Chapter 11

40 0 0
                                    

***Chapter11***

Ilang araw na rin ang nakaraan after nung tinuruan nya akong mag bike.

Kinabukasan nun ay Linggo kaya nagulat na naman ako nung nasa bahay sya.

Aayain na naman daw nya ako na sabay daw kami magsimba.

Eh di, gorabels agad ako.

Opportunity na yun ehh.

Grabe nga yung pagpapasalamat ko sa Panginoon nung nagsimba na kami ehh.

Dahil binigyan nya ako ng pagkakataon na makasama si John. Kahit alam kong pansamantala lamang to. nagpapasalamat pa rin ako.

I've never been this happy before.

At nagpapasalamat akong naging masaya ako na kasama sya ^_^

Pagkatapos namin magsimba ay nag bike kami sa plaza. Naging habit na nga namin to every afternoon ehh. Nag kakarera kami kung sino ang mauna sa finish line. naglagay pa nga rin kami ng finish line at kung sino ang matalo mang lilibre ng Ice cream.

Ako nga palagi ang talunan ehh.

Ang bilis nya kasing magpa takbo grabe!

Ehh ako takot pa rin ako kahit marunong na ako.

Parang mamumulubi na ako sa isang to, palagi akong nakakalibre ng ice cream .

Standby sa plaza gabi gabi rin ay nakagawian na rin namin. Ang lamig kasi ng hangin tapos ang ganda pa tingnan ng kalangitan. Ang ganda rin ng stars, Minsan nga nagdala sya ng telescope para matingnan daw ng malapitan yung mga stars.

*Flashback*

"oyy John! tingnan mo, may shooting star! Wish tayo dali"

Napapikit naman ako.

Syempre nag wish ako.

Gusto ko kasi mas matagal na panahon ko pa syang makkasama at makatawanan. sana nga ganito nalang kami palagi. Kahit walang commitment basta kasama ko siya.

Pagmulat ko ng mata ko, Nakatingin pala sya sa akin.

"Tapos ka na mag wish?" ako

"OO"

"Ano wish mo?"

"Sana ganito tayo palagi"

Same wishes?

Awww, kilig  naman ako dun.

hahah.

"Talaga? pwedi naman tayong ganito kung di ka magsasawa na makasama ako ehh."

Ngumiti lang sya. At tumingin sa kawalan.

"May problema ka ano?"

Yung mukha nya kasi parang pasan ang buong mundo pero pinipilit nyang sumaya at ngumiti. Bakit naman kaya?

"Okay lang ako.'' ^____^

Plastic ka John Carlo! Alam ko may problema ka pero sige I'll respect your privacy na ayaw mong sabihin sa akin -___-

"Ang ganda ng mga stars ano?"

Nakatingin na naman sya sa akin.

Ang awkward -___-

"OO, kasingganda mo "

"Bolero ka! di porket April at Fools Month ngayon mambobola ka sa akin. hahaha"

Pabiro kong sabi. kasi naman ehh, kinilig ako.

hahaha.

**Flashback ends ***

My Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon