Chapter 3 - Kilig Hanggang Buto ;)

13 1 0
                                    

Hindi ko inaasahan na magkakagusto ako sa lalaking unang-una ay kinaiinisan ko. Ang cute niya. Mas lalo siyang gumagwapo kapag siya ay nakangiti. Napakaganda ng kanyang mga kayumangging mga mata. Palabiro rin siya at hindi mahirap pakisamahan. Mabait siya sa akin at maalaga. Parang nagkakaroon na ako ng crush sa kanya. :)

EVO: Chrissie!

CHRISSIE: Oh, Evo! Anong meron?

EVO: Gusto mo bang lumabas tayo mamayang gabi?

CHRISSIE: Ano?? (Kinikilig na)

EVO: Uhmm. Teka. Parang hindi naaangkop ang aking pambungad para sa isang magandang dilag na tulad mo. (Nililimas ang kanyang lalamunan sabay abot sa kanang kamay kay Chrissie) Sa Napakaganda at Napakatalinong Dilag na si Chrisselle Marie Fuentes, gusto mo bang lumabas kasama ako mamaya para maghapunan sa isang marangya at magarang restaurant? ;)

CHRISSIE: Tange. Hindi mo naman kailangang gawin 'yan. Sige! Gusto ko 'yan. :) 

EVO: Yes! Kita'kits mamaya! Siyanga pala, saan banda ang bahay niyo?

CHRISSIE: Bakit? (Parang tanga lang. Siyempre, para sunduin ka, Chrissie. Ano pa nga ba.)

EVO: Gusto kong makilala ng personal ang mga magulang mo.

CHRISSIE: (Pumula ang mga pisngi) Ang bahay namin ay malapit lang dito. Dun banda sa unang kanto. Sa puting gate katabi ng sari-sari store ni Aling Maring. 

EVO: Salamat. Susunduin kita mamayang mga alas'siyete. Siyanga pala, hindi mo pala kailangang magbihis masyado. Mas maganda ka kapag ika'y simple lamang. :)

CHRISSIE: Salamat, Evo. Kita'kits mamaya! (Namumula na naman ang mga pisngi)

Ayun. Para na akong nasa langit. Ang bilis ng mga pangyayari. Nagtataka nga ako kung bakit ganun kabilis niya ako niyayang lumabas para maghapunan. Hmm. 

Ano ka ba, Chrissie. Normal lang yun noh. Assuming na naman ako. :P

Perst Lab ;)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon