Namomroblema na ako para sa pageant. Ene be nemen kese eteng se Chenyel eh. Nadidistract ako! Nagpapractice kasi ako ngayon sa paglakad. Sabado tapos nandito sila Sehun, Jongdae, Lay at ang Kaisoo tapos nandito rin yung higad na si Kitchie. Bakit ba yan nandito? Hindi naman kami magkaibigan.
"Hoy girl. Bakit ka nandito?" kinalabit ko si Kitchie
"Kasi diba follow your dreams? Kaya sinundan ko si Kai dito," and she winked. Napapaypay na lang ako sa sarili ko. Jusmee naman. Nakakasuka!
Naglakas si Kitchie papunta sa may kitchen counter kung nasaan ang KaiSoo. Paniguradong mag-aalburoto na naman si Satanas nito. Si Sehun, panay kalikot ng phone. More like porn. I frowned. Ansakit na ng paa ko eh. Lintek na heels ito. Kasumpa-sumpa!
"Masakit ba?" kinuha ni Lay ang paa ko saka inilagay sa lap niya. Dahan-dahan niya itong pinisil
"Medyo. Bwisit na heels 'to," sabi ko sabay hagis ng heels sa likod ng sofa
"Kung pwede lang ako ang magsuot niyang para sa'yo," may sinabi si Lay pero hindi ko narinig kasi sumingit si Jongdae
Bwisit talaga na troll 'to. Nakaka-urur "Chen, sunglasses ka ba?" napangisi naman si Chen, yung kinikilig. Ewwww
"Bakit?" pabebe niyang saad
"Kasi nagdidilim ang paningin ko kapag nandiyan kang hinayupak ka!" lumapit ako sa kanya at hinampas siya ng unan sa mukha. Sapul.
"Alam mo ikaw, nakakahurt ka ng feelings! Porket andaming nagmamahal sa'yo!" napa-irap ako sa sinabi ni Jongdae
Pinakyuhan ko lang siya habang naglalakad ako papunta kay Chanyeol. Ang tahimik niya eh. Umupo ako sa tabi niya. Pero wala pa rin siyang kibo. Nakatitig lang siya sa mga buildings na nakikita mula dito sa window ng unit ko.
"Chanyeol," I tapped his shoulder
Napatingin siya sa akin at napangiti "Tapos na kayo?" tanong niya
"Oo," tipid kong sagot
Napatingin siya sa baba. Sa paa ko. Kinuha niya 'yon at dahan-dahang minasahe. Wala siyang sinasabing kahit ano pero parang sasabog na ako dito. Tangina. Nakaka-kuryente. Nung bigla siyang tumingin sa akin ay bigla akong nag-panic kaya napatayo ako at nabitiwan niya ang paa ko.
"A---ah! Sorry! Ma--Magluluto lang ako," pagtalikod ko sa kanya ay pinukpok ko ang ulo ko
Leche. Bakit ngayon pa ako nakaramdam ng awkwardness? Ansarap kong iuntog sa pader! AHHHHHHHHHHHH! Nagluto na lang ako ng hotdog para sa merienda namin. Nakakahiya naman kasi sa kanila kung hindi ko sila papakainin diba? Promise nakakahiya talaga.
After a few minutes, naluto ko na kaya tinawag ko na sila "Oy kain na mga walang hiya este walang hiya-hiya sa pagkain ah!"
Agad silang nagsuguran sa mesa except kay Chanyeol na parang ramp model na naglalakad papunta sa dining area.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Cold (Under Revision)
FanfictionTinadhana tayong magkita ngunit hindi tayo itinadhanang magkasama