Chapter 4 - Matamis na Hapunan :)

17 1 0
                                    

OMG! As in OMG! Tama ba ang narinig ko? Niyaya niya akong lumabas! Senyales na ba 'yun? Tuwang-tuwa talaga ako. Ito ang magiging first date ko.  Hindi pa talaga ako nakaranas na magkaroon ng date kahit noon pa (maliban sa JS Prom). Sapilitang date naman yun. Pero isang seryosong date? Nah.

EVO: (tumunog ang doorbell) Magandang gabi po, Sir. Ako po pala si Emmanuel Victor Octavio. Maaari niyo rin akong tawagin bilang Evo. Kayo 'ho siguro si Mr. Fuentes. Nandito po ako para sunduin ang inyong anak na si Chrissie. Kakain po kami sa labas. Maaari po ba yun, Sir?

ALLAN: Pumasok ka iho.

EVO: Salamat po, Sir.

ALLAN: Tawagin mo na lang akong Allan.

EVO: Ah. Sige po. / Hi! Kayo po siguro ang Mommy ni Chrissie. Kasing ganda niyo po rin kasi siya eh. Ako nga po pala si Evo.

CHRISTALE: Naku, hindi noh! Hindi ako ang Mommy ni Chrissie. Ako ang nakakatandang kapatid ni Chrissie. Ako si Christale. Chrissa for short.

EVO: Ooppss.. Pasensya na po. Hindi ko po alam. Hindi naman po kasi nagkakalayo ang itsura ninyo ni Chrissie. Parehong magaganda.

CHRISTALE: Sus! Kung makabola. Hehe. Okay lang yun. Madalas rin akong napagkakamalan na Mommy ni Chrissie eh. Ganyan na ba ako katanda tingnan? Hehe. 

EVO: Hehe. Naku po, hindi naman po sa ganyan.

CHRISTALE: Nagmana kasi kami kay Mommy Christina, eh.

EVO: Uhmm, matanong ko lang po. Nasaan na po pala ang Mommy ninyo?

CHRISTALE: Namatay na siya, apat na taon na ang nakalilipas.

EVO: Oh, pasensya na po.

CHRISTALE: Okay lang. / Oh, nandyan na pala siya.

CHRISSIE: Hi, Evo. So, nakilala mo na pala ang Ate ko.

EVO: Wow. (sabay nga-nga) Ang ganda mo. :) Ah, oo. Nakilala ko na siya. Napagkamalan ko pa nga siya na Mommy mo.

CHRISSIE: Hehe. Lagi na lang siyang napagkakamalan na Mommy ko. Eh si Dad? Nakilala mo na siya?

EVO: Oo, nakilala ko na rin pati ang Daddy mo. Siya ang bumukas ng pinto.

ALLAN: Umuwi kayo ng 11 pm ha? Sige na! Enjoy, have fun guys. Ingat kayo. :)

CHRISSIE: Dad!

ALLAN: Nababahala lang ako, anak.

CHRISSIE: 'Wag mo siyang pansinin. Halika na.

EVO: Bye, Sir! Bye Ate Chrissa!

EVO: Nasaan nga pala ang stepmom mo?

CHRISSIE: Oh, baka nag'clubbing na naman yun.

EVO: Ano?? Ang stepmom mo, nagka'clubbing??

CHRISSIE: Mahirap paniwalaan diba?

EVO: Whoa. Sadyang hindi kapani'paniwala.

CHRISSIE: Yeah, alam ko.

EVO: May nahalata pala ako kanina. Bakit parang hindi ka'cool sa Daddy mo?

CHRISSIE: Pwede bang sa susunod na lang natin pag-usapan ito? Hindi ko gustong pag-usapan yan ngayon. Gusto ko lang maging masaya sa gabi na ito.

EVO: Oh. Pasensya ka na. / Heto na pala tayo.

CHRISSIE: Whoa. Ang ganda ng resto!

EVO: Gusto ko lang dalhin dito ang babaeng pakakasalan ko.

CHRISSIE: Ano??

Perst Lab ;)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon