga awra niya ngayon.

Sinundan ko nalang siya kung saan siya pumunta pero medyo na-awkward ako dahil papunta kami ngayon sa dalawang taong naghahalikan. Kahit madilim, halatang naghahalikan ang dalawa dahil nakaharap sa direksyon namin ang mukha ng babae na hinahalikan ng lalakeng nakatalikod. Nagulat ako sa ginawa ni Bernice. Hinila niya ang tshirt ng lalake para mapatayo ito at agad naman itong humarap kay Bernice dahil sa pagkagulat.

"B-Bernice---"

*pak!*

"Finally, nahuli din kita sa akto!" sigaw ni Bernice doon sa lalake matapos niyang sampalin ito. Napansin kong nagtinginan sa amin ang mga tao dito.

"Hey sino ka?!" tumayo ang babaeng kahalikan nung lalake kanina at kinausap nito si Bernice.

"Girlfriend! But now, ex na!" nagulat ang babae sa sinabi ni Bernice. So yung guy pala ang sinasabi ni Bernice na bagong boyfriend niya. Pero sa kasamaang palad, niloko naman siya.

"Bernice---"

"Shut up! I don't need your fucking explanation! Nasagot na ang mga katanungan sa isip ko!" Pinutol ni Bernice ang pagsasalita ng lalake. "Get out! I don't want to see your devilish face anymore!"

After few seconds, naisip na din ng lalake na umalis sa kinatatayuan niya, sumunod naman ang babae. Pumunta ako sa harap ni Bernice at nakita kong umiiyak na pala siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Perverse One. (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon