***Chapter10***
Sakay na kami ng car nya at dito lang naman pala kami sa park ng village namin.
Naka sasakyan pa talaga kami -__-
Pero infairness, malayo layo din sya sa bahay namin, malaki kasi masyado ang village namin.
"Ahh John? Paano ka malayang makakapasok dito sa village namin? Kasi kailangan pa ng permiso sa pupuntahan mo kung gusto mong pumasok dito sa village"
Exclusive kasi tong village namin.
Walang tao ang basta bastang makakapasok dito.
Kailangan muna ng approval dun sa taong pupuntahan mo bago ka papapasukin ng gate ng village.
"I have a house here."
O.O
Talaga?
"Ah ganun pala"
Bumaba na rin kami ng car nya at pumunta dun sa plaza.
Maganda naman pla dito, ngayon lang kasi ako pumunta dito. Malaki laki din sya.
Wala pa din masyadong tao kasi mga 1Pm na kase ngayon.
Mabuti nalang at di masyadong mainit dito,marami kasing kahoy at natatakpan talaga yung sinag ng araw. ang presko din sa pakiramdam.
"Teka lang ha, may kukunin lang ako."
"Sige"
Naghintay lang ako sa may bench.
Ang sarap ng feeling dito.
May mga bata ring naglalaro, ang saya saya nilang tingnan.
Naiinggit ako tingnan sila, d ko kasi naranasan yan nung bata pa ako.
"Lalim naman ng iniisip."
"Ahh anjan ka na pala"
Nagulat ako sa kanya, may dala kase syang bike -_-
Ehh, mag ba bike sya?
Iniinis ba nya ako?
D nga ako marunong mag bike ehh.
"Ooh! Chill lang Lou! alam ko kung ano nasa isip mo ngayon."
"Alam mo naman pala ehh, bakit ka may dala nyan?"
"Tuturuan kitang mag bike ^_^"
Ha?
Tuturuan nya ako?
Nakakahiya naman!
Ang laki ko na,
Baka pagtawanan ako ng mga bata jan.
Talo pa ako ng mga bata ehh, nga bike pa sa harap ko -___-
"Sige na, tayo ka na jan! Nagpaalam na ako sa papa mo kanena na tuturuan kita basta d ka lang raw magkakasugat"
Ahh, so yun pala yung pinag usapan nila kanina sa kusina. (",)
"Oh sige turuan mo ako"
Gusto ko rin naman matuto.
Mas lalong gusto kong matuto dahil ang gwapo ng magtuturo sa akin. hhahaha. ang lande -___-
Tinuruan na nga nya ako.
Ang hirap naman .
Ganito talaga siguro lalo na malaki na ako na tinututruan pa ng bike. sabi kase nila mas madali matuto pag nung bata kapa tinuruan.
After 1233447465years,
"Oyy John! wag mo bibitawan yung pagkakahawak ha!"
"Oo nga. Sige na, pumadjak ka na."
Ehh, hanggang ngayon di pa rin ako natuto.
Natatakot kasi akong matumba -___-
Tinawanan pa nya ako kanina kase ang duwag ko daw. Pagba bike lang natatakot pa ako na matumba . sige na ako na duwag.
Padyak.
Padyak.
Padyak.
Teka ang layo ko na ata -_-
"Oyy John? Okay ka lang jan?"
No response..
"Oy---------
Pagtingin ko sa likod, wala pala sya dun?
Ibig sabihin hindi na nya hinahawakan yung likod para maka balanse ako?
Marunong na ako?
hahahahaha..
"Sabi nang sa harapan na daan ka tumingin"
Nabigla ako sa nagsalita.
Si john pala nasa right side ko na at nag bike din.
Sa bigla ko tuloy, ayun natumba ako.
"Ehhh! Bat ka ba nambibigla! Buti nalang wala akong gasgas -____-"
"Atleast marunong ka na ."
At nag thumbs up pa sya.
"Thanks to you." ^_^
Alas singko na pala ng hapon di pa namin namalayan. Ang tagal ko ngang natuto. Pero atleast ngayon marunong na ako.
Yohoooooo.
Inuwi na rin nya ako.
Pag uwi ko, syempre pinapasok ko sya.
Andito na pala si dad.
"Oh kumusta ? natuto naman ba?"
"Yes sir, matagal nga lang natuto."
Nagtawanan pa silang dalawa.
Oh sigee na, maliitin nyo lang ako.
"Kumain muna tayo. Gutom na ako ehh"
Naghanda naman si Baby ng makakain.
At ayun, sabay kaming tatlo maghapunan.
Ang sarap sa pakiramdam.
Ewan ko kung bakit.
Masaya lang ako, kasi kasama ko sya.
Si dad din mukhang naging close na sila.
Nagtatawanan pa, ang kulit nga nilang dalawa ehh.
Minsan ako ang inaasar nila. -____-
Third time na kasama ko siya : I so Love it ^_^

BINABASA MO ANG
My Summer Love
ChickLitAng Summer? Masaya daw ang panahon na yan. Pinakahihintay ng lahat ng mga studyante, pero ako? ayoko nyan.. boring kasee.. Pero I never thought i'll have an unforgettable and painful summer but despite that experience I still manage to say, I love S...