Copyright © 2013 by Jade Go
All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher
This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
***
Prologue
Halos matanggal na ang lalamunan ni Sav kakatili para suportahan ang basketball team namin. Hindi ko nga lang alam kung 'yung buong team ba talaga ang sinusuportahan niya o 'yung kuya ko lang. Natatawa tuloy ako at lalong hindi makapag-focus sa pagkuha ng litrato para sa school paper namin.
"Uy Alli! Ang galing din pala ni Anthony mag basketball!" sabi ni Sav sabay turo kay Anthony na kakapasok lang ng court. Kakasali lang niya this year sa basketball team namin and everyone thought he doesn't have the skills – now he proved them wrong. Pareho kaming first year kaya siya ang pinakabatang member ng team. Tinapat ko sa kanya ang lente ng camera ko at saktong tumingin siya sa direksyon ko. I quickly took a picture of him and felt a sense of fulfillment. Siguradong maganda ang kuha ko sa kanya.
Napangiti ako at bahagyang napayuko dahil dito.
Mahigpit ang laban ngayon dahil gustong mag back-to-back champion nila Kuya Mark. Huling taon na nila sa highschool kaya bigay na bigay sila. Suporta ko na lang talaga sa kanya ang paglalakas loob kong mag-apply as photo journalist ng school newspaper namin. Kaya rin ako nandito. Hindi naman kasi ako 'yung tipong titili at magiingay para sumuporta. It's actually Sav's forte kaya ko rin siya inaya. Mukhang kahit hindi ko kasi sabihin ay iyon na ang kanyang ginagawa kanina pa. I couldn't be any happier for her. Masaya at kuntento rin akong makita sila ng malapitan.
Hindi man naging madali dahil sa sobrang lapit ng scores, naipanalo ng team namin ang laro. Sobrang saya ng lahat! Marami kasi ang nagpunta mula sa school namin kaya sobrang ingay ng lahat nang huling makapuntos si Anthony para sa team. Halos mapuno ang court sa pagpasok ng mga schoolmates ko rito. Panay ang pa-picture nila sa mga players at itong si Sav naman hinila na rin ako papasok.
"Beh alam mo na ah," bulong nito sa akin at natawa naman ako. Sobrang ligalig niya kasi simula nang magsimula ang laro. Parang wala rin siyang kapaguran kahit halos mamaos na siya kaka-cheer.
Bago pa man kami makapunta sa gitna ng court, nilapitan na kami ni Kuya Mark. Pawis na pawis siya kaya inabutan ko na muna ng bimpo. Si Sav naman ang nag-abot ng bottled water sa kanya. Hindi ko alam kung nahalata ba ni Kuya na scripted ang ginagawa naming magkaibigan!
"Congrats!!!" Naunahan ako ni Sav kaya hindi ko napigilan ang pagngiti. Lalo na at namula kaagad ang ilong ni Kuya. Ganito ito kapag nahihiya and he rarely does. Ito lagi ang reaksyon niya sa tuwing ganito si Sav. They've met a couple of times pero hindi nagbabago ang reaksyon nila sa isa't isa.
Nakipagfist bump na lang ako kay Kuya gaya ng lagi naming ginagawa. 'Yung ngiti niya abot tainga.
"Kuya pa-picture naman kami sa 'yo. Si Sav muna."
Ito na 'yung galawan ko para magawa 'yung request ni Sav. She wanted to have a picture with Kuya Mark today. Matagal na niya kasi akong kinukulit dito at ayaw kong palampasin ang pagkakataon na ito.
Nang tingnan ko sila sa viewfinder ng camera ko, nakita kong ang laki ng pagitan sa gitna nila.
"Closer!" sigaw ko at pansing kaunti lang ang nabawas sa distansya nila. "Closer pa dali!" Nang sabihin ko ito ay si Sav na mismo ang dumikit kay Kuya. "Perfect!" I heard the shutter sound.
Hiniram naman ni Sav ang camera ko para kuhanan kami ni Kuya. Para rin hindi halatang gusto lang niya magpa-picture kay Kuya.
"Lalabas lang kami ng team mamaya, diretso uwi ka na ah?" sabi ni Kuya Mark pagkatapos. Then he kissed my forehead. Bago pa man ako makasagot ay nilapitan na kami ng kanyang mga ka-team.
"Saan tayo kakain? Sasama ba natin si Alli?" tanong nung isa kay Kuya. I forgot his name but I already met him before. Lalapitan sana niya ako pero inilayo ako ni Kuya sa kanya at itinago sa kanyang likuran na parang bata.
Nagtawanan ang iba niyang ka-team. Itong si Kuya kahit kailan overprotective. Kaya nga wala pa rin akong kahit isang nakikilala sa mga kaibigan niya. Ngumiti na lang ako sa kanila at natigilan nang makita ko si Anthony malapit sa akin. May mga nagpapa-picture na babae sa kanya kaya wala sa amin ang kanyang atensyon. Nag-iwas na lang ako ng tingin. Wala namang bago rito dahil sikat na sikat siya sa school.
"Kunan ko kayo ng picture," sabi ko na lang kay Kuya at mabuti naman hindi na siya tumanggi pa. Kailangan ko rin kasi ito for the school paper.
Pinaayos ko sila kay Sav at nang okay na, I took pictures of them.
"Sama ka sa kanila!" sigaw ni Sav pagkababa ko ng camera at hindi na ako nakapagsalita dahil inagaw na niya ang camera ko. Ito namang mga ibang ka-team ni Kuya ay hinila na rin ako kahit na kita kong umuusok na ang ilong ni Kuya Mark.
Tumayo ako sa tabi ni Kuya at pagtingin ko naman sa kabila ko, nakita ko si Anthony. Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti bago matapos ang pagbilang ni Sav.
"Alli, tandaan mo ang bilin ko. Don't fall for any of these guys. They're a bunch of jerks and players. Okay?" seryosong bulong ni Kuya Mark.
"Okay," and I laughed.
***
REVISED YEAR: 2019
BINABASA MO ANG
Bring Him Down
RomanceAllison Naomi Fernandez can do everything for love - even if it means playing with fire. Kaya naman kahit na mahirap para sa kanya, para sa lalaking mahal niya ay magpapabagsak siya ng ibang tao. But the entertainment world is not an easy playing f...