Chapter 3
Allison's POV
"Well done babe...," Anthony whispered in my ear and I shivered.
Bumalik akong muli sa bleachers at nagsalita na si Jessica para isarado ang show.
Hindi ko alam kung kaya ko bang gawin ang gusto ni Anthony pero pumayag akong gawin ang hiling niya dahil mahal ko siya.
Kinabukasan pagkatanggap ko ng text niya ay agad ko siyang pinuntahan sa kanyang condo unit. I want to talk about his favor in person. Kinabahan kasi ako kung tungkol saan iyon.
Pagkarating ko sa condo, naabutan ko siyang mahimbing na natutulog kahit na dapat ay naghahapunan siya. He looked so tired. Ipinagluto ko pa siya noon ng paborito niyang steak. Nang magising siya naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likod. Para pa rin akong matutunaw sa tuwing naglalambing siya sa akin.
Kumain siya na parang gutom na gutom. Hindi muna kami nagusap hanggang sa matapos siya dahil ayaw ko namang makaapekto ang paguusap namin sa pagkain niya.
"Babe is there a problem? Ano 'yung favor na tinext mo sa akin?" tanda kong tanong ko pagkainom niya ng tubig.
"Oo eh," bakas sa mukha niya ang lungkot. Hindi naman siya ganito talaga. Kaya alam kong may mabigat siyang problema.
"Is there anything I can do to help?"
Yumuko siya noon at umiling ng ilang beses.
"Wag na lang pala. Siguro mas maganda kung mag break na lang tayo."
Nagulat ako sa sinabi niya noon dahil ilang minuto lang nung okay pa kami tapos bigla siyang nag suggest ng break up. Hindi kaya nananaginip lang ito? Naisip ko pa noon.
"Babe 'wag mo naman akong takutin ng ganyan! Let me know what I can do to help. Kung may problema, sabay nating ayusin hindi 'yung ganyan agad ang solusyon na naiisip mo!"
Hinilamos niya ang mga kamay niya sa kanyang mukha. He looked so frustrated before he spoke again.
"I need you to . . ."
"To what?" kinakabahan ako noon sa maaari niyang hilingin dahil baka hindi ko magawa. Pero ayokong mawala siya sakin. Hilingin na niya ang kahit na ano wag lang ang maghiwalay kami.
"I need you to ruin someone," He sounded so firm, there was something in his eyes I could no longer recognize.
"H-Hindi kita maintindihan," Ito ang nasabi ko dahil hindi ko talaga naintindihan ang gusto niyang hingin mula sa akin.
"Alam kong hindi mo kaya. Mas maganda, tapusin na lang natin 'to. Malaki ang problema ko ngayon," Tumayo siya noon at natakot ako nang talikuran niya 'ko.
"No! Tell me, what should I do?" I desperately asked. I knew I was out of my mind because at that moment, I immediately considered doing his favor.
"Kilala mo naman si Justin Kyler Dominguez 'di ba?"
"Yes, what about him?" Hindi ko maintindihan noon kung anong kinalaman ni Justin dito. Naisip kong baka totoo nga ako ng naisip nung gabi. Baka nga ito ang problema niya. At hindi ako nagkamali.
"Ayokong manatili siyang sikat dahil kapag nagkataon . . . . babagsak ako."
"Bakit naman babagsak ka dahil lang sa sikat din siya gaya mo?"
"Sa showbiz, ganyan talaga ang karaniwang nangyayari. Hindi pwedeng dalawa kayong nasa taas dahil darating ang oras na may mas papaboran ang publiko. Paano 'yung mapagiiwanan? Maaagawan ng mga projects. Makakalimutan siya ng mga tao at unti-unting babagsak. Malalaos. Sa sitwasyon namin, malapit na niya akong masabayan at kailangan niyang mawala bago pa mangyari 'yon. Pero paano naman siya mawawala? Hindi siya basta-basta bibitiw lalo na at malapit na siya sa tuktok. Kailangan ko ng taong hihila sa kanya pababa," paliwanag niya. Hinarap niya ako noon at hinawakan sa magkabilang braso. He stared into my eyes as if he was trying to hypnotize me.
BINABASA MO ANG
Bring Him Down
RomanceAllison Naomi Fernandez can do everything for love - even if it means playing with fire. Kaya naman kahit na mahirap para sa kanya, para sa lalaking mahal niya ay magpapabagsak siya ng ibang tao. But the entertainment world is not an easy playing f...