***Chapter12***
After nung gabi na sinabi nyang liligawan nya ako ay palagi nalang syang may surprises for me.
Every morning magigising nalang akong ang daming bulaklak sa kwarto ko.
Sya rin ang nagluluto ng breakfast ko.
Syempre magana akong kumakain palagi, ehh sya na ang nagluluto ehh.
Palagi pa rin kaming nag ba-bike sa plaza at tumatambay dun tuwing gabi.
Gusto ko ang ganitong feeling , yung atlast yung inadmire kung tao na hanggang tingin lang ako noon ay syang kasama ko at sinusuyo ako.
Sarap dba?
Mga 2weeks na rin nya akong nililigawan.
Ngayong araw lang nga sya pumalya ehh.
Di ko sya nakita at di sya nagparamdam ngayong araw na to.
Ang lungkot grabe!
Miss ko na nga sya ehh. -____-
"Wag kana mag mukmok dyan. Mahal ka non!"
Nabigla ako sa sinabi ni dad.
Napansin pala nya ang pagiging tulala ko -___-
Kasalukuyan ko syang tinutulungan sa mga reports nya. As usual, ginabi na naman kami masyado sa mga paperworks nya.
"Tss, kaw talaga dad."
"Sige na matulog na tayo. Baka pumunta pa yon dito ng maaga bukas tapos ikaw nakahilata pa sa higaan mo"
Pumunta na rin ako ng kwarto ko.
12 na pla. Grabe talaga pag magkasama kaming dalawa ni dad na magtatrabaho, hindi namin namamalayan ang oras.
Paano nya kaya ako natiis na hindi makita o makausap sa loob ng isang araw?
Mahal nya kaya talaga ako?
Ayy ang Oa ko na.
* Flashback *
Nasa plaza kami at napagod kami kaya umupo kami sa damuhan. paano ba naman kasi naglaro kami sa playground. mga feeling bata -__-
"I Love You Lou."
Tiningnan ko sya.
Totoo kaya ang sinasabi nya?
"I know nag aalinlangan ka pa rin sa akin pero totoo yun. Hindi ako magsasawa na ipakita sayo na mahal kita."
Nakikinig lang ako sa kanya.
Hindi ako sumasagot.
Oo, nag aalinlangan pa rin ako.
Para kasing, ewan.. hndi ko alam.
"I want you to know that wherever I am, you'll always be in my heart and in my mind."
* Flashback ends *
Kinilig ako syempre.
PEro ngayon?
Nagdududa na ako kung totoo nga yong mga salitang binitawan nya.
Yun na ang last conversation naming dalawa.
Pinakilig nga nya ako. Pero totoo ba naman yun?
Sabi nya hindi sya magsasawa na ipakita sa akin na mahal nya ako pero bakit ngayon? hindi nga sya nagparamdam ehh.
Nakooo, napapraning na ako.
Tinawagan ko nga sya pero di naman makontak.
Ano kaya nangyari sa kanya?
Nakatulog ako na maraming tanong sa aking utak.
Mabuti nga nakatulog pa ako ehh.
* Kinabukasan *
Nagising ako ng maaga.
Nag expect nga akong may bulaklak na namang nakakalat sa kwarto ko pero wala.
Wala rin akong breakfast na handa nya.
Nakakainis naman.
Mahirap mag adjust ha! Nakasanayan ko na kasi na may gumagawa sa akin non.
Hindi na rin sya tumatawag at di rin sya makontak.
Ano ba John?
Pinaglalaruan mo lang ba ako?
Nasa school ako ngayon kasi simula na ng enrollment. Ang dami ngang mga students.
Yung iba ayon, nagyayakapan pa dahil miss ang isat isa.
Ehh ako? heto nag iisa.
Si Jeanny kasi di na umuwi. Siguro hiyang na sa Singapore kaya pati ako kinalimutan na ata.
Di na rin sya tumatawag at d rin makontak.
Ano ba ang nangyari sa magpinsan na to?
Ang sarap nyong sapakin ha!
Papunta ako ngayon sa Cr, kasi parang sasabog na ehh. Mabuti nalang nakapag enroll na ako, wala ng problema.
Habang naglalakad ako, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Tapos may narinig akong nag uusap sa hagdan na dalawang lalake. Wala naman kasi masyado tao dito sa parte ng school na to.
Tapos may narinig ako na ikakasama ata ng puso ko -____-
"Hindi na dito mag aaral si John?"
Sabi nung isang lalaki kaya napahinto ako at nakinig sa usapan nila.
Sige na, ako na chismosa -___-
"Oo, aalis daw silang pamilya. Sinabi nya nung nag inuman kami kagabi."
Aalis silang pamilya?
Bat d nya sinabi?
"Diba sila nung Edwards? Iiwan nya yun?"
Oo nga naman.
Iiwan nya ako? Pero hindi pa naman kami ehh -__-
"Ewan ko sa kanya. Pinaglalaruan nya lang ata yun ehh."
I was stunned at the moment. I dont know how to react kaya bumalik ako sa dinaanan ko kanina at umalis ng school na parang wala sa isip.
Ang sakit naman ata nun.
Pinaglalaruan? Ako?
Di naman ako laruan ahh.
Sana sinabi nalang nya ng hindi ako mahulog ng sobra sa kanya.
Nahulog ako, walang sumalo.
Ang sakit T_T

BINABASA MO ANG
My Summer Love
ChickLitAng Summer? Masaya daw ang panahon na yan. Pinakahihintay ng lahat ng mga studyante, pero ako? ayoko nyan.. boring kasee.. Pero I never thought i'll have an unforgettable and painful summer but despite that experience I still manage to say, I love S...