Chapter 6 - Usapang Pamilya

19 1 0
                                    

CHRISTALE: Chrissie, pwede ba tayong mag-usap?

CHRISSIE: Oo ba. Tungkol saan? Okay lang sa'kin basta hindi lang tungkol kay Stella.

CHRISTALE: Oy, magbigay galang ka naman sa kanya. Pakiusap, 'wag ka nang maging ganyan kay Tita Stella. Siya na ang bagong Mommy natin ngayon.

CHRISSIE: Pero alam mo naman kung ano ang tunay na dahilan kung bakit namatay si Mommy.

CHRISTALE: 'Wag muna natin pag-usapan ito ngayon. Gusto kong malaman kung kamusta naman ang araw mo ngayon. Kamusta sa school?

CHRISSIE: Okay lang naman.

CHRISTALE: Wala kang gustong ikuwento sa'kin?

CHRISSIE: Tulad ng ano?

CHRISTALE: Tulad ng tungkol sa cute na lalaki na sumundo sa'yo kagabi.

CHRISSIE: Oh. Si Evo. Lab partner ko siya.

CHRISTALE: Talaga? 'Yun lang ba? May gusto ka ba sa kanya?

CHRISSIE: Wala.

CHRISTALE: Sabihin mo nga ang totoo sa akin, Chrissie kung hindi mo gusto na pag-usapan na naman natin si Tita Stella.

CHRISSIE: Sige na nga. Ikukuwento ko na sa'yo. Basta 'wag mo nang banggitin sa 'kin ang pangalan ng babaeng 'yon. Si Evo ang pinaka'cute, mabait, at cool na tao na nakilala ko. Oo, may gusto ako sa kanya.

CHRISTALE: Nanliligaw ba siya sa'yo?

CHRISSIE: Oo. Kagabi lang.

CHRISTALE: Yeheey! Sa wakas! Ang saya-saya ko para sa 'yo, sis! (niyakap ng mahigpit si Chrissie)

CHRISSIE: Oy, hindi na ako makahinga.

CHRISTALE: Ay, pasensya ka na. Promise, masaya ako para sa'yo.

CHRISSIE: Bakit naman?

CHRISTALE: Siyempre. Dahil sa wakas, may nanligaw na sa'yo. Hehe.

CHRISSIE: Ganun? (sabay inihampas ang hawak na unan sa kapatid)

ALLAN: Chrissie, pwede ba tayong mag-usap?

CHRISSIE: Sige, Dad. Tungkol po saan?

CHRISTALE: Sige, maiwan ko muna kayong dalawa.

ALLAN: Nobyo mo na ba ang lalaking 'yon?

CHRISSIE: Sino Dad? Si Evo?

ALLAN: Kung sino man pangalan niya. Oo, siya nga ang tinutukoy ko.

CHRISSIE: Naku! Hindi Dad. Lab partner ko lang siya.

ALLAN: Sigurado ka? Pwede mo namang ibahagi sa'kin ang mga detalye.

CHRISSIE: Sigurado ako, Dad. Wala akong kailangang sabihin sa inyo. 'Wag kang mag-alala, sasabihin na sasabihin ko sa inyo kung dumating ang araw na maging kami. Okay Dad?

ALLAN: Okay. (napabuntong-hininga) Hindi ko na kailanman maibabalik pa ang dating koneksyon namin bilang mag-ama.

CHRISTALE: Anong sinabi ni Dad sa 'yo?

CHRISSIE: Wala naman. Tinanong niya lang ako kung kami na ni Evo.

CHRISTALE: Eh anong sinabi mo?

CHRISSIE: Sinabi ko lang sa kanya na lab. partner ko lang si Evo. Hah! Kunwaring nagmamalasakit daw siya.

CHRISTALE: Ano ba naman 'yan, Chrissie. Nag-aalala lang si Dad tungkol sa 'yo. Gusto lang niyang malaman kung anong nangyayari sa buhay mo.

CHRISSIE: Uh-huh? Sige na, kailangan ko nang magpahinga. Meron pa kaming malaking eksperimento na gagawin bukas.

CHRISTALE: Anong klaseng eksperimento? ;)

CHRISSIE: Ayan. Iba-iba naman ang nasa isip mo.

CHRISTALE: Haha! Biro lang. ;)

Perst Lab ;)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon