Chapter 8 - Karibal

9 1 0
                                    

MARIAN: Hi Chrissie! Himala, pareho pala tayo ng subject ngayon.

CHRISSIE: Kaya nga. (napabuntong-hininga)

MARIAN: Uhmm.. Chrissie.. May lab. partner ka na ba?

CHRISSIE: Noon meron, pero ngayon wala na. Bakit mo naman naitanong?

MARIAN: Hindi ko alam kung paano ito uubra pero kailangan na kailangan ko talaga ng lab. partner ngayon. Hindi kasi pumayag si prof. na mag-isa lang ako sa proyekto na sana'y gagawin ko. Okay lang ba sa'yo kung magiging lab. partner kita simula ngayon?

'Lang hiya. Ano ba ang sasabihin ko sa babae na 'to? Ayokong maging lab. partner ang babae na ito. Pero sa ngalan ng paghihiganti, lulunukin ko na lang ang pagmamataas ko at ibababa ko na rin ang aking dignidad. 

Pinaparusahan ba ako? Sa pagkakaalam ko, wala naman akong ginawang mabigat na kasalanan. Bakit ganito pa ang mga nangyayari sa buhay ko? 

Hay naku.

Buhay nga naman.

Sadyang mapaglaro.

CHRISSIE: Sige! Papayag na ako na maging lab. partner mo. (sabay pekeng ngiti)

MARIAN: Naku salamat! Ang bait mo naman! (sabay yakap kay Chrissie)

CHRISSIE: (hinila palayo si Marian) Hindi naman. Sadyang nagkataon lang na maganda ang gising ko ngayon.

MARIAN: Hindi na bale 'yon. Salamat ulit! Hanggang sa susunod na pagkikita!

Napaka'plastic naman ng babaeng ito. Sigurado ako, kaya nagiging mabait ito sa akin kasi alam niyang meron kaming "something" ni Evo.

Pero teka.

Hindi naman pala naging kami ni Evo.

At mas nauna pala siya sa akin.

Ano ba 'tong iniisip ko?

Bakit nga ba ako nagpapaepekto?

Eh wala naman akong karapatan para magselos?

Hay naku.

Ang kumplikado naman.

Teka nga.

Bakit ko nga ba tinanggap ang alok niya?

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala!

Siya? Siya na kasintahan ni Evo, ang lalaking muntik ko nang mahalin ng tunay?

Diyos ko po.

Ako po sana'y patawarin niyo.

*_*

Perst Lab ;)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon